BTBH BOOK 2 (His Heart Or Mine?) #CHAPTER 17
Jacob's POV
"So.. Beach for today..?" nakangiti kong sinabi sa kanya at napatango tango lang ito.
"Sure, tara na?" napailing iling ako.
"Pwede bang mag-lunch muna tayo? Alas dos palang naman,"
"Mamaya na.." pilit nito at napasimangot ako.
"Gutom na'ko Celestine.. Kain muna tayo, please?" pakiusap ko at wala na itong nagawa kundi ang sumang-ayon.
"Sige na nga. Tara."
Naglakad kami papunta sa isang restaurant at umorder ng makakain. "Bakit ba lagi kang gutom?" taas kilay na tanong nito at napatawa naman ako.
"Bakit? Normal lang naman 'yun diba?" sagot ko sabay kindat ko sa kanya.
"Oo nga. Eh kakakain lang natin ng icecream ah."
"Icecream lang 'yun. Hindi nakakabusog."
"Ang sabihin mo.. Matakaw ka lang." inirapan ako nito.
"Anong matakaw. Ang tawag dito gutom," dumating ang mga pagkain at inabutan ko sya ng tinidor at kutsara, "Kaya tara, kain na."
She rolled her eyes, "Busog pa ko."
"Paano ka naman nabusog? Di pa nga tayo kukain ng almusal."
"Icecream?"
Biglang umiyak ang tyan nito. Na sya namang ikinaresulta ng pagkapula ng pisngi nya.
"Ah icecream. Sige wag kang kumain," sabay kuha sa plato nya.
"Teka. Teka. Bat mo kinuha?"
"Sayang eh."
"Akin na. Kakainin ko."
"Di ka gutom diba?" nakangisi kong tanong at huminga lang ito ng malalim.
"Tss. Ngayon gutom na, akin na nga yan," inabot nya ang plato sakin at nagsimula ng kumain, napa iling iling ako sa tawa, "Ano? Pagmamasdan mo nalang ba ako jan? Kain."
***
Celestine's POV
"Have you talked to Ethan lately?"
"Di pa sya tumatawag eh. I was about to ask you the same question," sagot ko at napahinga ng malalim. Ano na kaya nangyari sa lalaking 'yun.. Hays.
"Miss mo na sya 'no?" Ako? Miss si Ethan? Hmm.. Oo, konti.
"Yes."
"Ah.. Gusto mo na bang bumalik?"
"Ikaw bahala," nakangiti kong sinabi dito at napangiti lang ito.
"Okay.. We'll be off tomorrow." ang bilis naman mag desisyon nito.
"Okay lang naman"
"Hindi. Babalik na tayo sa manila bukas."
Bigla akong na-guilty, "Ah.. Sabi ko nga, ikaw bahala.." nagalit ata.
***
"Di ka ba magbibihis muna?" tanong ko sa kanya, paano kasi naka tee shirt tapos heavy short pants.
"Di na, huhubarin ko nalang tong shirt ko mamaya, di naman na mainit, mag 5pm na."
"Ah ikaw bahala.."
Ang ganda pala dito sa resort nila.. Ganda ng mga huts. "Ganda ng mga parang kubo sa tubig," nakangiti kong sinabi sabay turo sa tinutukoy ko.
"Well you said that before.." ah.
"Well then I said it again.. Which means sobrang ganda nga nya, tara? Swimming tayo?"
"Ikaw nalang muna, mejo busog pa ako,"
"Bakit ba ang tamlay mong tignan ngayon?" taas kilay kong tanong sa kanya at napangiti lang ito sabay lagay ng kamay sa tyan.
"Busog nga po, sige na at susunod nalang ako."
"Sige na nga. Bilisan mo ha." mataray kong sinabi sa kanya at tinanggal ko na ang tee shirt ko. Nakashorts kasi ako, ayaw ni jacob na ung panty na partner nitong tops ko ang isuot ko. Baka daw kasi masilipan.
***
Sarap ng tubig.. Ang lamig. Nagbabad ako at maya maya lang ay nainip kaya naisipan kong tignan si Jacob. Napataas bigla ang kilay ko. Sino nanaman ang babaeng 'yun? Kumunot ang noo ko at ewan ko ba kung bakit bigla nalang akong umahon ng galit. Lumakad ako papunta sa kanila and kept myself calm.
Mejo malapit na kasi ako kaya narinig ko ang sinasabi ng babae, "So you free tonight?"
Tss. Bwisit na uod 'to. "Babe," napatingin sakin si Jacob, "Sino sya? Akala ko ba susunod ka na sa tubig?" pa-sweet kong tanong at napataas lang ang kilay nito, tinignan ko ang babae, sabay lagay ng napaka-inosenteng mukha, "Baby, sino sya?"
"Uh--Well--She's Jess--Uhh Jezz si Celestine," tinaasan ako ng kilay ng uod, aba ang taray ha. Akala mo kung sinong maganda.
"Nice to meet you Celestine," this btch. Tss, "Anyway, I better go, Jacob, nice talking to you," at ganon na nga she left. Tsk tsk. At ako pa ang nagmukhang kontrabida.
"What was that for?" si Jacob.
I folded my arms and looked at him, "Kaya pala ayaw mong mag swimming kasama ako ha," mataray kong sinabi, "Kunwari ka pang masakit yang tyan mo,"
"Teka. Bakit? Totoo namang masakit. Tyaka di ko naman alam na may lalapit na magandang babae." Ah maganda pala ha.
"Bahala ka nga jan," Bakit ba ako naiinis?
"Teka teka," pahabol nito pero di ko nilingon, "Seselos ka ba?"
Nilingon ko ito with a frown, "For what?"
"Just answer me."
OO. BWISIT NAMAN JACOB OH. OO NAGSESELOS AKO. SOBRANG SELOS KO NA MAPAPATAY KO YUNG UOD NA YON. Pero syempre, di ko sinabi yun.. Hehe.
"Hindi." and I walked off.