Mahal Kita :) ( Sulat)

9.5K 131 36
                                    

 Para sa pinakamamahal kong tao sa mundo,

               Alam mo, hindi ko alam kung kalian nagsimula ang nararamdaman ko para sa iyo... Pero alam mo... Mahal talaga kita higit pa sa akala mo.

               Sabi ng iba, infatuated lang daw ako. Hindi rin naman ako naniniwala dun dahil na nga sabi rin ng guro na temporary lang daw iyan. Kasi na nga seryoso ako ma-in-love eh. Kahit crush lang, iniiyakan ko rin. Alam ko rin naman na hindi ka magiging akin dahil meron nang nagmamay-ari sa puso mo... at alam ko na hindi ako iyon.

               Tanggap ko iyon... Noon pa. Pero bakit ganon? Masakit pa rin isipin na Masaya kayong nagkahawak-kamay na naglalakad. Wala naman akong karapatan para isipin yan pero....masakit talaga. Para bang ang puso mo’y unti-unting dinudurog ngunit wala naman akong panlaban o gamot para mawala ang nararamdaman ko.

               Ngayon, alam kong wala talaga itong kalutasan pero ang magagawa ko lang ay.... tanggapin iyon ng buong-buo. Masakit pero alam kong Masaya ka sa piling niya. Wala akong karapatan ipaglaban ka dahil... huli na ang lahat.  Sana nga maging masaya ka sa piling niya.

               Alam mo, ang nagpapasaya sa akin ngayon ay makita kang ngumingiti. Kontento na ako roon. Maligaya ka, maligaya rin ako. Ang suwerte talaga niya noh? Siya ang nakakuha ng puso mo.... sana nga lang hindi niya iyon aabusuhin, dahil kung gayon na nga.... baka mapatay ko pa siya kung papaiyakin ka niya. Mukha na naman akong lalaki kung ako pa ang poprotekta sa iyo, pero bahala na. Hindi ko talaga kaya kung magiging malungkot ka............

               Mahal na mahal kita talaga kaso mukhang hindi ko ito mabibigay sa iyo baka kasi masira ang pagkakaibigan natin, ang tanging bagay na makakasama kita ng walang ibang kasali.....  :)

                                                     Galing to sa pusong nagmamahal sa iyo

Mahal Kita :) ( Sulat)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon