Prologue

73 1 0
                                    

"Ayaw ko nang maulit pa ang pangyayaring iyon Miguel!" hiyaw ni Sofia nang mabanggit nito ang pangalan ni Abvril. "Ayaw kong malaman ng press ang kaugnayan mo sa magkapatid na iyon, lalo na ng anak natin!"

"Hindi ako lantarang nakipagkita kay Abvril, Sofia, pero anak ko rin siya. And I want you to understand that. Nag-iisa na lamang ang bunso ko ngayon Sofia at nag-aalala ako sa nangyari sa kanya. Kailangan niya ako ngayon!" naluluhang saad ni Miguel.

"Hindi ka niya kailangan! Wala kang obligasyon sa kanya Miguel, wala na! Dahil matagal mo nang tinapos ang ugnayan mo sa kanila. Sa tingin mo ba matatanggap ka ni Abvril pagkatapos ng mga nangyari? Your the one who abondoned them!"

"And thats the greatest mistake I've done, Sofia. Na pinabayaan ko sila at iniwan nang dahil lamang sa kaginhawaan at kasikatan."

" So, pinagsisihan mo na mas pinili mo ang kung anumang meron ka ngayon?" nanggagalaiting wika ni Sofia. " Your the one who decided this, not me!" dagdag pa niya nang hindi makasagot si Miguel.

DAUGHTER'S RAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon