Forevermore <3

33 0 0
                                    

(A/N: Hello! :) This would be the first one-shot story I'm gonna write. Yey! ^^ Support guys! :) Uhm, I got inspired to write this story last December 17, 2013. It happened when we are having our Christmas game in T.L.E. This is based on my classmate's experience that day, but then, I'm gonna revise it from the characters down to other situations. :) Wag na po kayong magtaka sa characters kung parang familiar. :) Fan po kasi ako ng Luv U. Hehehe. Enjoy reading! :D)

"Uy, Shirley. Sino nabunot mo?"

"Earphones yong codename niya e. Weird. Ikaw? Sino nabunot mo?"

"Secret. Pero kilala ko na."

" E naman e. Ang daya mo, Drake."

"Tara, bili tayong regalo. Punta tayong mall. *kindat*"

"Basta ba e, libre mo."

"Oo naman. Ako pa? Si Drake ata to. *kindat pa ulit*"


Hello! Ako nga pala si Shirley. Senior student. Yong kausap ko naman kanina is si Drake. Bestfriend ko na mahal ko. Cliche na naman. Wala e. Sabi nga ng teacher namin sa English, walang mag-bestfriend na babae at lalake. Kung meron man, asahan mo na na yong isa mafo-fall dun sa isa. Parang ako sa kanya. Na-fall nga.

"Ikaw, Drake? Di ka bibili? Ikaw pa naman nag-aya tapos ikaw pa hindi bibili."

"Mamaya na lang ako bibili. Hindi ko pa alam kung anong pwede e."

Katahimikan. Ang tagaaaaaaaaaaaal.

"Ahm, Shirley."

"Yes?"

"Anong gusto mong regalo? Yong parang medyo surprise na hindi puro materyal na bagay."

"Ang gusto ko. Yong taong mahal ko, naka-formal suit. Yong pang-JS. Pero kung di afford okay na kahit pambahay. HAHA. Tapos, isusurprise niya ko nang, pupunta siya sa harap ko, tapos aabutan ako ng flowers. Okay na nga kahit walang flowers e, kahit yong simpleng SIYA lang na kasama ko, ayos na ko dun. Kahit nga sa room lang natin na andun yong mga classmates natin. Tapos, kahit sintunado siya, kakantahan niya ako. Demanding ba? HAHAHA. Ahm, bakit mo natanong?

"Wala lang. *bulong* Para may idea na ko kung anong ireregalo ko sa'yo bukas."

"Ha? May sinasabi ka?"

"Wala, sabi ko, tara na uwi na tayo kasi gagabihin ka na."


(Sa bahay.)

Bakit kaya niya tinanong? May balak ata siyang gawin yon? Kaya lang, sa ibang babae siguro. Argggggh. Magbabalot pa ko nitong panregalo ko para bukas.


---
(Kinabukasan.)

"Oh, sinong nakabunot kay Earphones?" tanong ni Ma'am.

"Uy, Shirley! Si Earphones daw." bigla namang sabi sakin ng katabi ko.

"Ma'am, ako po nakabunot kay Earphones!"

"Oh, asan na si Earphones?"

"Andito po ako, Ma'am." Si Drake si Earphones?

"Bakit ganyan suot mo, Mr. Lagdameo?" Naka-formal suit kasi. Wait... Formal suit? Kagaya nung sa sinabi ko sa kanya kahapon?

"Ma'am, eto po kasi yong request nung nabunot ko."

"Sino bang nabunot mo?" tanong ulit ni Ma'am.

"Eiffel Tower po yong codename niya."

Eiffel Tower? E codename ko yon e. Ako yong nabunot niya? Teka, naka-formal suit? Gagawin niya kaya yong sinabi ko kahapon?

Forevermore &lt;3Where stories live. Discover now