For the continuation...
Skylar's Point of View
"Ano Pre, sinagot ka na ba ulit?" kantyaw ni June, isa sa mga kaibigan naming babae ni Benjie dito sa office.
"Di na yan sasagutin ni Reese. May manliligaw yon na mas gwapo," sagot ni Benjie na hindi makuha sa tingin. Kanina ko pa sya sinasapak sa isip ko.
"Baliw! Malay mo naman gusto nya lang i-test kung sincere talaga si Sky," sabat ni Ella, kasabayan rin namin nina Benjie.
"Nako, e di lalo nang hindi yan sinagot," natatawa pang banat ulit ni Benjie kaya binato ko na ng ruler. "Biro lang Pare haha."
"Siraulo. Ikaw nga dyan walang love life, tapos pinakikialaman mo yung sakin," ganti ko naman at natawa rin sina June at Ella, samantalang sumimangot lang si Krane.
"Paano, ni-friendzone ako ni Ella," natatawa nya ulit na sagot. If I know, half-meant talaga yon e.
"Sira ka. Dinamay mo pa ako," nakangiting sabi ni Ella. See what I mean? "Seryoso Sky. Feeling ko konti na lang talaga sasagutin ka na ulit ni Reese."
"E alam ba naman nyang nanliligaw ka?" masungit na sabat ni Krane. Sya yung menopausal na beki sa circle of friends namin dito sa office.
"Oo nga Sky, baka naman hindi ka nagsasabi." - Ella
"Kailangan pa bang ipaalam?" kakamot-kamot sa batok na tanong ko.
"Gagi, malamang. Kaya wag ka nang umasang sasagutin ka, dahil bukod sa hindi ka nagtatanong, hindi naman pala niya alam na nanliligaw ka," high blood na sermon ni Krane.
"Muntanga ka Pre. Akala mo naman hindi mo yan pinagdaanan noon." - Benjie
"E ano namang pinagkaiba? Malalaman din naman yon ni Reese dahil halatang-halata naman si Sky." - June
"I agree." - ako
"Really June? Coming from an NBSB? You better explain it to them Ella." - Krane
Ella sighed. "Okay. Ganito yan. You're showing sweet gestures pero you two didn't have a mutual understanding whether nanliligaw ka ba or what. Safe to say na ayaw nyang mag-assume kaya hanggang ngayon, nganga ka pa rin," mahabang paliwanag ni Ella.
I should have asked them sooner para kahit papaano, nagkaroon sana ako ng ideya sa mga kinikilos ni Reese. Kung bakit naman kasi hindi ko mahagilap sina Macey at Asher kung kailan kailangan ko ng tulong e. Nasaan ba parati ang dalawang yon?
"Bilis-bilisan mo ang kilos Pre, baka may humadlang pa," payo pa ni June.
"Sino namang hahadlang?" - ako
"Marami dyan sa paligid 'no. Una na yung manliligaw ni Reese." - Ella
Sus, naitaboy ko na. Easy.
"Sus. Wala yan. Si Sky pa." - Benjie
Yan naman ang gusto ko sa kanya e. Lakas mang-asar pero di ka ilalaglag.
Tumaas ang kilay ni Krane. "You want me to name someone?" Tumango naman kami ni Benjie bilang tugon. "Here she is, the devil incarnate."
Bale wala syang bumalik sa dinidisenyo nya kaya napalingon kami sa bagong dating.
"Anong meron? Meeting de-avance?" nakangiti pang bati ni Chloe.
"We're planning for a proposal." - Ella
Huh? Anong proposal.
"Yep. And talagang dapat bongga kasi after so long, na-realize na nya kung sino talagang mahal nya." - June
BINABASA MO ANG
The Iced Gems Series
General FictionA story of frienship, loyalty and love. Join these friends as they tackle issues of differences, brokenheartedness and life's surprises.