HERE'S AT LAST FELLA! BOOK 2 OF I LOVE MY SISTER'S BESTFRIEND: BACK FOR WORTH POSTED... YOU'RE WAITING FOR THIS? THERE YOU GO, EVERYONE! I BEG YOU TO COMMENT HAHAHA (SAVEH?) AND DON'T FORGET TO VOTE THE STORY, PRETTY PLEASE. LOVE YOU ALL AND GOD BLESS!
RUBY breathed in the air once she stepped out from her flight. Sariwa ang hanging nalalanghap niya ngunit bakit may bahagyang kirot na hatid sa kanya ang muling pagbabalik roon. Sa lugar kung saan siya isinilang, lumaki, nagmahal, nasaktan at doon niya nasaksihan kung paano'ng ang mundo ay kay lupit. Kung hindi lang kinailangan niyang bumalik sa bansang iyon. She will never come back in Philippines again. But she had to. Mananahimik nalang sana siya sa Australia habang nagtatrabaho bilang isang nurse sa isang malaking ospital kung hindi dahil sa pakiusap ng Ate Celine niya. Nilingon niya ang kapatid. Kasunod niya ito habang hila-hila nito ang ilan sa kanilang mga bagahe.
She and her sister spent four years in Australia. Tahimik at matiwasay ang pamumuhay nilang magkapatid sa bansang iyon. She never thought that she will have to go back to the country she already forgot that exist. Alam niyang hindi magandang isipin iyon. Ngunit hanggang ngayon ay sariwa parin sa alaala niya ang lahat ng sakit na idinulot ng mga pangyayaring iyon sa buhay niya. Kasama na ang unang pag-ibig niya. Kung hindi lang sana ganoon ang konsekwensiyang nangyari sa kanilang magkapatid. Marahil masaya na siyang kasama ang lalaking unang nagpatibok ng puso niya.
But when the truth lies in front of her. Kasama na ang pagsasabi ng katotohanan ng kapatid sa kanya na walang gusto ito kay Michael. Pati narin ang rebelasyon nito tungkol sa likod ng pagkamatay ng kanilang mga magulang. She couldn't do anything to change it all. Matapos ang pinakanakaka-traumang insidenteng iyon may apat na taon na ang nakalilipas. Hindi na iyon naalis sa alaala niya. They've always hunted her even in her dreams. Her mind can't absorb all those tragic experience.
So, she has to undergo for treatment at patuloy ang proseso niyon sa kasalukuyan. Na-trauma siya sa pangyayaring binaril sa harapan niya ang kanyang Ate Celine ng matandang negosyanteng si Mr. Yokata. Si Michael naman ay binaril rin ng mga bodyguard ng matanda. Siya lang ang hindi sinaktan ng mga ito. Sa kadahilanang wala daw siyang atraso rito. Ngunit hiniling niya noon sa sarili na sana binaril narin siya nito.
She shut her eyes firmly when a shot of memory hit her. She immediately shook her head.
Muntikan nang mamatay ang kapatid at si Michael kung hindi niya ginawa ang sa tingin niya ay dapat ng araw na iyon bago dumating ang mga pulis. That was horrific in her part. Her mind cannot digest what she had done. Kaya halos hindi siya makausap ng araw na iyon nang dalhin silang tatlo sa ospital. She survived it though. Ngunit kasabay ng putok na iyon may ilang pangyayaring hindi niya maalala. O, marahil ibinaon nalang niya sa limot.
Her sister was in coma for six months. Hindi siya tumigil noon sa kaiiyak hangga't hindi niya nakikitang nasa maayos ang kalagayan ng dalawang taong importante sa kanya.
Nakahinga lang siya nang maluwag nang magising si Michael. Ngunit hindi ang kanyang kapatid. Parang lantang gulay ito habang may nakakabit na iba't ibang aparato sa katawan nito. She can't deal to see her sister on that state. Kaya naman nagkulong lang siya sa kwarto niya sa ospital. Hindi siya kumakain hangga't hindi niya nababalitaang gising ang kanyang kapatid. She always screamed kapag may nagtatangkang lumapit sa kanya. Lahat ng doctor ay pinapaalis niya kapag pumapasok sa kanyang kwarto. Binabato niya ang mga ito ng mga bagay na unang mahawakan ng kamay niya. She was horrible. Maging si Michael na laging nakaalalay sa kanya noon ay itinaboy niya. Ligtas na ito at panatag na siya roon. Ngunit hindi niya hahayaang dahil sa pagpoprotekta nito sa damdamin niya ay mapahamak na naman itong muli. Isa pa, hindi niya gustong makakita ng kahit na sino maliban kung makita niyang gising na ang kapatid.
BINABASA MO ANG
I love my Sister's Bestfriend: Back for Worth (Book 2)
RomanceNanirahan si Ruby sa Australia kasama ang Ate Celine niya. At sa loob ng apat na taong nagpakalayo-layo sila, kinailangan nilang bumalik kung saan nagsimula ang insidente sa buhay nilang magkapatid. Kasama na roon ang muling pagkikita nila ni Michae...