"I Love You... maybe one day you'll love me as much as I do...."
[Pananaw ni Angelito]
-Flashback-
Marso 26, 2006 Araw ng Linggo
"And now let's call on the Summa Cum Laude of this batch, from CP 2-22 Mr. Angelito R. Denosta", anang MC. Habang papaakyat sa entablado ang binatang tinawag, napasulyap ito sa noo'y kasintahang si Ma. Cecilia Katrina de Santos na siya namang Magna Cum Laude at nauna nang tinawag. Tila may pangamba na nabanaag ang binata sa dalagang sinisinta. Ang pakiwari niya'y malayo ang ipinakikita ng dalaga sa dapat nitong madama. Maanong ito na ang katuparan ng kanilang mga pangarap. Bago naman umiwas ng tingin ang binata'y may ngiting sumilay sa labi ng dalagang nililiyag. Sapat na sa kanya iyon upang mapawi ang mga agam-agam niya at tinahak na nga niya ang entablado. Nasabitan na siya ng medalya at maya maya pa'y natapos na ang palatuntunan ng mga gabing iyon. Nagkanya-kanya pang panhikan ang mga mag-aaral sa mga dati nilang silid para makapagpahinga ng kaunti at makapagpaalam naman sa mga naging kaibigan para sa iba pa. Sina Katrina at Angelito naman ay makikitang nag-uusap sa kubling bahagi ng hardin ng eskuwelahang kanilang pinapasukan."Tama ba ang narinig ko na lilipad ka na papuntang Amerika?", tanong ng binata. Tumango ang dalaga. "Matagal ko na ding gustong itanong ito sa iyo eh. Ginamit mo lang ba ako para sa pansarili mong kapakanan?", nagpipigil-iyak na tanong ng binata. "Aaminin kong kahit papaano'y sinikap kong maging totoo sa nararamdaman ko sa iyo kaso hindi tanggap sa aming pamilya kung anong meron tayo. Isa pa,makakaya ba tayong buhayin ng mga pangarap mo? Malalamnan ba ang mga tiyan natin ng mga pangarap na iyan?", litanya naman ng dalaga na mahahalata mo ding nagpipigil ng emosyon. Hindi talaga niya nais saktan ang damdamin ng katipan, kaya lang mas minabuti na niyang lumayo ngayon at iwan ito kaysa sa mas lumalim pa ang nararamdaman niya dito at mas mahirapan sila sa bandang huli. Kung bakit hindi niya ginawa ito noon pa,walang nakakaalam.Sa umpisa'y binalak niyang gamitin lang talaga ang binata upang makuha ang amor ng pamilya niya sa pamamagitan ng mga matataas na marka. "Hindi na ba talaga kita mapipigilan sa iyong pag-alis?", tanong ng binata. "Hindi na magbabago ang isip ko", anang dalaga.
"I Love You... maybe one day you'll love me as much as I do....", sabi ko sa kanya.
Iyon lang at naiwan na ang binatang umiiyak mag-isa sa nasabing hardin.
-End of Flashback-
[Pananaw ng kung sinuman]
Si Ma. Cecilia Katrina de Santos ay mula sa isang may sinasabing pamilya. Siya ay may morenang kutis at balbuning balat. Siya ay may balat sa kanang pisngi. Siya ay nagtataglay ng mahaba at maalun-along buhok na tila ba kapara ng telang seda sa lambot. Siya ay may balingkinitang katawan na pangarap na hawakan ng mga kalalakihan. Siya ay panganay sa apat na magkakapatid na babae, anupat hindi niya makuha ang amor ng pamilya ng ama pagkat para sa mga ito, ang isilang bilang babae ay tanda ng kahinaan. Isa pa ay sa mga lalaking anak lamang ipapamana ang hindi naman ganoon kalaking kayamanang pagmamay-ari nila. Kung anong disgusto sa kanya ng ama ay siya namang pagkagiliw ng kanyang masintahing ina sa kanya.[Pananaw ni ???]
-Kasalukuyang panahon-
"Hello Sunshine", bati ko sa kawalan. Napagtagumpayan ko ang operasyon ko sa puso nitong nagdaang pitong taon. Yun ang dahilan kung bakit kailangan kong lisanin ang aking pinakamamahal na bansa, ang lalaking aking nililiyag. Napagpasyahan na ibenta yung munting korporasyon na iniwan ng aming pamilya doon sa Pilipinas. Dito sa kinaroroonan kong bansa, nagsapalaran ako. Nag-aral akong muli at nagtapos ng Business administration. Yung nalalabing salapi namin ay aking ipinuhunan at lumago naman sa dayuhang bansang ito.Yun ang mga dahilan kung kaya natiis kong hindi umuwi ng Pilipinas. Kung bakit natiis kong mawalay sa yakap ng aking iniibig. Kung itatanong ninyo kung hindi ba ako nagkaroon ng banyagang mangingibig sa bansang ito, tama kayo. Hindi naman ako taal na Amerikano kaya hindi ako sanay makibagay sa kultura ng mga Kanong ito. Ah sino baga ang niloloko ko? Manapa'y walang makakapalit sa lalaking aking binigo doon sa Pilipinas. Pumanaw naman na ang aking ama at wala na akong balita sa mga kamag-anak niya kaya batid kong wala nang hadlang sa hakbang na aking ginawa bagama't naiinis pa rin ako sa paniwala nilang malas ang mga anak na babae sa negosyo. Di magtatagal, uuwi ako ng Pilipinas, hindi lang para magtayo ng sangay ng negosyo ko doon kundi para tuluyan nang makapiling ang aking pinakamamahal. "Kumusta na kaya siya? Nawa'y wala pa siyang asawa o kaya'y mga anak. Ah di bale, pilit ko siyang kukunin alang-alang sa aking pagmamahal", sabi ko sa aking sarili. Tinawagan ko ang aking katiwala sa Pilipinas para tanungin ang mga paghahandang ginagawa sa pagtatayo ng gusali na magiging sangay ng aking negosyo. Pinindot ko na ang numero ng aking tatawagan doon sa Pilipinas. Doon sa lalawigan ng Laguna.Hello.
[Hello Ms. Kat]
Kumusta na ang mga ginagawa ninyo dyan?
[Naisaayos ko na po ang mga kakailanganin para maipatayo ang gusali nang naaayon sa inyong kagustuhan. Kabilang na po diyan ang mga pahintulot at mga sertipikasyong kakailanganin.]
Mahusay. Ah - hindi ko na maituloy ang aking sasabihin na kung namataan ba niya ang aking dating katipan. Baka din kasi wala na siya doon sa Laguna o baka naman dinamdam niya ang pag-iwan ko sa kanya noong nagtapos kami ng kolehiyo at nagpatiwakal na lamang.
[May mga kakailanganin pa po ba kayo?]
Ah yun bang yearbook namin sa kolehiyo sa Pacita, makukuha mo kaya? Ipatatago ko na lang sa iyo nang makita ko pagbalik ko. Isa pa pala, ipadala mo nga sa akin ang larawan ni...[Opo. Siya po ba? Ang alam ko po eh buhay pa siya. Tila nga hindi nagbago ang itsura niya. Hindi nga yata siya tumanda eh. Ibababa ko na po muna ang tawag para maisagawa ko po ang isa niyong utos at para tingnan na din po ang proseso dito. Paalam po .]
Sige.
At natapos na nga ang tawag.
Hintayin mo lang ako. Ilalaban ko kung saan ako nabigo sa sandaling magkita tayo. Sana lang hindi pa ako huli.
Saan hahantong ang tagpong ito? Sino ang naghahanap kanino? Kaabang-abang ang mga maiinit na pangyayari dito sa One-sided Love Story. ABANGAN!!!
[A/N: Sorry sa lame update bawi ako next update.]
BINABASA MO ANG
One-sided Love (Unrequited Love Story)
Roman pour AdolescentsAno kaya ang pakiramdam na ang pagmamahal na kaya mong ibigay ay hindi niya magawang ibalik? Paano kapag, nagkapalit kayo ng kalagayan? Yung taong hinahabol mo noon na hindi ka magawang lingunin ay siyang humahabol sa iyo ngayon? Sundan ang isang is...