May ikukwento ako, yung love story ko.. Pitong taon din yung nilaan ko para sa kwentong ‘to, akala ko hindi ko makakaya, pero andito ako ngayon, nakangiting ikukwento ang lovestory ko.. Pitong taon..
“Ay! Ang bait mo talaga Monica. Thanks ha!” Tapos ngumiti sya. Ay! My goodness, kinikilig ako.
Ako nga pala si Monica Torralba, 4th year highschool student at 3 years ng may gusto kay Vincent Apostol. Parang lahat naman ata ng babae ditto sa school may gusto sa kanya, mabait kasi sya.. Matalino.. Matangkad at Gwapo. Pero hindi dahil sa gwapo sya kaya ko sya nagustuhan, unlike other girls, gusto ko yung pagigiging gentleman nya at dahil sa sense of humor nya, nakakainlove eh. Mahilig syang magjoke tapos pag tumatawa sya, nakakahawa, pala ngiti din sya, Hay. Dreamboy. J Mahirap talaga pag pantasya ng bayan ang gusto mo, maraming kaagaw.
“Monica!” naglalakad ako papasok ng gate ng school ng may narinig akong tumatawag ng pangalan ko.
“Oh?” Tinawag ako ni Vince, Tinawag nya ako. Aga-aga eh, kinikilig na ako.
“Goodmorning!”
“Ah, Goodmorning din. Bakit mo ako tinawag?”
“Wala lang. Bawal na ba yun ngayon? Nasa constitution na ba?” pwedeng kiligin? Pbb teens ako eh. ;”>
“Magkagroup pala tayo sa PE, sana Tango mapunta satin.”
“Ah, Oo, nagmeeting kami kahapon. Si Lance partner mo, si Reesa yung akin.”
“Ah, Ganun ba?” Lintek! Anak naman ng Pating eh. Si Lance yung partner ko, okay lang sana pero mas gusto ko si Vince. T^T
Nakarating narin kami ng room at inannounce na raw kanina na walang teacher na magmemeet samin, pang practice lang daw ang araw na ito. Ay, oo. Nakalimutan kong banggitin kanina, Dancer si Vince. :”>
Practice
“Monica, halika nga dito.” Mukhang naiinis na si Vince.
“Huh? Bakit?”
“Ikaw muna partner ko, Wala si Reesa eh, may sakit raw.”
“Huh? Si Zarah nalang, hindi naman ako marunong sumayaw eh.” Yung feeling na nasa Dance Troupe si Zarah pero ako ang tinawag nya? Nadun lang si Zarah sa harap nya ha!
“ikaw na. Tayo na.” Huh? Ano daw? Kami na? OMG! Pero joke lang yun.
“Ah, Okay.” Tapos kami na nga ang magkapartner for the whole day, Lakas magpakilig nito oh! Sorry, Lance.
AFTER~
“Naiintindihan mo na ba?” tanong nya saakin. Actually, marami nang nakapansin na lagi nya raw akong kinukulit, sa lahat ng girls sa room, ako lang yung lagi nyang nilalapitan para asarin. Eh sa hindi ko naman alam eh! Pero umaasa ako. Unfortunately.
“Pwede na rin, hay.” Tinotorture nya ako, ay este, tutor pala. XD
“Gets mo na ba?”
“Medyo.” Hello? Math po ‘to! Linear Algebra na wala akong malay! Row Echelon form lang alam ko!
“Alam ko gets mo na, matalino ka kaya, Sagutin mo ‘to sa bahay nyo, checheck ko bukas.”
Alam mo, sabi ng mga kaibigan ko, lagi nilang nahuhuling nakatingin si Vince sakin.. Pag practices daw, Pag nagsasalita ako, Nung may activity nga raw na wala ako, tinanong nya talaga kung nasan raw ako. Timing naman kasi na darating si Mommy that day eh. T^T Pag raw may mga pila, sya talaga nasa likod ko, at laging nagiging partner ko, sa Laboratory rin nga eh! Ngayon ko lang yun napansin ah! Pero... sabi rin nga nila, mahirap raw umasa, bigla nalang pag gising mo.. may iba na pala.
Pero, may something kay Vince na hindi ko sinabi... Si Vince.. May girlfriend na sya, 2 years na sila.. ngayon ko lang din yan nalaman.. Ang sakit, Ang sakit sakit! All these years umasa ako na pwede kami, umasa ako na may something kami, na mapapasakin sya.. hindi ko alam kung ano dapat yung magiging reaction ko.. bigla nalang sinigaw ni Lance na 2nd Anniversary na daw ni Vince at nung girlfriend nya, kaya pala, kaya pala hindi namin kilala kasi nasa ibang bansa.
“Kung pwede lang kitang ligawan, bakit ba hindi?” Seryoso sya nung binanggit nya to. Tapos tumawa sya. Vince, Ano ba talaga? Tatlong taon din pala akong umasa. Wow. Minahal ko pala talaga sya. L
Ngayon ko lang narealize, it took me seven years to realize na wala na yung Vince na nagbigay sakin ng first heartbreak ko, wala na yung feelings ko sa kanya, time heals nga talaga. Seven years na. I moved on. Mahirap pala talagang umasa, yun yung pinakamasakit na form ng love.
The end. ;)
Hindi ko po 'to Experience, Pabor! Hahaha! wag sana mangyari sakin 'to. :)
Yung kilig moments, Hindi din akin. sa friend ko yan. Thanks!