Ivan's POV
*Hallway*
Kyaahh! Andiyan na sila - girl 1
I love you Prince Ivan - girl 2
Ang pogi ni Vince - girl 1
Oh my gosh I'm gonna die kinindatan ako ni Prince Lance - girl 3
Ang cool mo Kris. The man of few words - girl 4
Aishh! Ang ingay naman hindi ba nauubos yung boses nila katitili? Hindi ba sila nagsasawa sa mga mukha namin? Sa bagay sa pogi ko ba namang to. Hahahaha mahangin ba? Pasensya na readers I'm just stating the fact. Naglalakad kaming tatlo nina Vince, Lance at Kris dito sa hallway papuntang canteen.
Oy Lance tumigil ka na nga diyan sa pambababae mo. Nagugutom na daw si Vince! sigaw ko kay Lance. Hanggang sa paglalakad ba naman may ka-flirt? Buti pa ako good boy ^0^
Oy, Ivan anong patay gutom? Hindi ako patay gutom hoy. napipikon na sabi ni Vince. Hahaha ang sarap talagang asarin nitong si Vince.
Wala naman akong sinabing patay gutom ka ahh? Ang sabi ko lang nagugutom ka na. sagot ko sa kaniya.
Wala ba? napapahiyang sabi niya. Parehas na din yun. dagdag niya.
Hep hep hep tama na yan, tumigil na kayo. Gutom lang yan. Tara libre ko kayo sabi ni Lance
Sige ba, sabi mo eh sagot naman ni Kris
pumunta na kaming canteen. Si Lance nagpasama kay Kris na bumili kaya kami naman ni Vince pumunta na dun sa table namin. Habang naghihintay nakita ko si sungit este Alexa pala. Nung dumating na sina Kris kumain na kami tapos pumunta na kami sa last class namin.
Alexa's POV
Papunta na kami ni Jane sa last class namin buti naman kaklase ko siya sa subject na to. Pagdating namin sa room nakita ko si ano nga pangalan nun? Van ba yun? Ah basta ewan di naman importante.
Lex, tara dun tayo sabi ni Jane sabay turo dun sa upuan.
What? Ayoko dyan sa iba na lang ako uupo sagot ko
Ano ka ba Lex wag ka na maarte at isa pa yun na lang kaya yung bakanteng upuan.
Tingin sa paligid. Oo nga no? Ano ba yan kapag minamalas ka nga naman ohh. No choice kundi umupo ako dun sa harap ni Ewan. Di ko alam name niya eh di kasi ako magaling mag memorize ng names. Or should I say di ko lang talaga tinandaan yung pangalan niya. Dumating na yung prof. namin.
Good afternoon class, I'm Ms. Verdera. Before we start our discussion I have an announcement. Pwede kayo mamili ng club na gusto niyo. Ito yung list ng clubs na pwede niyong salihan. First is Dance Troupe, second is Choir/Glee Club, third is Drama club, and lastly Photography. Isulat niyo na lang sa papel yung napili niyong club then pass it forward if you're finish. Ok, that's all - Ms. Verdera
Uy, Lex ano sasalihan mo? tanong ni Jane
Syempre Glee Club alam mo namang mahilig ako kumanta diba? masayang sagot ko sa kaniya.
Ay, sayang naman sa photography ako eh? malungkot na sabi niya sabay pout
Ano ba wag ka ngang mag-pout pumapanget ka lalo eh. asar ko sa kaniya. Hahahah hindi naman siya panget pag naka pout eh actually ang cute niya. Inaasar ko lang talaga siya.
Ang sama mo lalo pa siyang nagpout. Ang cute niya talaga pero mas cute ako. Hahaha mahangin ba? Cute naman talaga ako eh. Sino nagsabing hindi sasapakin ko?
pinasa ko na yung papel kay Ma'am Verdera. Nung tapos na lahat nag discuss na si Ms. Verdera. Hay ang boring ng life.
Ok, class quiet please. Ia-announce ko yung mga napili niyo.
Dance Troupe - Rey Ivan Esquivel, Kris Evan Willford... blah blah blah
Glee Club/choir - Alexa Shin Herrera, Vince Roy Abellano... blah blah blah
Drama Club - blah blah blah
Photography - Louie Jane Ferrer, John Lance Cortes... blah blah blah
after that back to discussion.
*discuss*discuss*discuss*
*kring*kring* (bell rings)
Yey, uwian na. First day na first day ang boring. Pano ko makakasurvive niyan imagine 1 year boring life? OA ba masyado? Sorry naman, totoo naman eh. Tinotorture nila utak ko eh?
Vince's POV
Yow guys. I'm the one and only Vince Roy Abellano. Alam niyo ba kung bakit ako sumali sa Glee club? Gusto niyo ba malaman? Kung gusto niyo sasabihin ko pero kung ayaw niyo.....sasabihin ko parin. Wala lang, di ko rin alam eh? I think I like Alexa? Iba kasi siya dun sa ibang mga babae kasi siya simple, hindi maarte, at higit sa lahat palaban. Na-kwento kasi samin ni Ivan u=yung nangyari sa hallway. Siya pa lang ata yung kauna-unahang sumigaw kay Ivan ng ganun eh? Maliban na lang dun sa mga fan girls niya na halos maubos yung boses katitili.
Sige uwi na ko ako na lang pala natira dito sa room. Kainis naman sina Lance di ako hinintay.
________________
Pls. Vote and comment <3
Sorry kung medyo corny. Promise babawi po ako sa next UD ko.. and guys don't forget to follow and add me.. kung gusto niyo lng namn
Facebook acc. - @Kristine Lye
BINABASA MO ANG
Ms. Sungit and the Heartthrobs
Novela JuvenilMs. Sungit and the Heartthrobs - Bluebird1624