CHAPTER 1:Falling inloveVINCENT'S P•O•V
Hindi parin ako mapakali sa pagpunas ng kanina pa tulo ng tulo na pawis ko, dahil narin sa pagod naako sa practice namin.
"Anong oras ba tayo matatapos, wala naman tayong ginagawa eh"Naiiritang sambit ko
"Manahimik ka nalang jan, hindi ka naman tumutulong saamin eh, nag rereklamo kapa"
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nya at nagpahinga muna ako sa tabi, ng magulat ako ng punasan ni Janelle ang pawis saaking noo pababa saaking leeg. Unexpected
Hinawakan ko ang bimpo kasama narin ang kamay nya "salamat sige ako na magpupunas" sabay kindat.
Nginitian na lamang nya ako, sabay ng pagbalik ko sa pag papractice.
Salamat sa diyos at natapos narin kame, nahihiya naman akong lumapit kay Janelle dahil narin sa amoy pawis naako, kaya umuwi narin ako kaagad.
Ilang sandali...
Wala sila mama sa bahay at ang lola ko lamang ang naroon, buti nalang ay may pagkain sa lamesa, nagbihis muna ako at kaagad rin ay kumain naako.
"Kamusta practice nyo?"Tanong ni lola.
"Okay naman po medyo naguluhan lng" Hindi na sumagot si lola at natulog narin sya.
Matapos ko kumain ay kinuha ko na ang Cellphone ko para kausapin si Janelle.
CONVERSATION:
"Hello, Nakauwi kana?"Tanong ko sakanya.
"Oo ikaw?"Sagot nya saakin
Tila hindi ko alam kung ano paba ang pwede sabihin sakanya kaya eto na lamang ang tinanong ko.
"Kumain kana ba?"Tanong ko sakanya.
"Ah hinde pa eh nag luluto pa lang"Sagot nya saakin.
Biniro ko sya tungkol doon, ngunit hindi naman sya nagalit.
"bakit hindi nalang ako ang kainin mo, joke" Pabiro kong chinat sa kanya.
kinabahan naman ako ng hindi nya replayan ang chinat ko sakanya, nag antay ng lang minuto at nagreply na sya.
"hindi na kailangan luto na ang pag kain namin byebye muna" Ni like ko na lamang ang sinabi nya, at dito na nag tatapos ang pag uusap namin sa messenger.
Ngayon ay hindi nanaman ako mapakali, na tila bumibilis ang tibok ng puso ko, hindi ko ma wari kung ano ang nararamdaman ko pero sa tingin ko ay naiinlove na ako sakanya.
Nagdesisyon ako na bukas na bukas ay sasabihin ko na ito sakanya, sana hindi ako masaktan.
Kinabukasan... (Thursday 5:34AM)
Isang magandang umaga sabay ng maaga kong pag gising, excited naakong pumasok kaya mabilis narin ako nakaligo, inayos ko ng maigi ang sarili ko, para naman pogi ako sa pag pasok ko.
Maya maya pa ay nag paalam naako kay mama.
"Ingat ka anak" Tumango na lamang ako at nagmadali akong nagpunta sa sakayan ng jeep upang hindi ako malate.
"Para po, sa tabi lng po" Bumaba narin ako kaagad, at masaya ako ng makita ko na kakababa lng din ni Janelle sa Jeep, tila pinag lalapit kame ng tadhana ah.
Nilapitan ko sya at kaagad kong hinawakan ang kamay nya "Goodmorning Janelle" masaya kong sinabi sakanya.
Tinanggal rin nya ang pagkakawak ko sa kamay nya, at laking gulat ko na hawakan nya ang pisngi ko "Pogi ahh, ano meron ahh?" sabay kinurot nya toh.
BINABASA MO ANG
I Love You Until the Rest of my Life
Teen FictionA Teen true love story na hanggang sa kanilang pagtanda ay nanatili ang kanilang pag mamahalan. Pero pano kung dumating ang isang araw na kailangan nya ng magpaalam, pano kung dumating yung araw na hindi na nya kaya at kailangan mo na syang Pakawala...