Clara Edosma's POV
Nasa court na kami at nag aayos na kami ng mga handa ni Mang Luciano. Hindi parin ako maka paniwala na bumalik si Sebastian.
Nakatitig ako sa kaniya habang tinutulungan niyang mag ayos sila Tatay.
"Bingka!" Sigaw niya sabay kaway sa akin. Ngumiti ako sa kaniya, ngumiti din siyang pabalik. "I love you." Nabasa ko sa bibig niya.
"Ate Clara!" Sigaw ng mga batang nag hababulan. "Sali ka po sa'min." Nag silapitan sila sa'kin.
Umupo ako. "Ako taya, takbo na kayo!" Sabi ko at dali dalian silang tumakbo palayo sa'kin. Hinabol ko sila. Tawanan sila ng tawan sa tuwing matataya ko sila.
"Bibingka!" Sigaw ni Sebastian.
"Ikaw naman taya." Sabi ko. Tumakbo kami palayo sa kaniya. Inisa isa niya ang mga bata hanggang sa ako na lang ang matira.
"Hindi mo ako mahahabol!" Sigaw ko habang tumatawa.
"Pag nahuli kita, hindi na kita papakawalan." Sabi niya.
"Sayo lang ako baliw!" Grabe nag hahabulan na kami naisingit pang mag lantungan HAHAHA!
Naabutan niya ako at hinablot ang kamay ko. Binuhat at umikot ikot.
"Yieeeee!" Sigaw ng mga bata.
"Kiss!" Pati ang mga matatanda naki sigaw na rin.
Binaba niya ako. Mag katitigan kaming dalawa. Unti unti niyang nilapit ang mukha niya sa'kin. Hindi na 'to katulad ng una, hindi na mabilis ang tibok ng puso ko, komportable na ako. Para bang pag malapit siya sobrang safe ko. Pag andito siya wala akong naiisip na iba. Siguro matagal ko na rin kasing gustong makasama siya. Wala naman kasi akong balak na mag pakilala o mag pakita manlang sa kaniya kasi nga hindi naman ako mag tatagal pero para sa'kin, tadhana lahat ng may pakana.
"Hoy!" Sigaw ni Tatay. "Madaming bata dito, saka na pag kayong dalawa lang pero alam niyo na."
"Opo, Tay." Sagot ni Sebastian. "Wala po akong balak gawin yung naiisip niyo." Naka titig lang ako sa kaniya habang kinakausap niya si Tatay. Swerte ko!
Tinulungan ni Sebastian sila Tatay sa pag aayos ng ipapalaro sa birthday ni Mang Luciano. Lumapit naman ako kila Nanay para tulungan din sila.
"Tuwang tuwa ka ah, Clara." Sabi ni Aling Dalisay. "Isang linggo lang kayong hindi nag kita." Nag si tawanan kami. Paulit ulit nila akong iniinis kay Sebastian. Tinignan ko siya, ang sarap ng kwentuhan nila ni Tatay.
Nung maayos na ang mga pag kain sinimulan na ang birthday ni Mang Luciano.
"Maraming salamat sainyong lahat na dumalo at nag ambag sa salo salong ito." Sabi ni Mang Luciano.
"Hindi ka na iba samin, Luciano!" Sigaw ni Mang Karlos. Nag hiyawan sila at nag tawanan.
"Salamat, salamat!" Sinimulan ng kantahan si Mang Luciano. Ang lahat ay masaya, walang naka simangot.
"Bingka." Bulong ni Sebastian na nasa likod ko. Binatak niya damit ko papalapit sa kaniya. Inilagay niya ang mga kamay niya sa tiyan ko.
"Hmmm, ayos ka lang?" Tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya at sinandal ang baba sa balikat ko.
"Wala lang, gusto lang kitang yakapin." Sobrang komportable na namin sa isa't isa kahit ang bilis ng pang yayari. Ang swerte ko talaga!
Nakayakap lang siya sa'kin habang patuloy naming pinapanood ang mga taong nag kakasiyahan.
"Bingka, sa'yo ko lang uubusin buhay ko." Tumingin ako sa kaniya. "Wag kang mag alala sa'kin kasi sa'yo lang ako." Napangiti ako sa mga sinabi niya.
YOU ARE READING
Risking My Ephemeral Heart
RomanceDo you believe in love at first bond? Siguro malabo pero that thing happened to me. She's the first and last woman I've ever loved. This is our lovely story, a fast story I guess yet it will last for a lifetime, for us. Wala ng kwenta kung mabubuhay...