EDAD,ORAS AT PANAHON. TALAGANG WALANG PINIPILI ANG LOVE ANO?
Kahit anong EDAD mo. Mamamalayan mo nalang na inlove ka na pala. Tapos yung ORAS, sobrang bilis ng takbo lalo na kapag nag-sasaya kana. Minsan nga,natatanong ko nalang sa sarili ko, magkasabwat ba sila ni TADHANA?Kasi kapag masaya kana. Parang sobrang bilis lang ng mga nangyari. Pero kapag nag-iisa ka na at malungkot. Sobrang bagal na ng oras. Pero alam mo yung worst part para sakin, Yun yung alam mo na,na darating ang PANAHON kung san ka sobrang masasaktan.Kung san ka lubos na magsasayang ng luha. Kung saan ka matututong umiyak nalang bigla kapag may isang bagay na nakakapag paalala kung bakit ka nasaktan.
Ang hirap ano? kailangan pala talaga na bago ka sumugod sa laban , dapat sigurado kang hindi ka mauubusan ng panlaban. Yung dapat sigurado ka na hindi ka masasaktan kapag ikaw nalang yung nag-iisang lumalaban sa inyo.
Ang hirap.Sobrang hirap. Yung alam mong mahal ka nya pero hindi mo na kayang maramdaman pa. Yung mahal mo sya pero hindi naman nya maramdaman ng personal. Ang gulo ano. Parang alon lang sa dagat. Iba't-ibang dereksyon ng agos ang pupuntahan.Parang litong-lito sa mga bawat kilos na nangyayari. Dahil sa sobrang sakit,di mo na namamalayan na nalulunod kana pala at wala ng iba pang sasagip sayo kundi ang sarili mo nalang. Na hinihiling na sana nanjan parin yung taong kinasanayan mo na palaging nasa tabi mo. Gustuhin mo mang umiyak pero di mo magawa kasi mas iniisip mo kung pano ka makakaligtas sa pagkakalunod. Kung paano mo maiaalis ang sarili mo sa Nakaraan.
Ilang beses ko na bang sinabi na hindi na ako maglalakbay ng mag-isa? Na hindi na ako iiyak?
Lahat nang iyon nasayang ko. Sana nung una palang mas nag-sip na ako. Edi sana kasama ko parin sya ngayon sa tabi ko.