Chapter 68

168 6 0
                                    

(Han Yeok's P.O.V.)

Nakatingin lang ako sa mga gamit ngayon dito sa kuwarto ni Somin. Kinocomfort ko sya dahil sa nangyari noong nakaraang gabi. Nakipagkasundo pala sya sa mama nya na kapag pinalabas sya sa araw na iyon, mangangako syang hindi na sya lalabas pa ulit.

"Tama na sabi ang iyak Somin, mahal na mahal ka lang ng mama mo kaya ganyan sya," sabi ko

"Bakit kasi hindi nya makalimutan iyon eh," naluluha nyang sabi

"Tama na huy, hindi nya talaga makakalimutan iyon, anak nya kayo eh," naaawa kong sabi saka sya niyakap ulit

"Eh bakit naman ang mama mo? Mahal na mahal ka nya pero hinahayaan ka naman nyang gawin ang gusto mo?" Tanong nya habang nagpupunas ng luha, ngumiti ako at sumagot

"Hindi pa kasi nasaktan ng ganoon si Mama, alam mong makulit din ako, pero nag-iingat din naman ako, kaya sana ikaw nalang ang umintindi sa mama mo," sabi ko sa kanya saka sya tinignan ng diretso

"Kasi kung hindi mo iintindihin ang sitwasyon, ikaw lang rin ang masasaktan," sabi ko ng may buong sinseridad, tumango naman sya pero hindi matigil ang paghikbi nya

"Han Yeoook," garalgal nyang tawag sa akin

"Pooooo?" Biro ko sa kanya

"Kunan mo ako ng chocolates," sabi nya saka ngumuso, tinawanan ko lang sya saka ako tumayo para lumabas

Bumababa na ako ng hagdan nang marinig kong may kumakatok sa pintuan kaya doon muna ako dumiretso.

"Sino si-" napahinto ako dahil bumungad sa akin ang luhaang mata ni Sammy

"Sammy," sabi ko pero napaatras ako dahil bigla nya akong sinugod

"AKALA KO BA MAGKAIBIGAN TAYO HA!?" Naiinis nyang sigaw sa akin, tinulak nya ako na dahilan nang pagkakaupo ko sa sahig

"A-Anong nangyare sa iyo!?" Tanong ko

"Di ba sinabi kong itago mo nalang ang lahat? Diba diba!? Trinaydor mo ako!" Sigaw nya, tumayo ako at sinalag ang mga hampas nya

"Wag mo akong pagbintangan sa mga nangyayare sayo! Una palang sinabihan na kitang hindi tama ang ginagawa mo!" Naiinis kong sagot sa kanya

"Sinungaling! Hindi mo lang kinayang hindi magtrabaho dahil hampas lupa ka lang na nag-iinarteng social climber!" Sigaw nya na nakasakit ng damdamin ko

"Sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan!?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko kung hindi ang sampalin sya

"NAKU NAMAN SAMMY! KAIBIGAN KITA, OO KAIBIGAN KITA KAYA WAG MO AKONG BIGYAN NG DAHILAN PARA MAGALIT AKO SA IYO PAKIUSAP LANG!" Naiiyak kong sigaw pabalik sa kanya

"Kung kaibigan mo ako, maiintindihan mo ako!"

"Ikaw ang unang sumuko sa pagkakaibigan natin Sammy! Kung totoong kaibigan kita, ikaw ang makakadama ng pag-aalala ko sa iyo!"

"SINUNGALIIIIING!" Sigaw nya, hindi na sya ang kilala kong Sammy, nalason na ang isip nya ng poot at paghihiganti

"Han Yeok, anong ingay iyon?" Napatingin ako sa hagdanan at nakita si Somin dala ang lalagyan ng tubig nya

"Nakalimutan kon- ahhh!"

"Somin!?" Nagkagulatan kaming lahat dahil sa mga taong nasa may sala

A-a-anong ginagawa nila rito!?

"Aray ang sakit huhuhuhu!" Reklamo ni Somin nang mahulog sya sa hagdan, pero mabuti at may nakasalo sa kanya- ang ex ko

"A-Anong ginagawa mo rito Jungkook? Pati ng buong- department?" Nanlalaki ang mga mata ko habang tinitignan sila

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon