Irish's POV"Damn. Nananaginip ba ako?" hindi makapaniwalang sambit ni Ricci habang nakatingin sa dagat. Kahit hindi ako lumingon ay alam kong napakalaki ng ngiti niya ngayon. Yung tipong nakakatunaw.
Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa buhangin habang parehong pinagmamasdan ang napakalmadong dagat. Nakasandal ang ulo ko sa dibdib ni Ricci habang siya naman ay nakayakap sa akin.
Ilang oras na kaming magkasamang dalawa at kanina pa kaming magkayakap habang nagkkwentuhan. Hindi na nga namin alam ang oras dahil tuwing magkasama kaming dalawa, para kaming may sariling mundo. Walang pakiealam sa nangyayari sa paligid.
Napangiti ako dahil bukod sa malamig na simoy ng hangin, kasama ko siya ngayon. Wala nang mas ikakasaya pa tuwing kapiling ko siya.
Ghad, ang cheezy ko!
Lumingon ako sakanya at kinurot siya sa pisngi. Nanggigil ako sa pisngi niya kaya medyo napalakas. Nakita kong napadaing siya sa ginawa ko.
"A-aww!" reklamo niya.
Natawa naman ako. "Ano nananaginip ka lang ba?" matawa-tawang tanong ko.
Nagpout siya. "Tss. Panira ka talaga ng moment." sabi niya na para bang batang nagtatampo.
Gosh! Such a cutie!
Natawa naman ako. "Wow ha."
"Tss. Palibhasa selos ka lang sa amin kanina ni Kat." nang-aasar na sabi niya. Binelatan niya pa ako.
Matalim kong tinignan si Ricci at humiwalay sa pagkakayap niya sa akin. "Ah so ngayon bukambibig mo na siya? Gusto mong pagbuhulin ko kayo?" mataray kong tanong.
Natawa naman si Ricci at muli akong niyakap. "Cute mo magselos." pang-aasar niya.
Siniko ko siya dahilan para mas lumakas ang tawa niya. "Ewan sa'yo."
Tumawa siya at naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya. Bahagyang nilapit niya rin ang mukha niya sa may tenga ko. "Don't be jealous, love. Sayo lang ako."
Nagtaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko ang hininga ni Ricci sa tenga ko. Bonus na rin yung narinig kong sinabi niya.
Damn, Rivero!
"Tsaka ano ka ba, Irish. Hindi kami talo ni Kat." rinig kong sabi niya.
Gulat akong napatingin kay Ricci nang marinig ang sinabi niya. "What do you mean?" takang tanong ko. Anong sinasabi niya?
"Tomboy si Kat."
"What!?" gulat na tanong ko. Matawa-tawa namang tumango sa akin si Ricci.
Tomboy si Kat? Seryoso? Fudge? Hindi halata! Mas maganda pa siya sa akin eh! Paanong nangyari yun?
"Classmate ko siya dati. May girlfriend si Kat, si Jessica. Actually, nagbabakasyon din sila rito ngayon. Nag-uusap kami ni Kat kasi nagpapatulong siyang i-surprise si Jessica dahil birthday niya ngayon." kwento ni Ricci.
"Y-Yun lang?"
"Yup."
Napakurap-kurap naman ako.
Fudge. Bakit ko pinagselosan si Kat!? Eh may girlfriend pala yung tao! Nakokonsensya tuloy ako!
"Kaya nga natatawa ako sa'yo kasi pinagseselosan mo siya." mahinang tumawa si Ricci.
"Tss. Eh paano kasi, ang saya saya niyong dalawa habang nag-uusap. Grabe ka makangiti habang kausap mo siya." nagtatampo kong sabi. Inirapan ko siya.
BINABASA MO ANG
You're Still The One || Ricci Rivero
FanficA not so ordinary love story of Ricci and love of his life, Irish.