One Shot Story

23 8 15
                                    

"Palayain mo na"


May tayo pero mahal ka niya at alam kong mahal mo rin siya.
Pero mahal din naman kita, ang ganda diba?
Para tayong mga tanga, sa ating pagpapaikot na ginagawa.



Ako ang naunsa sayo, pero siya sa puso mo.
Siya ang una mong nakilala pero sa akin ka unang nahumaling, dahil kaibigan lang ang turing mo sa kanya.
Ngunit napagtanto mo na siya ang mahal mo. Pero sumuko na siya sa kakaasa sayo. Gusto mong ipaglaban pero di mo magawa ng dahil sa 'tayo'.


Pero mahal, parang awa mo na, kung ayaw mo na itigil mo na. Ang hirap na, sobrang nakakasakal at nakakasakit na ang mga bagay na iyong ginagawa.



Oo mahal, maaaring kasalanan ko, kung bakit walang naging kayo.
Pero wala akong ginusto sa mga pangyayaring ito.


Kung sa kanya ka man sasaya, sabihin mo at papakawalan naman kita.
Nakakapagod na ang iyong mga ginagawa,
Parang awa mo na Mahal, tumigil ka na.


Di yung pinahirapan mo ako
Para lang sumuko sa 'Tayo'
Kaya ko namang ipaubaya ang 'Tayo'
Para sayo, para sa inyo.
Basta sabihin mo lang sa harapan ko, na hindi talaga ako ang minahal mo.


Para di na ako magmukhang tanga sa kinukumbinsi,
Sa pagsabi sa aking sarili na ako ang iyong mahal kaya ako ang iyong pinili.
Kahit alam ko ang totoo, hindi kita sinisisi sa mga nangyari sa pagpili at pagiging mali.

Kahit alam ko ang totoo na di ka sa akin magkakagusto.
Hindi ako sumuko para sayo, dahil alam kong kailangan. Kaya pinili ko pa ring manatili sayo, kahit sobrang pagod na pagod na ako.


Pero masyado kang nabulag sa ugali na aking ipinapakita.
Kaya nga sa akin ka napunta. Pero mula noon alam kong siya na. Kaya kahit kailan di na kita makukuha.

Kaya hindi mo kayang ibigay sa iba ang para sa kanya.

At alam ko ring hindi mo kayang ibigay ang para sa kanya, alam kong di mo siya kayang alisin sa iyong sistema, dahil siya na ang lahat lahat sayo Simula pa nung una.


Sabihin mo lang kung ayaw mo na at ako na ang susuko, ako na ang papako sa ating mga pangako. Ako na ang  bibitaw para sa ikakasaya mo at ikabubuti niyo.

Mahal kita kaya ako na ang magpaparaya para sayo.

Palayain na kita, Malaya ka na.











~~~~~~~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Palayain Mo Na (Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon