Breadwinner

27 0 0
                                    

Ako si Mikaela Alvarez, 20 taong gulang. Scholar sa isang kilalang Unebersidad dito sa Pilipinas tuwing umaga, nagtitinda ng kung anu-ano sa school sa hapon at cashier naman sa isang grocery store sa gabi.

Mayroon akong limang nakababatang kapatid na sinusuportahan at dalawa sa kanila ang  nag-aaral sa hayskul, ang papa ko ay dating mekaniko pero inatake siya ng stroke at naparalisa ang katawan nya, si mama naman ay naiiwan sa bahay para alagaan si papa at ang mga kapatid ko. Kaya ako nalang ang nag-iisang inaasahan na magtataguyod sa pamilya namin

Papauwi na ako sa bahay namin dahil katatapos lang ng shift ko sa grocery. Alas-diyes ng gabi ang madalas kong uwi, pero alas-onse na ako ngayon nakauwi dahil may mga customers pa. At marami akong dalang groceries at mga pang-handa sa birthday ni papa para bukas.

Napadaan ako sa isang madilim at nakakatakot na daan na madalas kong nadaraanan pauwi sa bahay.

Habang ako ay tahimik naglalakad, may isang lalaki ang humablot sa kamay ko at tinakpan ang bibig ko para siguro hindi ako makagawa ng ingay dahil kahit papaano ay may mga bahay parin sa lugar na ito. Sabay tutok sa akin ng balisong.

"Huwag kang gagawa ng ingay at huwag ka nang pumalag kung gusto mo pang mabuhay. Saglit lang naman ito, maglalaro lang tayo" aniya at bakas sa kanyang galaw at tono ng pananalita na siya ay nasa impluwensya ng droga.

Dahil sa pagkabigla at takot ay hindi ko na alam na dinala na niya pala ako sa mas madilim at masukal na bahagi ng lugar na iyon.

Pinilit niyang halikan at tanggalin ang damit ko ngunit nagpupumiglas ako, pinipilit kong harangin ang kamay nya. Nilalabanan ko siya hanggang sa makakaya ko ngunit unti unting nagdilim ang paningin ko nang sikmuraan niya ako matapos niyon ay hindi ko na alam ang sumunod na mga pangyayari.

Nagising nalang ako kinaumagahan nang nakahiga sa damuhan na masakit ang buong katawan, lalo na ang ibabang parte nito, sira-sira ang damit , may mga galos.

Pinipilit ko at gusto kong isipin na panaginip lang ang nangyari kagabi, isang masamang panaginip. Pero sa nakikita ko ngayon? Ang sitwasyong ko? Ang lugar kung saan ako nagising ngayong umaga? Napakahirap tanggapin, ang sakit isipin.

Masuwerte pa ako. Oo, para sa akin masuwerte parin ako dahil bingyang ako ng Diyos ng pangalawang pagkakataong mabuhay. Kahit na may isang masamang tao na gumahasa sa akin. Mabuti nalang rin at may komplikasyon ako sa matress dahil hindi ako mabubuntis.

Natural na sa mga babaeng nagahasa, maski naman ako ay gugustuhin mawalan na lamang ng buhay, mas gugustuhing mamatay kesa mabuhay sa kahihiyan dahil binaboy ng isang pontio pilato ang pagka-tao namin. Pero hindi ako dapat bumigay.

Dahil ako na lang ang inaasahan na magtataguyod sa pamilya namin. Gusto ko, at pinangako ko sa sarili ko na handa na akong mawala sa mundong ito kapag naiahon ko na sa hirap ang pimilya ko at darating din ang araw na pagbabayarin ko ang lalaking lumapastangan sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BreadwinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon