Chapter 27- Kaibigang Naibunyag

179 6 0
                                    

"Hindi ko alam kung ano ang pinasukan ko. Kung ito na ba ang buhay na pinili ko. Nahihirapan ako, normal yun. Pero kailangan ba talagang ikompromiso ko ang katinuan katinuan ko para lang mairaos ko ang trabaho? Nawawala na ako sa sarili at hindi ko na alam kung hanggang kailan pa ako tatagal. Sana nandito ka para kausapin ako, Kuya. Sa susunod ulet." Ito ang mga isinambit ko sa harap ng puntod ni Kuya Tammy.

Wala mang kasiguraduhan na nakikinig talaga siya sa akin, ay dinadalas ko na ang pagdadalaw sa kanyang nitso para kahit papaano ay mailabas ko ang mga saloobin o hinanagkit na nararamdaman ko from time to time. Inisip ko na lamang na nariyan pa rin siya, nakatambay sa kung saan man na malapit sa akin, at nakikinig—para maramdaman kong hindi ako nag-iisa.

. Tinignan ko ang aking relo, at napag-alaman kong quarter to 7 na pala ng umaga. Pero humingi muna ako ng day-off para sa araw na ito. Isa lang naman, at kailangan ko lang iproseso ang mga nangyari sa akin for the first time, bilang isang detective.

Hindi dapat ako sumama. Ano ang nangyari? Ano ang mga naganap bago yun nangyari? Wala ba? O nagwawala-walaan lamang para wala ring resulta sa anuman ang nakita.

Audrey, bakit mo ginawa yun?

Alam ko na itong diary ang magiging lead ko sa imbestigasyon. Pero hindi ito sasapat. Kailangan ko pa ng karagdagang mga detalye, yung mga kumpletong detalye, para maitaguyod ko ito nang ako lang ang mag-isa. Bukod pa roon, kailangan ko ring marinig ang side ng isa pang pangalan na nabanggit...

Ang side ni Audrey.

Napakagulo ng kaso na 'to. May part akong gusto ng sumuko pero may part din na dapat ko 'tong pagtyagaan dahil paniguradong babatukan talaga ako ni Sir Lim sa kanyang paggising pag pinabayaan ko ito.

Mas malala pa ba sa bintana ang nangyari? Nasira nga ba ang buong tahanan?

Umalis na ako ng libingan at dumaan muna ng simbahan. Nangalangin na sana mairaos ko ang kaso na 'to, kahit hanggang sa magising na si Sir Lim. Pagod na 'ko. Kahit sabihin man natin na kailangan kong gawin 'to pero minsan, 'di ko na kaya.

Napakapit ka yata sa patalim. O baka naman nagustuhan mo ang pagkakasugat sa ganitong paraan, habang ang sinag ng araw ng kahapon ay nakatutok sa isang kawal. Bakit ganon?

---------

Nakapagpahinga naman ako kahit papano at nakabawi ng tulog. At dahil day-off ko naman ay sinamantala ko na rin ang araw para makapag-relax naman ako. Pumunta ako sa isang bar, 7 PM, para magrefresh lang ng utak. Sakto rin na nagtatrabaho roon bilang isang bartender si Levi, kaya doon ko naisipang tumambay saglit para may makausap din ako.

"O, 'San! Magpapalasing ka na naman siguro ngayong gabi, ah?" Pagbati pa ng pinsan kong ito sa akin.

"Hindi naman gaano, 'San. Stressed lang talaga ako kaya gusto ko munang magchill lang muna." Sagot ko pa sa kanya.

"Ayos yan, alam mo minsan gusto ko rin yang trabaho mo, dahil nakakaexcite yang mga ganyan."

"Kung pwede lang, magpalitan tayo ng trabaho. Mababaliw na yata ako rito. Buti nga ay nagdecide muna ako magday-off sa araw na 'to. Kundi, baka sa mental hospital niyo na lang ako maaabutan." Aking giit.

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon