Miggy messed up big time by cheating on his wife, Francine, with her best friend, Vera. They thought they could keep it a secret, but their affair was exposed. Now, Miggy's life is a mess, filled with regret and a damaged reputation.
'SINFUL HEAVEN'...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nang tumawag ng ambulansya si Raymart ay naisugod kaagad sa ospital si Miggy.
Wala na siyang malay.
Tanging ang bag valve mask na lamang ang nagbibigay sa kanya ng hangin habang hila-hila naman nina Francine, Raymart at ng paramedics ang stretcher na hinihigaan niya.
Hindi maubos ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Francine. Sinisisi niya ang sarili, na hindi sana magkakaganoon si Miggy kung noong una pa lang ay pinatawad niya na ito.
"Miggy, naririnig mo ba 'ko? Lumaban ka!" umiiyak na sabi niya.
Nang makarating na sila sa harap ng operating room ay hinarang kaagad sila ng isang nurse. "Ma'am, hanggang dito na lang po kayo."
"Miggy!" sambit niya nang ipasok na sa loob ang asawa.
Susunod na sana siya, pero pinigilan kaagad siya ni Raymart sa braso. "Francine..."
"Ma'am, hindi po kayo puwedeng pumasok sa loob. Pasensya na po," sabi ng nurse at isinara na nito ang pinto.
Inalalayan naman ni Raymart si Francine at pinaupo sa isang tabi.
"Raymart..." Tumingin sa kanya si Francine. "Paano kung hindi maging successful ang operasyon? Paano kung mawala na nang tuluyan sa buhay ko si Miggy? Natatakot ako, Raymart. Natatakot ako na mawala siya," umiiyak nitong sabi.
"Huwag kang magsalita ng ganyan. Ipagdasal natin na maging maayos siya."
"Ang gusto ko lang naman ay ang pagsisihan niya ang nagawa niyang pagkakamali, ngunit hindi sa ganitong paraan, Raymart. Kahit kailan, hindi ko ninais na mapahamak siya ng ganito. Hindi ko ginusto na masaktan siya ng ganito! P-paano ko pa siya mapapatawad kung tuluyan na siyang mawawala sa buhay ko?"
"Francine..."
"Raymart, mahal na mahal ko pa rin si Miggy. Nakahanda akong patawarin siya at kalimutan ang lahat ng mga nangyari, maging okay lang siya. Hindi lang naman siya ang nagkaroon ng pagkakamali, maski ako ay nakagawa rin ng pagkakamali sa kanya at napaka-unfair kung hindi ko siya bibigyan ng second chance. Biktima lang kami ng kabaliwan ni Vera. Sana... sana ay bigyan pa kami ng pagkakataon ng Diyos. Gusto ko pang ipagpatuloy ang mga pangarap naming dalawa. Gusto ko pa siyang makasama, Raymart."
Ngiti lang ang naisagot sa kanya ni Raymart. May kirot kasi siyang naramdaman sa dibdib,
Gustuhin man niyang mapasakanya si Francine, ngunit hindi niya mapipigilan ang puso nito na mahalin pa rin si Miggy, kahit na sinaktan na siya nito ng sobra. Mas gusto pa rin niyang makita ang kaligayahan sa mukha nito na walang kahit anong pagsisisi.
Si Miggy ang kaisa-isang lalaking minahal nito. Alam niya na kahit anong gawin niya ay hindi pa rin matutumbasan ng napakaikling panahon nilang pagkakaibigan ang pagsasama nilang mag-asawa.
Miggy, lumaban ka. Huwag mong hayaan na masaktan na naman ang asawa mo nang dahil sa 'yo. Lumaban ka para sa kanya.