Chapter 2, "Nasasaktan ako"

3.3K 37 1
                                    

Maaga akong pumasok dahil maaga ang pasok namin ngayon. Nagkita kita kaming magkakaibigan sa tambayan namin. Kaagad na hinanap ng mga mata ko si Roine ngunit di ko sya mahagilap.

"Saan na daw ba si Roine?" Tanong ni Vana, yes!

T-teka, pake ko?

Tumingin si Renz sa kanyang cellphone, "On the way na daw"

Kahit kailan talaga paimportante!

"Oy sorry! Nalate ako!" Napatingin kaming lahat sa pinaggalingan ng boses.

Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko at may nagu-udyok sakin na ngumiti. Tumabi si Roine sakin at napailing ako para pigilan ang mga nangyayare sakin.

"Okay ka lang ba?" Tanong nya sakin.

"L-lah! Oo naman! Bakit mo natanong?!"

Tumawa sya, "Wala"

Nagsitayuan na kami dahil kailangan na naming pumasok ngunit pinauna ni Roine ang mga barkada namin.

"Hoy! B-bakit mo sila pinauna?!"

"Kasi namiss kita.. payakap naman jan oh" sabi nya at umaktong magpapayakap.

Naramdaman kong kusa akong lumapit sakanya at niyakap sya..

'I miss you too..'

"Tara!" Hinila nya ang bag ko at naglakad na kami papuntang klase.

Magkatabi kami ngayon at wala akong papel, magki-quiz daw kami. Kingina, di pa naman ako sanay magdala ng papel.

"Isa pa!" Nakita kong kausap ni Roine si Vana na nakasimangot.

Bumaling si Roine sakin na malaki ang ngiti at nilapag ang papel sa mesa ko, nakaramdam ako ng hiya.

"T-thank you"

"Welcome!"

RECESS na kaya napagdesisyonan namin na sa foodcourt bumili ng foodsss.

Bibili palang sana ako ng may nagabot sakin ng paborito kong dutchmill at ng dalawang loaded.

"L-lah?! Ano to?!"

"Recess mo!" Sabi ni Roine.

"May p-pinabili ba ako?!"

"Wala, pero may magagawa ka ba?" Nakangising sabi nito at hinawakan ako sa balikat at hinila na pabalik ng room.

"Una na kami guys!" Sigaw nya.

Hindi pwedeng magustuhan ko si Roine.. hindi pwede..

Niyaya ako ng mga babaeng kaibigan ko na magbanyo..

"Kim, kayo na ba ni Geroine? Ang sweet nyo grabe! Hihi" sabay tili ni Mela.

"Oo nga! Simula sa bahay nina Renz. Kayo ha!" Si Shasha.

"Umamin kana!" Si Vana.

"W-walang kami, walang label" nakatungo kong sagot.

"WHAT?!" Gulat na tanong nila.

"Pagsinaktan ka ni Roine kami ang makakaharap nya!" Sabi ni Angelica.

Napailing na lamang ako, di ko alam ang dapat na sabihin pero isa lang ang alam ko..

Nasasaktan ako.

WALANG LABEL (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon