Gray POV
"ID po" sabi ni manong guard.
Binigay ko naman sakanya ang id ko.'Ang gwapo ko talaga sa picture kong yan' nasabi ko na lang sa sarili ko.
"Ito na po" sabay balik ni manong guard ng id ko.
Pagkatapos makita ni manong guard ang napakagwapong picture ko sa aking id. Pumunta na ako sa room ko.
Habang naglalakad papunta sa room namin nakatagpo ko ang isa sa mga kabarkada ko, kaklase ko rin nga pala sya.
Actually, nung grade 7 rin kami kaklase ko sya. Hindi binago ang pagkakasection ngayon para daw hindi na mahirapang magadjust mga estudyante.
"Uyy! Brad, kamusta bakasyon?" sya si Nathan Lopez isa sya sa mga pinakamatalik kong kaibigan, mahilig syang kumain pero hindi sya tumataba nag aarnis kasi sya.
"Okay naman, hindi na nga ako masyadong binubully ng mga pinsang kung lalaki eh. Tinaasan ko na kasi sila ng height" napatawa naman kaming dalawa sa sinabi ko.
"Ikaw bro" pahabol kong tanong sa kanya
"Yun bro binisita namin sina lolo't lola at yung mga pinsang kung siraulo sa probinsya. Akalain mong nanalo pala sa quiz bee, yung anak ni mama(tita) Sophie. Nasa dugo talaga namin ang mga matalino" sabi naman nya habang dumudukot ng kung ano sa bag nya.
"Oh pili nuts masarap yan" binigay nya ito sakin at dumukot ulit sa bag nya sitsiryang cracklings naman ang kinuha nya at binuksan ito, sinimulan na nya itong lamutakin.
Hindi namin napansing nandito na pala kami sa room namin. Halos nandito na ang lahat ng mga kaklase namin.
'Bakit kaya wala pa sya?'
"Uyy dude nangyari sayo papunta na daw adviser natin dito" hindi ko namang namalayan na nakaupo na pala ako sa parteng last na table kasama mga barkada ko.
"Ah wala may naisip lang ako" ako yan
So para mas makilala nyo ang mga kabarkada ko ipapakilala ko sila
Kylie Ocampo, ang kabarkada kong fashionista. Mahilig syang sumuot ng mga nauusong sinusuot ngayon. Sya ang pinakahuling nadagdag sa kabarkada, nang grade 7 lang kasi namin sya naging close. Mula grade 3 pa kasi tong barkadahan namin.
Lia Grace Mercado, ang barkada kong matalino sa math at science. Kung baga sa test sya ang kodigo namin.
Pinsan ko nga pala sya, mahilig sya sa kpop.Thomas Rivera, ang barkada kong nalulong sa games. Malimit sya magsalita sa ibang tao. Pero pagkasama nya kami o ang buong section namin matabil naman sya. Sa aming magbabarkada sya ang may maraming admirers at mapera.
At syempre si Nathan kilala nyo na.
"Goodmorning grade 8 Wild flower, Im Albert Andrada your class adviser"
sabi naman ng isang lalaking guro na mga nasa mid 30s."Goodmorning sir! " sagot naman naming lahat.
"So dahil first day palang naman ninyo next week pa ako magtuturo. Sigurado naman akong kilala nyo na ang isa't isa kaya nagayon din ay magbobotohan na tayo para sa mga class officers" sabi ni sir habang sinusulat ang class officer at president na word.
"Who wants to nominate someone for president" tanong naman nya.
'Bat ang tagal nya'
"I nominate Mark Grayson Castillo for president" nabigla naman ako ng marinig ko ang pangalan kong ninominate, nang tinignan ko ang nagnominate sakin... Si Kylie banaman!
Sinulat na nga ni sir ang pangalan ko. Tinignan ko naman si Kylie nang masama. Ngumiti lang sya.
Pero kung tatanungin nyo ako gusto ko rin naman maging president. Sabi nga nang mga kaklase ko eh, marunong akong mag lead at kaya ko silang iorganize.
Nagsisi nga daw sila ng binoto nila si Nathan maging president nung grade 7, sya pa kasi yung dapat sinusuway.
Fastforward>>>
Natapos na ang botohan sa aming Class officer.
Ako nga pala nanalo sa pagkaPresident. Nang nakaupo na kami ng maayos sa aming mga upuan, biglang kumalabog yung pintuan.
"Goodmorning guys, I'm sorry I'm late" napalingon naman kaming lahat sa pintuan.
NANDITO NA SIYA!!!
BINABASA MO ANG
Crush ako ni President
Teen FictionAng cute na crush story ng mahiyain ngunit selosong Mr. President at ng friendly ngunit mahilig maglihim na Sgt At Arms!!!