Wala pa sa kalahating oras sa paglalakad si ChungCha ay namumutaktak na siya ng pawis.
"Guys, look at that girl. Naliligo na ng pawis pero fresh pa din. Oh my gosh she's so pretty!"
"Oo nga ee. How to be her kaya?"
"Sana ganyan din kaputi at kakinis ang skin ko. Ano kayang feeling? I want to be like her."
Bulungan ng mga estudyanteng nadadaanan ni ChungCha sa may hallway. At halos agaw pansin ang nagkukulay rosas niyang balat. Na lalong nahahalata dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanya.
"Look girls! Do you think she's okay?"
"Oh my ghad! Oo nga. Her face is so red. May sunburn ba sya?"
"She look kawawa pero still cuteeeee! I want to pinch her cheeks guys."
Bulungan pa ng ibang mga estudyanteng nakakapansin sa kanya.
ChungCha breathed heavily. Nakakaramdam na siya ng pagod ngunit tila may umuudyok sa kanyang magpatuloy parin sa ginagawa.
Makalipas ang ilang oras na paglalakad, hindi niya namamalayang halos malibot na niya ang buong University sa paghahanap sa taong nais niyang makita.
Dumaan na siya sa gym ngunit wala siya roong makitang Tim. At halos nadaanan na niya ang lahat ng Departments sa buong University ngunit hindi parin niya ito makita.
Kahit nakakaramdam na siya ng matinding pagod at parang bibigay na ang kanyang mga tuhod, parang baliwala lang iyon sa kanya sa kagustuhang makita muli ang taong sumagip sa kanyang buhay.
Ngunit kalauna'y, sumuko narin siya sa paghahanap. Dahil kahit saan siya magpunta ay talagang hindi niya ito makita.
Tila pinaglalaruan yata sila ng tadhana?
Ang hindi alam ni ChungCha, nagkasaliwaan lang pala silang dalawa at halos magkasunod lamang ang kanilang distansya sa isa't isa.
Naisipan niyang umupo at magpahinga sandali sa silong ng malaking puno malapit sa garden. At pagkatapos magpahinga ay babalik narin siya sa Private Building. Mahaba-haba pa naman ang time bago magsimula ang kanyang klase.
Habang nagpapahinga siya at sinasariwa ang masarap na simoy ng hangin na humahampas sa kanyang balat, saka lang niya narealized...
'Why are you doing this ChungCha? Bakit ba gusto mo syang makita? Bakit ba nagpapakapagod at nagpapakahirap ka para lang sa isang taong first time mo pa lang nakita? Are you really that stupid? '
'Why ChungCha? Why?'
Narealized niya na nagmumukha nanaman siyang tanga sa kanyang ginagawa. At bigla nanamang bumalik sa kanyang alaala ang sinapit niya sa nakaraan. Kung paano siya nagmahal at nasaktan.
Thinking those bad memories from the past makes her sad and hurt again. Tila hindi pa naghihilom ang mga sugat sa puso at isipan niya. At sa tuwing naaalala niya ang mga iyon, sobra lang siyang nalulungkot at nasasaktan.
At bukod pa roon,
Thingking about Ivan that was still in her life, trying to win her back, wants to ruin her life again at sinusubukang eblackmail sa kanyang mommy, lalo lang nadadagdagan ang kirot sa kanyang puso at takot na baka kamuhian siya ng kanyang mommy.
BINABASA MO ANG
[Completed]Love at First Sight
Storie d'amore[expect the wrong grammar but you are free to correct me, thank you🖤] Timothy, isang gwapong half-Thai scholar sa IT Department. Matangkad, dark-skinned, matipuno ang pangangatawan, simple, dedicated at matapang na lalaki. Chung Cha is a half-Kor...