Vampire: Kabanata 1

107 3 0
                                    


Kabanata 1





Bakit ba ang unfair ng buhay? Naging mabuti naman siyang tao, naging masipag, wala siyang inagrabiyadong tao pero bakit sakanya dumapo ang ganitong sakit? Dahil ba hindi siya pala simba?

"You have a brain tumor Mr. Clamora. Nasa stage na ito kong saan isa na itong critical and I'm sorry to say this, but you have a month to residue."

Naalala niya ang sabi ng doctor sa kanya kanina. Kaya pala mas lalong sumakit ang ulo niya ngayong taon na minsan ay nawawalan siya ng malay at minsan dumudugo ang ilong pero pinagsawalang bahala niya lang iyon dahil akala niya migraine lang. Akala niya dahil pagod lang siya at kulang sa pahinga at minsan nakakaligtaang kumain. Akala niya dahil sa init kaya dumudugo ang ilong pero lahat ng akala niya ay mali dahil sign na pala iyon ng kanyang sakit na hindi niya na pagtuunan ng pansin.

Umiiyak na tinungga ni Delico ang alak na nakapaloob sa baso. Hindi niya kayang tanggapin na hanggan dito nalang siya. Paano ang nanay niya? Mga kapatid niya? Kaya na kaya nilang tumayo sa sariling mga paa ng wala siyang umaalalay sa kanila? Graduating pa ang sumunod sa kanya. May sakit pa ang Ina nila. Isa pa ang bata pa niya para mamatay at iwan ang mundo!

Naitakip niya ang kamay sa mukha ng hindi niya mapigilan ang humagulgol ulit. Kanina pa siya iyak ng iyak at wala siyang pakialam don kahit pa may nakakakita sakanyang umiiyak.

God, why? Why you chose me to have this? Why I leave my family to sudden? Why do I have this fate? Why you give me this misfortune! Why?!

Piping tanong niya sa panginoon. Pero alam niyang wala siyang matatanggap na sagot mula dito. Alam niyang wala na siyang magagawa dahil nandito na. Alam niyang kailangan niyang tanggapin na hanggang dito nalang ang buhay.

Naglatag siya ng pera sa counter ng bar bilang bayad sa kaniyang ininom at lumabas na sa lugar na iyon. Nagpara si Delico ng taxi at nagpahatid sa pinakamalapit na simbahan. Mabuti nalang at may bukas pa kahit alas nuwebe na ng gabe.

"Tanggap ko na." Panimula niya. "Tanggap ko ng hanggang dito na lang ang buhay na ipinahiram niyo saakin. Maraming salamat dahil umabot ako sa edad kong ito bago niyo naisipang kunin. Swerte parin naman ako hindi ba? Dahil nakita ko ang mundo, hamaba pa ang buhay ng nanay ko. Napaaral ko pa ang mga kapatid ko." Napangiti si Delly habang pinupunasan ang luhang lumalandas sa kanyang pisnge na nakatingin sa unahan. "Kaya maraming salamat. Bigyan niyo pa ako ng kaunting panahon at oras. Aayosin ko muna ang dapat kong ayosin. Sana mapagbigyan niyo ako, Lord."

Nilisan niya ang simbahan na may gaan sa dibdib. Hindi na ito tulad ng kaninang mabigat at ang gusto lang ay umiyak ngayon ay nakangiti na siyang lumabas ng simbahan. Kinuha niya ang cellphone at dinayal ang numero ng kapatid sa probinsya. Muntik na siyang mapahiga sa seminto nang mabangga siya sa isang pader--no, hindi pader, tao pala. Mabuti na lang ay agad siyang hinapit nong tao bago pa siya bumagsak sa seminto.

"Hala, sorry!" Mabilis niyang paghingi ng paumanhin. Himigpit ang yapos nito sakanya. Naiilang mang tumingala dahil sa ayos nila ay nag-angat siya ng tingin upang tignan ito.

Alam niyang lalaki ang kabungguan niya kaya hindi niya ito matignan kanina pero dahil hinigpitan nito ang kapit sa kanya kaya wala siyang choice. Kung siya ay 5'7, ito naman ay sa tantiya niya ay 6footer. May makapal na kilay, kulay hazel nuts ang mga mata nito, matangos na ilong, may labing nakakahalinang halikan? Pangahan din lalaking nakalingkis sakanya. Foreigner ito at papasang modelo.

Nangunot ang noo ni Delly dahil sa naisip niyang masarap halikan ang labi nito. "Excuse me, Mister?" Utag niya sa kaharap.

Dahan-dahan siyanh binitawan ng lalaki na animoy para bang babasagin. May kakaiba siyang nakitang kislap sa mata nito nang magkatitigan sila pero hindi niya mapangalanan.

"Sorry." Pag-uulit niya. Hindi parin ito sumasagot at tinitigan lang talaga siya ng mabuti nang lalaki para pa nga itong hindi makapaniwala.

Nilayasan na ito ni Delico nang hindi pa talaga ito nagsalita. Baka may something ito, mahirap na.


*-----

Hinaplos ni Zehel ang pinsge ni Delly nang mahimbing na itong natutulog sa kama ang binata. Hindi siya makapaniwalang nakita niya ang mate na matagal ng inaasam.

Tama nga ang mga kaibigan niya. Kusang darating ang araw na magtatagpo ang landas ng kanilang mamahalin.

"But why are you crying, my love? Did someone hurt you?"

Nagtagis ang bagang niya sa naisip na may nanakit sa lalaki.

"Wag kang mag-aalala, my Love. Nandito na ako." Hinalikan niya ito sa nuo, sunod ay sa labi naman.

"Mine..."

The Story ( BL )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon