I - All about Pagkain

148 5 5
                                    

"Mmm! Ang sarap naman ng chocolate!" sabi ng isang babae habang natutulog.

"SARAP! OY, AYUN MAY COTTON CANDY!!"  dagdag pa nya. Sobrang saya nya ata habang natutulog. Inuunat pa ang mga braso papuntang kaliwa, na para bang may kinukuha.

Ayan tuloy, bumagsak sya mula sa kama.

"Aray!" sabi niya. Napamulat siya ng mata. Hinanap-hanap nya ang mga 'cotton candy' kuno, ngunit nagunita nya na nanaginip lang pala siya. Kawawang bata.

Napatingin naman siya sa orasan.

PIM'S POV

7:15 na?! EH 7:30 alis namin! ARGH! LOWBAT NGA PALA CELLPHONE KO KAYA WALANG ALARM! Eh teka? asan si mama? Eh! Maliligo na nga ako!

Halos matapilok na ako noong sumugod ako sa banyo. Pinaghalo ko na ang shampoo at conditioner sa buhok ko para sabay na sila!

Okay na sana kaso may kumatok sa pintuan! Hala, nandyan na sila Ron! Ibig sabihin kailangan na naming umalis!!

Nagbanlaw agad ako!

*lumabas ng banyo ng walang twalya* *sumugod sa kwarto*

Asan na ba yung PE uniform ko?! Agh, late na naman ako neto! Masesermonan na naman ako ee!

"AYUN!" Hinablot ko ang pambihirang P.E. uniform ko. HINDI PA NAPAPLANTSA! PAMBIHIRA NAMAN O 7:25 NA EH!

BAHALA NA NGA SI PIKACHU! *sinuot ang PE uniform*

Tapos biglang may nagbukas ng pinto. NAKO NAMAN NAGBIBIHIS PA AKO!

"Pi--"

"Ano ba Ron! Maghintay ka lang dyan sa living room! Nagbibihis pa ko maghintay ka na lang pleeeeeeeeease MALAPIT NA AKONG MATAPOS HINTAY LA--"

"Huy! Sinong sinisigawan mo?! At saka... Ba't ka nakabihis?" nagtatakang tanong sakin ni..

PAPA?!

"EH PAPA? Di ba dapat nasa trabaho pa po kayo ngayon?" 

"Kakarating ko lang papapasukin mo na agad ako? Ganon? Ba't nga nakabihis ka dyan?" tanong naman ni papa habang nilalapag ang mga gamit nyang galing sa trabaho.

"Ahm.. Papasok na po ko?"

Tinitigan lang ako ni papa ng naka-taas ang kilay... TAPOS TUMAWA SIYA. Seryoso? anong nakakatawa?!

"Papa, alam ko pong late na late na po ako, at mas lalo na po akong tumataba kaya wag nyo na po akong tawanan!" padabog kong sabi.

"HAHAHAHA, eh hindi naman yun ang pinagtatawanan ko eh!" Hay nako Papa.

"Eee papa na--"

"Nak, 7:30 na oh."

"Yun na nga po late na p--"

"PM."

...... *cricket sound* .............. ANO?

"PM pim. Gabi pa. HAHAHAHA, di ko aakalaing magkakaanak ako ng.. HAHAHA, kaisa-isa pa!! HAHAHA sige na, magbibihis na ako! BAHAHAHA" *sabay labas ni papa*

-________________- Grabe, what a great parent.

Hay, ang boblax ko talaga minsan!

Pagkatapos non, nagbihis na ako (syempre alangan namang ipambahay ko yun.). At biglang may tumawag. Sana naman di ko to kaklase o kung sino. Istorbo.

"Hello hello cute cute pim-pim here," corny ba ng greeting ko? Hahaha, pero aminin, cute ako!

"PUCHA ESTE PIZZA DELIVERY HERE! TAE KA BUKS--" binaba ko ang telepono. PIZZA KO NGA PALA!

Dali-dali akong bumaba at binuksan ang gate namin. Ang pogi naman. NG PIZZA BOX!

"Ooooh, PIZZAAAAA! YUM!" sabay hatak ko sa pizza box.

"Yung bayad taba?" Aba, maka-taba tong si Kuya Pizza. Porket close kami eh.

"Hugutin mo sa pwit ko." Sabay talikod ko sakanya.

"Kadiri ka talaga!" Binigyan nya ako ng tingin na nandidiri. "Kaya walang nagkakagusto sayo eh! Wa poise."

"Nagsalita ang meron," sabi ko, at humarap na ako sa kanya."Paayos mo na nga ilong mong pango kuya! Eto bayad. *belat*"

"Nagbayad ka? Himala ah."

"Ay hinde, wala kasing himala eh kaya hindi ako nagbayad. Bye kuya pango!!!!!!"

"Bastusing bata! Sige na nga! Bye!"

Sasaraduhin ko na sana yung gate kaso di ko napansing may humarang. Medyo malakas pa naman yug pagkatulak ko! OH NOEZSXS!!11! Ayun, nagdugo ang ilong! HALA! Si Ron!

"ARAAAAAAAAAAY ARAAAAAAAAY NAKUUUHUHUUU!" kumakanta ba 'to o ano?

"Hala! Sorry! Sorry, Ron!"

"TAE KA PIM! NAGDUDUGO NA NGA PUSO KO SINAMA MO PA ILONG KO!"

"Drama mo Ron! Magpagaling ka muna! Baka sabihin nilang sinapok kita sa mukha eh! Sabihan pa nila ako ng siga!"

"'Di mo man lang ba ako tutulungan?! Akala ko ba mahal mo 'ko!" Sinimangutan nya ako.

"KAKAIN PA AKO NG PIZZA! LALAMIG NA TOH EH!"

"Hmp," sabi niya sabay labas ng tissue at inilagay sa ilong. Ngayon pa lang talaga nya naisipang maglagay?!

"O sige na, sorry ulit ha, wag iiyak baby, bibilhan ka ng toy ni mommy at daddy bukas ha!"

"Tae. Sige, bye Mommy! Mahal kita! Ayiee."

"Mahal ko din yung pizza! Bye!" Ningitian ko sya ng sobrang lapad.

(-_-)"

Si Ron. Kababata ko. Bakit ko pa ba naging bestfriend yun? Ang cheesy, ang corny, ang damot. Ay basta! Kakainin ko na lang yung pizza ko!

.....

Hmm. Ano pa bang pwedeng kaini-- gawin? Naka 3 slices of pizza na ako e. Binigay ko na kay papa yung iba. Sumobra na ako e.

'Badabadabumbum badumbum, Badabadabumbum badum"

'Rong Mukampwet calling...'

Okay, what does he want now?

~-~-PHONE~-~-

Pim : What do you waaaaaaaaaant?/

Ron: What do I want? You. I want you.

-----------------------------------------------------------------------------

Okaaaaaaaaaaaaay, this is awkward! Try ko lang naman tong story na to. Since baliw naman ako, eto nga. Humor. Mixed with some.. romance? XD Beginner palang ako uy! kaya panget pa story ko.

So, please help me get better by criticizing me? :)

-CHERRY

{editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon