IF THERE is one thing that Mommy Melissa taught Julia very well in business, that is to keep good ties with your customers and clients. Iyon mismo ang naging puhunan niya sa trabaho niya bilang tourist guide.
She took up Education in College but ended up as a tourist guide after a series of volunteer works for a government organization. Ngunit hindi naman tuluyang nasayang ang pinag-aralan niya ang dahil ang ahensiyang pinagta-trabahuhan niya ay ang nag-oorganisa ng mga tour para sa mga kabataan. Ang mga lugar na naging sakop ng kanyang tour noon ay ang Kamaynilaan.
Usually, her tours consist of exchanged students from different countries. At sa tuwing matatapos ang mga tour niya, hindi mawawala ang pakikipagpalitan niya ng contact sa mga naging tourists niya.
At isa na roon si So Mi, isang Koreana na minsang nag-tour sa Pilipinas. Halos ka-edad lamang niya ito, naging close silang dalawa—hindi kasi naging hadlang sa kanila ang lenggwahe dahil marunong mag-Tagalog si So Mi dahil sa naging kasambahay na taga-alaga nito noong bata pa ito.
Si So Mi ngayon ang naging takbuhan niya pagdating niya sa Korea. Dahil hindi naman siya marunong mag- Koreano at hindi rin siya nakababasa ng kanilang mga letra, kakailanganin niya ang tulong ng kaibigan para sa kanyang "misyon" at isa na roon ay ang kanyang lugar na titirhan.
"Welcome to uri jib," sabi ni So Mi sa kanya nang buksan nito ang pinto ng apartment nito. Mula sa airport, sinabi nito sa kanyang sumakay lamang siya ng taxi at ang address na itinext nito sa kanya kanina ang ipinakita niya sa driver.
Sinalubong siya ng kaibigan pagdating sa entrance ng apartment complex nito. After they exchanged their pleasantries, umakyat na sila sa floor kung nasaan ang apartment nito.
Sa South Korea, normal sa kanila ang magkaroon ng apartment sa halip na mga bahay dahil ayon kay So Mi, iyon ang ideal lalo na sa kagaya nitong mag-isa lamang at sapat lamang ang kinikita mula sa trabaho nito.
Hinubad niya ang kanyang sapatos saka isinuot ang inihandang pambahay na tsinelas ni So Mi. Dahil matagal ng magkausap, nasabi na nito sa kanya ang basics kapag naririto sa bansa at isa na rito ang mahigpit na respeto sa bahay ng ibang tao. Customary act iyon sa mga Koreano dahil madalas ang sahig ng mga bahay nila ay tinutulugan at piangkakainan.
"Sorry talaga kung pati ikaw naistorbo ko, So Mi." Hinging paumanhin niya sa kaibigan habang nag-aayos na sila ng gamit niya. Maliit lamang ang apartment ng kaibigan niya at sapat lamang para sa isa ang halos lahat ng gamit doon—kabilang na ang mga basic necessities, kagaya ng kama at maliit na ref. Ngunit nang ikwento niya sa kaibigan ang plano niya at ang rason kung bakit siya naririto, hindi ito nag-dalawang isip na tulungan siya.
"Aniya, gwenchana," mabilis na sabi ni So Mi na ang ibig sabihin ay ayos lamang iyon, o okay lang. "I really want to help you find Park Joon Young. But do you have any idea where to start?"
"I'm going to Mr. Park's hometown in Hongcheon," aniya dito saka ipinakita ang litratong ibinigay sa kanya ng amain.
"But according to Mr. Park, Joon Young has been residing in Seoul because of work. He didn't even know where his son works, dahil sinadya nitong itinatago dito ang buhay na mayroon ito. Iyon lamang ang huling impormasyon na mayroon siya, dahil sa tuwing tinatangkang hanapin ni Mr. Park si Joon Young palagi siyang lumilipat ng bahay."
Umismid si So Mi. "What kind of son runs away from his only family?"
Nagkibit balikat siya. "They had a fall out, So Mi. And I really wanted to know the reason behind it too, pero I really don't think it was appropriate to ask."
Naupo si So Mi sa harap niya. "I think we should file a report in the police or the Seoul registry so at least we can find a solid lead, then by weekend and on my day off, we'll go to Hongcheon."
"Sorry, So Mi," muli ay paghingi niya ng tawad sa kaibigan. Alam niyang nakakaabala na siya dito at maging ang trabaho nito ay maari rin niyang maabala. So Mi is still studying for her degree at ito lamang ang nagfinance sa sarili nito sa tulong ng mga part time jobs nito.
"Yah, what are friends for?" sabi nito sa kanyang natatawa saka inabot sa kanya ang isang maliit na kulay gold na kaldero. May laman iyong..."ramyeon. Masanay ka na ito ang kakain mo sa mga susunod na araw."
Ngumiti siya at pareho silang natatawang magsimulang kumain. At least, pangongonsola ni Julia sa kanyang sarili, she'll be doing a serious mission, but she won't be alone.
--
Please don't forget to VOTE and COMMENT if you enjoyed this chapter.
Kamsahaeyooo~~
YOU ARE READING
JOON YOUNG'S LOVE SONG [COMPLETE]
Fanfiction• "I think, I like you." "You can't Ramen Lady. I told you, I only love myself." "I know, that's why I like you more." Julia is on a self-imposed mission impossible in South Korea-ang gawin ang last wish ng fiancé ng mommy niya: ang hanapin ang e...