CHAPTER 2.2

120 4 0
                                    


JULIA's first day in South Korea ended up a failure. Kaninang umaga ay sinamahan siya ni So Mi sa police para makakuha ng kahit anong lead kung sino si Park Joon Young.

Ngunit kagaya ng inaasahan niya, hindi iyon gaanoon kadali—hindi lamang dahil hindi niya kilala si Joon Young kundi dahil masyadong marami itong kapangalan. Park is a common family name in Korea. Kaya naman kahit gustuhin man siyang tulungan ng mga pulis, magiging mahirap iyon para sa kanila.

Ilang police station pa ang inikutan nila ni So Mi, ngunit lahat ng paghahanap nila sa araw na iyon ay bigo ngunit ayon sa mga nakausap nila, bibigyan sila ng mga ito ng update kay mayroong nag-hit na match sa taong hinahanap nila.

They also went to the family registry office to check for any family members but they had the same result. Isa pa, ayaw magbigay ng anumang impormasyon sa kanila dahil hindi naman daw sila kapamilya. It was completely understandable, but Julia's resolve should and would not waver.

Pagdating naman ng hapon ay nagpaalam na sa kanya si So Mi dahil kinakailangan na nitong pumasok sa trabaho. Night shift ang mga part time jobs nito dahil sa umaga ay kinakailangan naman nitong pumasok sa ekswelahan.

Lubos lubos ang hiya na nararamdaman niya sa kaibigan dahil sa abala na dinudulot niya dito. Kaya naman ipinapangako niyang gagawin niya ang kanyang misyon sa lalong madaling panahon para makabawas na siya sa alalahanin nito.

Dumaan siya sa isang convenience store para bumili ng makakain niya bago bumalik sa apartment. Sigurado siyang ito ang magiging paborito niyang tambayan. Dahil magpapakalunod ako sa Ramen sa mga susunod na araw!

Naghahanda na siyang kumain nang marinig niya ang tunog ng kanyang cellphone.

"Hello, mommy?"

"Julia, how are you there? Hindi ka ba nahihirapan?" Napakislot siya nang marinig niya ang pag-aalala sa boses ni Mommy Melissa. She hated it every time she'd hear her worried voice.

"I'm okay, mommy," aniya. "Don't worry about me, okay?"

Bumuntong hininga mula sa kabilang linya si Mommy Melissa. "Hindi pu-pwedeng hindi ako mag-alala sayo..."

"Okay lang ako, mommy, promise!" Mabilis niyang putol dito. "Wag mo na akong isipin at ituon mo lang ang atensyon mo kay Mr. Park, okay?"

She heard Mommy Melissa sigh from the other line. "Julia, you don't know how thankful I am—we—are to you right now. Hindi madali ang lahat ng ito, but then again you decided to do this for us."

"Mommy, kung para naman sa ikasasaya mo, handa akong gawin ulit to. Kulang pa ito kumpara sa lahat ng mga bagay na nagawa at naibigay mo para sa akin." Ilang sandaling hindi sumagot si Mommy Melissa mula sa kabilang linya at nahihinuha ni Julia na umiiyak na naman ito. Bago pa siya umalis ng bansa, walang ibang ginawa ang Mommy niya kundi ang umiyak at paulit ulit na magpasalamat sa kanya.

Kaya naman naisipan niyang ibahin ang usapan. "Mommy, how's Oppa Park? Can I talk to him?" She heard Mommy Melissa talk to to Mr. Park for a while then it was followed by a whimper.

"Oppa!" magiliw niyang bati dito. "How are you? Are you feeling okay right now?"

"I...I'm a-all r-right, Julia," Mr. Park's voice was stuttering and it was very evident that he is finding it difficult to even just speak a few words. Something inside of her ached. Today's failure of her mission came back to her. Wala pa siyang magandang maibabalita kay Mr. Park, ngunit habang naririnig niya ang boses nito at ni Mommy Melissa, nagkakaroon siya ng rason para hindi sumuko at mas maging determinado pa sa nais niyang gawin.

JOON YOUNG'S LOVE SONG [COMPLETE]Where stories live. Discover now