NATATARANTANG napalingon si Julia nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. At hindi nga siya nagkamali, ang lalaking lasing ay nasa likod niya ngayon. Parang nadagdagan tuloy ang panic na nararamdaman niya dahil sa pagkakakita dito.
Matapos ang insidente kagabi, abo't abot ang pagdarasal ni Julia na sana ay hindi na ulit sila magkadaupang palad. Pero bakit ngayon ay bigla itong naririto kung kailan naliligaw siya at hindi na niya alam kung papaano umuwi?
Kagaya ng kanyang naunang plano, muli ay sinusubukan ni Julia na umikot sa Seoul magtanong pa sa ibang mga police stations.
Binigyan siya ng written instructions ni So Mi kaya kahit na hindi niya ito kasama ay panatag ang loob niya. Pinag-aaralan niya ang mga main roads at highway, ngunit nahihirapan siyang i-absorb iyon nang isahan lamang kaya naman imbis na ma-stress, inenjoy na lamang niya ang naging biyahe niya ngayong araw.
Isang desisyon na parang gusto na niyang pagsisihan ngayon. Hindi kasi niya namalayan na lumagpas na pala siya sa bus stop kung saan siya dapat bababa para makauwi. She was talking to a student in the bus earlier pero maya-maya ay namalayan niyang parang iba na ang nadaraanan niyang lugar. Tinanong niya—sa hirap na hirap na paraan— ang katabi niyang local at sinabi nitong lumagpas na siya ng tatlong stop.
Mabilis siyang bumaba at tinangkang tawagan si So Mi, ngunit bago pa man mag-ring ang telepono ng kaibigan ay narinig nga niya ang boses ng lalaking lasing.
Tiningnan niya ito. Nakasuot ito ng mask at hoodie. At kahit na nakatago ang halos kalahati ng mukha nito ay impossibleng hindi niya ito makilala.
"Mag-Tagalog ka nga," sabi niya sa lalaki bago ito talikuran. Now that she had thought about it, hindi naman mukhang Pilipino ang lalaki. Kaya naman curious siya kung paano ito nakakaintindi at nakapagsasalita ng Tagalog.
"Naliligaw ka ba?"
Matatas siyang mag-Tagalog, syet. Hindi niya magawang tinginan ang binata hindi dahil sa nakakahiyang eksena noong nakaraan kundi dahil sa paraan ng pagsasalita nito. Magaspang ang boses nito at parang tamad na tamad din ang paraan ng pagsasalita nito ngunit kagaya noong unang beses niya itong marinig, may kakaibang epekto iyon sa kanya.
Okay, kung ano man iyang epekto na iyan, erase-erase! Mabilis na awat ni Julia sa kanyang sarili. Imbis na intindihin niya ang lalaki ay dire-diretso lamang siya sa paglalakad, kahit pa hindi niya alam kung saan eksakto papunta ang dinaraanan niya.
"Ya, you're going the wrong way," muling sabi ng lalaki sa likuran niya—na muli niyang inignora. "Hindi iyan ang daan papunta sa apartment."
Kahit na hindi lumingon, alam niyang nakasunod ang lalaki sa kanya. Kung bakit, hindi niya alam. Ang alam lamang niya ay gusto niyang makalayo dito dahil napatunayan niyang sa tuwing magkakaroon sila ng interaksyon ng lalaki, parang hindi maganda ang nagiging ending niyon. Kaya kung wrong way man ang dinaraanan niya, alam niyang mas "wrong" kung pipiliin niyang makinig at kausapin pa ang lalaking ito.
And as if the universe started to conspire against her, raindrops suddenly started pouring. Hindi niya alam kung bakit biglang umuulan ngayon, gayong kanina naman ay sobrang init ng araw.
Aligagang kinuha niya ang payong mula sa kanyang bag at dali-daling binuksan iyon. Sinasabi na nga ba niya. Kapag naririto ang lalaki minamalas siya. Kaya naman bitbit ang payong at iba pa niyang gamit ay mabilis siyang tumakbo para maghanap ng masisilungan at para na rin makatakas mula sa lalaki.
Isang saradong café na may maliit na patio ang nakita niya. Maaari siyang sumilong doon kaya naman doon siya pansamantalang tumayo para sana magpatila ng ulan. Ngunit sa pagkagulat niya, nakasunod parin pala ang lasing na lalaki sa kanya na ngayon ay basa na sa ulan.
"Huwag kang—"
"Why do you have this?" putol nito sa kanya bago pa man siya makapagsalita. Noong una, hindi niya alam kung anong tinutukoy nito, ngunit nang ganap nang makalapit ang lalaki ay nakita niya ang hawak nito.
Ang litrato ni Park Joon Young.
"Why do you have this?" ulit nito sa kanya. Nakatitig ito sa paraan na tila ba hindi sya nito pakakawalan hangga't hindi nito naririnig ang sagot niya.
"H-hinahanap ko siya," sagot niya habang nakatitig din dito. And that is when she saw subtle changes in his expression. Subtle lamang iyon dahil hinding hindi iyon mahahalata dahil sobrang bilis lamang niyong dumaan sa mukha ng lalaki.
Noon parang biglang may "eureka moment "na pumasok sa isip ni Julia. "Bakit, kilala mo ba siya?"
Tinitigan siya nito na tila ba tinatantya nito ang sasabihin sa kanya. Tuloy, tumaas ang expectation niya sa sasabihin nito para lamang muling bumaba iyon nang sumagot na ito sa kanya.
"I don't know him, but I think I know where this is."
"I'M SORRY, JULIA. Jinjja mianhe," paulit ulit na paghingi ng paumahin ni So Mi kay Julia matapos nitong makipag-usap sa telepono. Which turned out to be her boss. Paalis na silang dalawa ni So Mi—nakabihis at bitbit na nila ang mga bag nila—papunta sa Hongcheon nang biglang may tumawag dito.
After talking to her boss several minutes later, sinabi nitong kailangang manatili ng kaibigan niya sa Seoul dahil naaaksidente ang kapalitan nitong part timer sa pinagtatrabuhan nito at walang ibang maaaring pumalit dito kundi si So Mi.
Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin dahil inaanticipate nilang parehas ang lakad na ito para sa kanyang misyon. She couldn't say "it's okay," because to be honest, she didn't want to go to Hongcheon alone dahil ayaw na niyang mangyari ang pagkakaligaw niyang muli—kagaya ng nangyari kagabi.
Pero alam din niyang hindi niya maaring ipilit kay So Mi na umalis gayong priority nito ang trabaho nito. Isa pa, dagdag din iyon sa maaring kitain nito sa trabaho. Hindi niya maidemand dito na samahan parin siya nito dahil siya lamang ang nakikisuyo dito.
"Julia, I know how important this for you. I'll make a way at work so I can still accompany you to Hongcheon... I'm really sorry—"
"No, So Min, it's all right," aniya sa kaibigan. "Don't say sorry. You're already doing me a huge favour by letting me stay here. Work is priority. I can wait. Pwede naman nating ipagpaliban ang pagpunta sa Hongcheon."
"Jinjja ashipda," nanghihinyang na sabi ni So Mi saka nito hinawakan ang kamay niya. "Let's postpone looking for Park Joon Young for today, huh? Let's find a way for us to go—"
"I'm here."
Biglang natigilan si So Mi sa pagsasalita saka ito tumingin sa kung sino man ang nasa likod niya. Julia, on the other hand didn't even need to look to know who the person behind her is. Kagaya kahapon, nakilala agad niya ang boses na iyon.
Ang lalaking lasing.
YOU ARE READING
JOON YOUNG'S LOVE SONG [COMPLETE]
Fiksi Penggemar• "I think, I like you." "You can't Ramen Lady. I told you, I only love myself." "I know, that's why I like you more." Julia is on a self-imposed mission impossible in South Korea-ang gawin ang last wish ng fiancé ng mommy niya: ang hanapin ang e...