"SO, YOU'RE saying na hindi mo na itutuloy ang plano mo?" sabi ni Ju Hyeok sa kanya matapos niyang ikwento dito ang mga nalaman niya. Masyadong gulong gulo si Joon Young at sa mga ganoong pagkakataon, isang tao lamang ang palagi ay sa tingin niya makakatulong sa kanya—it was Ju Hyeok. He was the closest to him despite their age gap. Sa banda kasi, ito ang pinakamatanda sa kanila.
"I don't know..." Litong sabi niya dito. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa plano niya pero isang bagay lamang ang sigurado niya. "I still want my father to feel the betrayal I felt back then."
"Pero ayaw mong madamay si Julia...your soon to be sister?"
"Ah, jjajeungna." he cursed under his breath. Bakit ba kinakailangang ipaalala pa iyon ni Ju Hyeok sa kanya? "she's not gonna be my sister."
Ju Hyeok laughed from the other line. "You sound so different, Joon Young-a, do you know that?"
"What?"
"Kung hindi ko lang alam na ginagamit mo si Julia for revenge, I might think you starting to act crazy because of her."
Natigilan siya sa narinig mula sa kaibigan ngunit mabilis din siyang nakabawi. "I am not acting crazy. Isa pa I will never ever let any woman make me act crazy, you should know that very well about me."
"na arayo," sagot ni Ju Hyeok sa kanya na ang ibig sabihin ay naiintindihan nito ang sinasabi niya. "Kaya nga alam kong hindi ka ganyan. You don't care about other people Joon Young-a but that woman a made you little less selfless within just few days."
"Aish, jinjja," naiinis na binaba niya ang tawag matapos niyang marinig ang tila nakakalokong tawa ni Ju Hyeok mula sa kabilang linya.
Bumuntong hininga siya. He didn't sleep a wink last night thinking about things—masyadong marami ang "things" na iyon pero iisang partikular na tao lamang ang naroroon sa bawat isipin niyang iyon.
And that one person is looking at him right now. "neo wae nahante ileohge hae?" Frustrated na tanong niya sa dalaga, ngunit mas tama yatang sabihin na para iyon sa sarili niya. Tell me, Julia. Why are you doing this to me?
"Is that how you say 'good morning' in Korean?" inosenteng tanong nito sa kanya. Frustrated si Joon Young pero parang gusto niyang mapangiti sa tanong nito. He stood up from the porch and walked up to her.
Hinawakan niya ang baba nito at muli naramdaman niya ang kagustuhang halikan ito, ngunit pinigilan niya ang sarili. He should stop doing such things because it's bad—for him and for Julia.
"Jo-eun achim," sagot niya dito. "That's good morning for you, uri Ramen Lady."
"Jo-eun achim," ulit ni Julia sa sinabi niya. "Alam mo, gusto kong matuto mag-Korean para naman hindi ako clueless sa mga pinagsasabi mo. Mas gusto kitang maintindihan."
"Ako rin, gusto kong maintindihan ang sarili ko," makahulagang sabi niya bago binitawan ang dalaga at pumasok sa kanyang kwarto.
BUMALIK si Julia at Andrew sa lugar kung saan kinunan ang litrato ni Park Joon Young. Nakausap nilang dalawa kahapon ang matanda sa isang tindahan at tinanong siya ng binata kung gusto rin ba nilang kausapin ang may-ari ng dating flower shop.
Ngunit umiling siya. "Parang gusto ko lang maglakad-lakad dito," sabi niya.
"Why?"
"Gusto ko lang daanan yung mga daan na baka dinaanan ni Joon Young...the younger Joon Young. Parang gusto kong maramdaman kung anuman ang naramdaman niya noon habang nandito siya."
Tiningnan siya ni Andrew na tila ba nag-iisip ito ng sasabihin sa kanya ngunit sa huli ay tumango lamang ito. Since this morning, nakikita na niya ang ekspresyong iyon sa mukha ng lalaki—parang may gusto itong sabihin ngunit sa huli, wala naman siyang maririnig dito. Or, if he talks, it was like some kind of a puzzle she didn't knew existed.
Naglakad sila mula sa poste na kanilang kinatatayuan. Hindi niya alam kung saan papunta ang daan na ito, at siguradong maging si Andrew ay ganoon din, ngunit parang pareho silang walang paki-alam. Walking side by side like this felt... okay.
Ngunit mas magiging masaya siguro siya kung hahawakan ng binata ang kamay niya kagaya ng ginawa nito buong araw kahapon. Pero hindi niya maaring sabihin iyon dito kaya naman nagkasya nalang siya na maglakad silang magkatabi.
"When I was a kid, my father taught me how to ride a bike in this street..." pagbubukas ng binata ng usapan, dahilan para mapalingon siya dito. "Dito sa street na ito?"
"I meant a street like this. Parang ganito rin ang itsura ng home town ko."
Tumango siya. "What's your childhood like?"
Matagal bago sumagot si Joon Young sa kanya pero nang magsalita ito, naramdaman niya bigla ang bigat sa boses nito. "I think I had a happy childhood."
"Talaga? Bakit "I think" lang?"
"I can vaguely remember anything now," anito sa kanya. "But I remember that weekends and my birthdays are happy because my mother and father was there." Bumuntong hininga ito. "There were cakes, toys and things that every kid wanted. Hindi ko kalian man naramdaman na mag-isa ako noong bata ako."
Naunang maglakad si Andrew sa kanya, dahilan para mas mahina ngunit malinaw niyang narinig ang huli nitong sinabi. "Unlike now."
Sinundan niya ang binata. "You're not, Andrew."
"Ano?"
"hindi ka mag-isa. I'm here." Hindi niya alam kung anong ibig sabihin ni Andrew sa huli nitong sinabi at maaring hindi rin niya alam ang buong kwento nito, pero alam niya ang nararamdaman niya ngayon. Ayaw niyang isipin na mag-isa ito. "You're not alone, because I'm here. Alam ko kung paano at ano ang pakiramdam ng mag-isa at masasabi ko lamang ay hindi kita hahayaan na maramdaman iyon." She smiled at him reassuringly.
Andrew didn't answer for a few minutes, but then she was surprised when he suddenly held her hand and clasped their fingers together.
"Gusto ko ring maramdaman mo iyon," narinig niyang sabi nito sa kanya. "You'll never walk alone Julia." They stopped walking and he looked at her. "yakseok."
"Ha?"
He smiled at her. "It's a promise," he said. "You never have to walk alone now."
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi alam ni Andrew kung paanong ang iilang salitang sinabi nito sa kanya ay parang kumot na nagbigay ng init sa kanyang puso. Growing up in an orphanage made her get used to being alone. Palaging sinasabi sa kanila noon na may darating para sa kanila, ngunit nasanay na silang mag-isa. When mommy Melissa came for her, naramdaman niyang hindi siya nag-iisa.
Pero sa pagkakataong ito, ibang klaseng pangako ang binitiwan ni Andrew sa kanya. Hindi lamang ang pagkatao niya ang pinangangakuan nito. He made a promise to her heart and she felt his sincerity with the words he said that she couldn't help but have tears in her eyes.
"Neo wae oreoyo?" Andrew enclosed her face in his hands. Parang lalo tuloy hindi niya napigilan ang maiyak dahil sa ginawa nito. "Bakit ka umiiyak?"
"Dahil hindi ko maintindihan ang sinabi mo," natatawang sabi niya dito.
Andrew chuckled and held her close. Niyakap niya ang binata at muli niyang idinatay ang kanyang ulo sa dibdib nito—sa parte kung saan maririnig niya ang tibok ng puso nito. She felt him kissed her head and she closed her eyes.
Naniniwala siya dito.
Naniniwala siya sa pangako nitong hindi na siya muling maglalakad nang mag-isa.
Naniniwala siya kay Andrew ng buong puso.
YOU ARE READING
JOON YOUNG'S LOVE SONG [COMPLETE]
Фанфик• "I think, I like you." "You can't Ramen Lady. I told you, I only love myself." "I know, that's why I like you more." Julia is on a self-imposed mission impossible in South Korea-ang gawin ang last wish ng fiancé ng mommy niya: ang hanapin ang e...