Weeks later...
"SAAN TAYO pupunta?" Nagtatakang tanong ni Julia kay Joon Young nang bigla siya nitong hilahin mula sa pagkakaupo niya sa harap ng stage. Nasa kalagitnaan siya ng panunuod ng concert ng Love Drug nang bigla itong tumayo sa harap niya at kinuha ang kamay niya. Nag-eenjoy siya sa panunuod ng banda kahit iilang salita lamang ang naiintindihan niya dahil alam niyang si Joon Young ang sumulat ng mga kantang iyon.
She met the whole band weeks ago. Ipinakilala siya ni Joon Young sa mga taong nakapaligid dito nakita niyang muli ang ibang side nito na hindi pa niya nakikita noon. He brought her to different places in Korea too. At sa bawat bagay at lugar na puntahan nila, buong pusong nagku-kwento ang binata. He'd tell her anecdotes of his life, as if wanting her to know every part of him. And she gladly listened to everything—to him, because she wanted to know every part of him. She wanted to love every part of him.
Nalaman niyang may knack sa pagsu-surprise ang binata, kagaya nalang ngayon. People around her started staring at them, but it seemed like he doesn't mind. Napasin niyang bigla ring may nakatutok na camera sa kanila at nagflash sila sa malaking LCD sa stage.
But Joon Young just held her hand and guided her towards the backstage. Narinig niyang nagsalita ang main vocalist ng banda na Jong Min, ngunit hindi niya naintindihan iyon dahil salita iyong Koreano. Ngunit pagkatapos niyon ay sunod naman niyang narinig nag makalas na hiyawan ng mga tao kasabay ng pagsigaw ng pangalan ni Andrew (He was known as Andrew for Love Drug's fans). May palagay siyang tungkol sa kanila ang sinabi nito.
Nadaanan nila ang CEO ng agency nito na si Kim Jun Ho at ngumiti ito sa kanilang dalawa. Tapos ay sinalubong sila ni Defconn, ang manager ng banda saka may inabot kay Joon Young—susi iyon. "Fighting," he said to the both of them.
"Hindi ba natin tatapusin ang concert?" muli ay tanong niya kay Joon Young nang makita nyang palabas na sila ng stadium.
"May hinahabol tayo," sabi nito sa kanya. Dumiretso sila sa sasakyan nito at sumakay doon. Joon Young started driving away from the stadium. Hindi na siya nagtanong at hinayaan na lamang niya ang binata.
Mayamaya ay huminto sila sa harap ng isang park. They were looking over the Han River. Gabi na ngunit hindi madilim ang lugar na iyon dahil maraming makukulay na ilaw sa na nagmumula sa mga establishimento.
"Ja," Binuksan ni Joon Youngang radyo saka tumingin sa suot nitog pambisig na relo. "kkidaryeo."
Kumunot ang noo niya sa sinabi nitong maghintay siya. Tiningnan ang binata. Anong kailangan niyang hintayin dito? But as it turns out, hindi naman pala kinakailangang ng matagal dahil pumailanlang mula sa radyo ang boses ni Joon Young.
Nagtatanong na tiningnan niya ito ngunit sa halip na sumagot ay hinawakan lamang ng binata ang kamay niya.
"Annyeong hasaeyo, yeorobun," anang boses ng binata mula sa radyo. "oneul, jiggeum Love Drug concert-heayo. Jongmal manhi kamansahamnida." He then proceeded to say a lot more, pero hindi na kaya ng komprehensiyon niyang intindihin iyon. Pero maya maya ay biglang nag-Tagalog si Joon Young.
"Kung nagawa ko lahat nasa plano ko, kasama na dapat kita ngayon habang pinakikinggan ito, Julia." Napakagat labi siya at hindi niya inalis ang tingin sa binata. He was smiling too as if saying he did a great job.
"You might be wondering why we're here at the moment and listening to me speaking—kung katabi mo lang naman ako. But I wanted to share this special moment with you. Kaya habang lahat ng fans ng Love Drug ay abala sa concert, we'll be releasing our new song right now—at ikaw ang unang makakarinig nito dahil ikaw ang inspirasyon ng kantang ito, my Ramen Lady."
YOU ARE READING
JOON YOUNG'S LOVE SONG [COMPLETE]
Fanfiction• "I think, I like you." "You can't Ramen Lady. I told you, I only love myself." "I know, that's why I like you more." Julia is on a self-imposed mission impossible in South Korea-ang gawin ang last wish ng fiancé ng mommy niya: ang hanapin ang e...