"Kahit may problema, wag kalimutan maging masaya"
Mahilig sa mga couple stories sa facebook, mahilig sa mga sweet and nakaka-kilig na love story sa youtube. Yan, tas kapag nagustuhan nya yung story share nya tas ang caption "Ang sweet nila" mga gnyang bagay ba. Mahilig din mag basa ng kung anu anong topic sa fb may mapaglibangan lang :D comment dito, comment jan, dun lang umiikot ang buhay nya noong mag-isa sya [noong wala pa si papaTOT :D ]
Yan si Myre, o mas kilala sa tawag na "Mai" sa kanilang tahanan. Minsan tinatawag din syang baby girl ni Nanay Bry nya. Pang-3 sa 4 na magkakapatid, Ang pronunciation po pala ng pangalan nya ay "Meeeeer" hindi "Mayr" , nung una, akala ko "Mayr" tas "Meeeer" naman pala. Balik tayo sa topic :D , minsan tawag din saknya ay Mamai, lalo na ng mga kaibigan nya :)
She's from the province of Leyte, Sya ay graduate ng Northern Leyte College, ang kinahiligan nya noon ay pageant (wow, diba byuti kwin ang peg nyo) Kung madadalaw kayo sa FB nya, may mga Throwbak pic sya dun na noong mga panahon na rumarampa pa sya sa entablado, Proud na iharap ang kagandahan sa madla :)
After graduation, nag-decide sila na mag-migrate sa Hawaii :) Then, nag-start na sya mag-work at tumulong sa kanyang kapatid na naiwan dito sa Pilipinas.
Ang gusto nyang Course ay Culinary kasi naman, mahilig talaga syang magluto, Yung feeling na nagiimbento sya ng dinner nila, ganun, magluluto sya nang kung anu anong pagkaen :D , galing MamaTOT ko noh :D
Aside from cooking and working, magaling din syang umawit, actually sya ay may tungkulin na mang-aawit. Kapag mataas nga yung nota e sabi ko "Ma, ang taas naman ng mga bagong awit, hindi ko maabot" tas ang sasabihin nya "Mataas ba? di naman a" dba? magaling na umaawit, magaling pa mang-asar :D
Mula noong nakilala ko sya, hindi ako nakaramdam ng sobrang kalungkutan na galing sknya, kasi lagi syang nakangit, lagi syang masaya, parang walang problema, minsan nga tinanong ko e "TOT, hindi kaba nakakaranas ng kaunting problema?" sagot nya "Kahit may problema ka, wag mong kalimutan ang maging masaya" . Napaka-simpleng sagot pero, tama nga naman, kahit anong klaseng pagsubok ang dumating sa ating buhay, Maging masaya ka lang :)
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pasensya na kung ngayon lang nakagawa ng kasunod na chapter/page ang "My Hawaaiian girl" nagkasakit po kasi ako at gumagawa din kami ng thesis namin :D ngayon lang nagkaroon ng time :D
BINABASA MO ANG
My Hawaiian Girl
Teen Fiction"The story of the two persons who fell in love with each other in unexpected time.A kind of relationship that will test their trust and I loyalty to each other" - Myre