Chapter 13

12 0 0
                                    

Vanz POV

Ilang araw na ang nakalipas simula ng mangyari yung tungkol sa migraine ko. So far, naging close na kami ng tropa ni Edhard. Don't get me wrong mga dude, close kami ng tropa niya. Kaming dalawa ni Edhard? Ewan. Minsan ok. Minsan hindi.

Teka, ba't ko nga ba siya kinukuwento sa inyo.  Aish.

Andito kaming apat sa cafeteria dahil break time namin. Ganito naman kasi talaga pag college, maraming free time. Nagmemeryenda kaming apat at nagkukwentuhan. Medyo nasanay na rin ako sa mga sinusuot ko na pambabae. Dito sa school pang babae, pagdating sa bahay.. alam na. Simpleng blouse na blue at tattered jeans at boots na black. Hindi ko na nilugay ang buhok ko. Pinusod ko na lang. Ang init kaya tsaka hindi ako nag make-up at pulbo na lang. Kaya ayaw na ayaw kong mag-ayos pambabae eh, kasi andaming arte.

"Alam mo Vanz, bagay yang blouse mo kasi fit siya. Mas nakikita yung purma ng katawan mo kaso mas bagay talaga yung kinuha ko kanina sa closet mo na red na off-shoulder blouse." Ang sabi ni Monica habang kumakain ng pizza. Tsk. Sabi na nga ba. Yung suot ko na naman ang issue kay Monica. Sa lahat siya ang pinaka conscious sa mga damit.

"Oo nga tapos ma-make-upan kita. Right girls? Pero ganda mo na simple ka lang. Simple lang din naman kami ah." Dagdag ni Kamryn at sumipsip sa drink niya.

"Aggh! Simple? Kayo simple? Are you kidding me? " pang-aasar ko sa kanila. Pero totoo naman kasi talaga, simple lang din naman sila kung ihahambing sa ibang estudyante. Pero sa normal na estudyante? Not really. Ang sosyal ng mga to eh.

"Kontra agad Vanz? Grabe ka naman. Simple na talaga kami ah. Hindi na marami yung mga jewelries namin tsaka light na yung make-up." Pagdadrama ni Aika na nakabusangot kunwari ang mukha.

"Ewan ko sa inyo." Tanging sagot ko habang nilalantakan ko ang pizza ko.

It's almost 2 weeks na ang pagsuot ko ng pambabaeng damit. Grr. Akalain mo yun, tuwang-tuwa sila mama at papa dahil sa wakas babae na daw ako. Loko talaga. Si mama nagpaplano ng mag-order ng mga damit sa pinsan ko na designer sa Europe. Ang bilis talaga ng balita. Agad akong tinawagan ng dalawang kapatid ko na lalaki ng malaman nila ang balita tungkol sakin. Tama kayo ng basa, kapatid na mga lalaki, kaya boyish ako dahil nag-iisang anak lang ako na babae.

Napapatingin pa din sakin ang mga estudyante. Hindi parin sila sanay na makita akong ganito. I don't care about them. Tahimik lang kaming kumakain ng may dumating na mga lalaki sa mesa namin.

"Pashare ng mesa ha." Sabi ni Ryan na tumabi kay Monica. Tumango si Monica na halatang nagulat. Hm.

Yung mesa kasing pinuwestuhan namin eh pang tropa. Yung tipong mahabang mesa. Mas trip namin dito eh.

"Hala dumideskarte na si Ryan, ano plano Jake? Haha! Hoy Ryan alis ka diyan! Dito ka tumabi samin. Para-paraan ka din eh." Kantiyaw ni JC kay Ryan. Si Jake hindi pinansin si JC. Ang kulit talaga ng lahi nitong JC na to eh.

"Hey BG! Hinay-hinay lang sa pagkain, baka tumaba ka." Sabi ni Edhard na nakangisi habang nakaupo kaharap ko. Kaming mga babae nakaupo dito sa left side at sila naman ay sa right side.

"Ako tataba? Nagpapatawa ka ba? Laging naka work-out to tol. Baka ikaw ang maghinay-hinay CB kasi parang napapansin kong may bilbil ka na. Haha!" Sagot ko naman na ang intensiyon eh pang-aasar. Ganito kami lagi eh. Nagbabangayan.

"Tahimik na tayo kasi may LQ na naman." Ang parinig ni Aika. Nagtawanan sila at natahimik ng binalingan namin.

"Kami may LQ? Ano tawag niyo kina Kamryn at Jake?" Sabi ko kasi napansin ko na naman ang palaging ginagawa nila. Nadako ang atensiyon nila sa dalawa na nagpapalitang ng pag roll ng eyes.

"Alam ko na." Biglang sabi ni JC na agad kaming napatanong ng bakit. Napahinto ang dalawa sa ginagawa at napako ang atensiyon sa kay JC.

"EQ sila. Haha!" Confident niyang sagot. Loko tong taong to oh. Parang diaper lang.

"Parang diaper ah." Sagot ni Edhard. Nagsitawanan sila except kina Kamryn at Jake. Ewan ko ba sa dalawang to. Kapag magkasama eh palagi nalang hindi magkasundo. Parang kami lang. Ano daw? NVM.

"Tss." Tanging reaksiyon ni Jake habang tinitignan ng masama si JC.

"Enemies Quarrel? Nice" komento naman ni Ryan. Pinagtititigan nila kami ni Kamryn at Jake na kung nakakamatay lang ang tingin eh, malamang nakabulagta na kami dito.

Marami ng naiirita sa amin dahil sa kaingayang tanging kami lang ang nagkakaintindihan.

"Hay naku! Ang ingay na talaga dito. Dati-rati tatahimik lang ang iba diyan. Pero ngayon? Hm? Siya ata nagdala ng Noise pollution sa cafeteria na to." Biglang epal ng leader ng butiki girls. Do you remember her? Yung nasuntok ko sa ilong. Natahimik kami at nagpigil ng tawa.

"Mabuti nga Noise pollution lang ang nadulot niya no? Yung iba kasi diyan Ugliness pollution. Diba guys? Nakita ko nga nung nakaraang linggo parang nasira ata ang ilong. Nagpaggawa na naman ata. Pero this time, baka bakal na ang nilagay para hindi na masira." I grin when I let out those words. Well, it serves her right. Natawa ang lahat ng nasa cafeteria.

Hindi ko tinignan ang reaksiyon niya kasi nakatalikod ako sa kaniya. Mas naging maingay na ngayon ang cafeteria dahil pati mga waiter at chef ay napahalakhak ng malakas.

" Well, atleast ako kasi girls nagpapakatotoo lang. Yung iba kasi diyan nasa loob ang kulo." Parinig na nan ng butiki.

Ewan. Nakakapagod na talaga ang makipagsagutan sa tukong to. Nagngisihan lang kami sa table namin. Naghiyawan naman ang mga estudyante sa loob. Masagot nga to.

"Nasa loob ang kulo? Ano takure? Haha! Loko talaga oh. Actually pwedeng i-feature to sa magazine natin sa school yung iba dyan. Marami naman atang journalist dito and I'm sure the subject about sa retokadang babae is so interesting. Right guys?" Saad ko at tanong sa mga kasama ko.

Sasabat pa sana siya kaso nag ring na ang alarm as sign na next subject na. Dali-daling lumabas ang tuko kasama ang mga butiking galamay niya. Ang loser talaga.

Vacant parin naman namin. Nagkulitan na lang kami dito sa mesa namin. Medyo kaunti na lang naman ang naiwan na mga estudyante.

"Iba ka talaga Vanz ano? Ang tapang mo talaga. Babae ka ba talaga?" Curious na tanong ni JC. Loko talaga tong mokong na to.

"Babae ako. Gago!!!  Alangan naman puro lalaki ang nakasabayan kung lumaki. Puro lalaki mga kapatid ko. Haha!!" Ang sagot ko sa kaniya habang tumatawa.

"Ah, kaya pala. Edi mahihirapan sa susunod si Edhard na pumorma sayo sa susunod." Tugon naman ni Ryan. Habang si JC ay tumatango-tango lang.

"Shut up Ryan!! Loko ka! Huwag mo ko idamay sa trip mo!" Sigaw ni Edhard sabay batok kay Ryan.

Nagtawanan naman sina Aika. Natawa na lang din ako. Parang may mga saltik

Nag focus na lamang kami sa pagkain namin. Kami ni Edhard ang magkaharap sa mesa at habang kumakain ay napaangat naman ako ng tingin sa kaniya. Ganoon din siya.

*Tug!
*Tug!
*Tug!
*Tug!
*Tug!

Takte! Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Ano to, parang hindi ako makahinga. Letse parang nang-iinit ata pisngi ko. Nilalagnat ata ako. Tama! Nilalagnat ka lang Vanz. Huwag ng mag-isip ng iba.

(A/N: Hello readers!!! Ngayon lang ako nakabalik ulit. Btw, salamat sa patuloy na pagbasa niyo kahit antagal ko mag update. Thank you very much!! Siguro itutuloy ko to ang I hope you'll bear with this and please suggest po kayo ng pwede isingit dito sa story.

Please Vote and Comment!!!  Lovelots!!)

My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon