CHAPTER 63 "DAY 1"

2.9K 88 5
                                    


DEX'S POV

'Nako be, Ikaw na talaga. Ganda mo masyado'

Tinawagan ko kasi agad si Miles tungkol sa panliligaw sakin ni Dan. Syempre kahit naman malayo kami sa isat-isa ni Miles, Magkaibigan padin kami.

'Haha ewan ko nga ba kung bakit maraming nagkakagusto sakin' Biro ko kay Miles.

'Ay iba din, Bigla tuloy lumakas ang hangin' -Miles

'Haha Joke lang. Pero seryoso ako dapat ba na pumayag ako sa 7 days?'

'Kung ako sayo be, Push mo nayan wag kanang mag pa 7 days. Mukhang bet ka naman ni Dan atsaka diba matagal mo nayong Crush? Kaya go lang. Sino bang inaalala mo si Nathan, Remember magpinsan kayo kaya ekis ang love story nyo' -Miles

'Alam ko naman yon'

'So? Wala nang patumpik tumpik ka, Go na Team Crush!!!" -Miles

"Anong Team Crush?"

"Team Crush, Si Dan" -Miles

Haha Team Crush talaga, May Fan na agad si Dan haha.

This time maaga na ako nagising, Baka kasi marinig kona naman mag rap si mama mahirap na haha.

Kinuha kona yung Uniform ko at tuwalya para makaligo na ako.

Paglabas ko ng kwarto ay nag unat-unat pa ako with kasamang hikab, Pagdilat ko ay parang namalikmata ako. Nakita ko kasi si Dan kasama ni Mama.

"Dan anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ka" -Dan

"Ano? Kanina ka pa ba nandito?"

OMG nakakahiya yung mga pinaggagawa ko, Nakita lahat ni Dan huhu mukha pa naman ang ewan don.

"Oo anak kanina payan nandito, Ang aga nga nang manliligaw mo dumating eh" -Mama

Napalingon agad ako bigla kay Dan at pangisingisi pa sya. Bakit nya sinabi kay mama huhu.

"Ma anong manliligaw? Kaibigan kolang po yan"

"Tigilan mo nga ako Dex, Sinabi na sakin kanina ni Dan nagpaalam pa nga sya sakin. Diba Dan?" -Mama

"Ah eh opo Tita" -Dan

What!? Tita!!!!???? Close na agad sila ni mama???? Kanina lang sya pumunta close agad?

Wala nadin akong choice dahil mukhang sinabi ni Dan kay mama.

"Dex maligo kana nga, Ampangit mo nakakahiya naman dito kay Dan baka humanap nayan ng kapalit" -Mama

Wow? Pangit talaga? Grabe si Mama sakin. Kung pangit ako edi pangit din sya kasi nanay ko sya eh haha.

Lumapit ako kay Dan at hinila sya papunta sa may kusina, Baka kasi kung ano pa ang masabi ni mama.

"Dan pag pasensyahan mona si mama madaldal talaga yon"

"Haha okay lang, Ang Cute nga tingnan tita eh" -Dan

Wow cute? San banda? Baka kailangan na ni Dan mag salamin medyo malabo na ata ang paningin nya. Char!!

"Dan bakit mo nga pala ako naisipan sunduin?"

"Remember ngayon ang unang araw ko sa 7 days?" -Dan

Ay oo nga pala, Ngayon nga pala yon. Mukhang seryoso talaga si Dan sa panliligaw sakin.

"Sige, Antayin mo lang ako dyan. Maliligo na ako bibilisan ko Promise"

"Sige" -Dan

Nataranta tuloy ako bigla hindi ko naman kasi akalain na nandito si Dan, Plus baka kung ano ano pa ang sinabi ni mama kay Dan huhu.

KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon