NOTE: Pangalawang gawa ko na ito at malayo sa nauna,nabura kasi kahit naka save na. Pahirapan na po talaga ako sa pag draft,kaya kung sino may N70 o 6630 dyan na hindi ginagamit ay akin na lang po :D itong 6630 ko kasi ay talagang bumigay na,tyagaan bago mag power on at biglang namamatay :(
btw,enjoy reading po! XD
==================
Kpop Idol!
.
.
CHASTY --
"I was twenty years old then ng magtrabaho ako dito sa Korea,sa isang maliit na printing company. Regular customer ang tatay mo. Nanligaw sya sa akin,I fell inlove with him. Naging kami,and after two years ay nagpakasal. Nung 3 years old na si Chase,at 10 months old baby ka palang ay umuwi kami ng Pinas para dalawin ang mga magulang ko. Lahat dun ay nagustuhan kayong magkapatid." panimula nya. Nanatili akong nakasandal sa headboard ng kama at nakikinig.
"Masaya ang lahat nun dahil nagpa-party ang tatay niyo. Kaso nga nung umaga na,nawala ka na. Pagpunta namin sa kwarto nyo ni Chase ay iyak sya ng iyak,akala daw nya ay panaginip lang nya na may kumuha sayo." ang malungkot nyang pagpapatuloy.
Kung ganun,ninakaw ako? Paano ako napunta kay Tatay? Sino yung inakala naming Nanay ko?
"Sino po ang nagdala sa akin sa kinalakihan kong ama?" ang pag butt in ko sa kanya. Gusto ko kasing maging malinaw sa akin ang lahat.
"Yun nga. Pinahanap ka namin,maging kami mismo ay hinanap ka. Pero ang hirap mong hanapin dahil sadyang itinago ka sa amin. Isang taon ako nun sa Pilipinas. Hanggang sa nawalan na ako ng pag asa. Pero ipinangako ko sa sarili kong magkikita pa tayo. Mula nun ay nag iba na ang takbo ng buhay namin." anito at pinahid ang luhang tumulo,gusto ko sanang ako ang gumawa pero nahihiya ako.
"Akala po ng nagpalaki sa akin ay naanakan ng Koreano yung nanay ko." ang sabi ko naman. Tinitigan nya ako at hinawakan ang mga kamay.
"We found out na isa sa mga katulong ang kumuha sayo. Gusto ka daw ibenta,pero hindi na namin sya na trace. At last year,nalaman naming namatay sya sa aksidente,ni hindi man lang namin nakausap at nalaman kung saan ka nya dinala."
"Ibig pong sabihin ay hindi ako naibenta,iniwan lang po ako. Pero bakit po ganun pa din ang pangalan ko? Saka nag iwan po ng address at contact number." ang sabi ko naman. Pakiramdam ko,unti unti ng nasasapalan ang mga butas sa buhay ko,dahan dahan ng nabubuo.
"Dahil yun naman talaga ang pangalan mo. Yung contact number at address sinadya nya sigurong iwan para paglaki mo ay ikaw mismo ang tumuklas."
"Siguro nga po." ani ko at naalala ko yung dati kong buhay,ang pag asa ko na yun ang tunay kong ina,yung mga ginawa ni Tatay. Pero ang lahat ng iyon ay wala na,dahil nandito na ako at kasama ko na ang tunay kong pamilya.
"Pero,paano nyo po nalaman na ako ito? Na ako ang nawawala nyong anak?"
"Nang iligtas mo si Chael at madala ka sa ospital ay nagulat ang tatay nyo dahil kamukha mo si Chase. Kinutuban na sya kaya agad syang kumuha ng impormasyon sa kaibigan mong si Exian. At hindi nga sya nagkamali." aniya,tumayo at pinahid ang mga luha. "Tara na,hinihintay na nila tayo." inalalayan nya akong maka upo sa wheelchair.
Naiyak ako. Finally,buong buo na ako. Parang isang puzzle na napakahirap buuin at ng mabuo na ay hindi matawaran ang kasiyahan. Buong buhay ko ay namuhay ako sa sakit at lungkot,si Keyven at ang tropa ang nagpaliwanag sa buhay ko. Pero ngayon,kapiling ko na ang pamilya ko,worth it ang lahat ng paghihirap ko.
"S-salamat po,M-ma." ang nahihiya kong sabi ng maiupo nya ako sa wheelchair. Hindi ko kasi alam pano sya i-a-address.
Tumigil sya at tinitigan ako,saka ngumiti ng pagkatamis tamis. "Ang sarap sa pakiramdam."
BINABASA MO ANG
Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED!
Genel KurguLumaki si Keyven Montenegro sa isang pamilya/clan na open sa same sex relationship. Nasaksihan nya ang mga ito habang lumalaki sya at hindi nya maintindihan kung bakit ganon. Kaya pinangako at isinumpa nyang hindi gagaya sa mga tito nya na pumatol s...