CHAPTER 39

1.6K 40 3
                                    

CHAPTER 39

AUTHOR'S POV

Nakatayo si Amanda sa ilalim ng shower habang binabasa ng tubig ang buo niyang katawan, hindi pa din siya makapaniwala sa sinabi ni Aniel.


Pinakita nito sa kanya ang mga papeles ng mga ari ariang iniwan sa kanya ng ama niya, hindi siya makapaniwala sa dami non. Feeling niya ay isa na siyang instant milyonarya dahil dun.Pero wala siyang pakialam sa yaman ng ama niya, hindi iyon ang iniisip niya kundi ang galit sa kanya ni Aniel. Kanina ay pinermahan na niya ang contract, gusto niyang bumawi. Gusto niyang maalis ang galit sa kanya nito.


Ang sabi naman ni Aniel ang pagpirma niya dito ay para magalaw na ang mga bank accounts na iniwan sa kanya, gusto niyang ibigay ng lahat ng iyon kay Aniel dahil sa tingin niya ay mas nararapat ito sa binata.


Nagtapos siya ng tuwalya pagkatapos niyang maligo, paglabas niya sa banyo ay nakita niya agad si Aniel na nakaupo sa kama habang hawak hawak nito ang kanyang cellphone, napabaling ito sa kanya.


"Suotin mo muna tong damit ko tapos bumaba kana, kakain na tayo." Matapos sabihin iyon ay tumayo na ito at walang lingong lingon na lumabas ng kwarto.


"Cold guy indeed." Sabi ni Amanda bago maglakad palapit sa kama, sinuot niya ang boxer na nandun pati na ang malaki nitong tshirt.


Nang makakita siya ng suklay ay kinuha niya iyon bago lumabas ng kwarto, habang pababa ay sinusuklay niya ang basa niyang buhok.


Nasa living room palang siya ay naaamoy na niya ang mabangong amoy ng kung anong niluto ni Aniel, bigla niyang naramdaman ang tyan niyang kumulo.


Pagpasok niya sa dining area ay nakahain na ang lahat at nag-uumpisa na ding kumain ang binata, napairap nalang si Amanda. Talagang kumain ito ng hindi siya hinihintay.


Nakasimangot na umupo siya sa pwesto kung saan may nakahanda ng plato, nagsandok ng pagkain at sinimulang kumain. Tahimik lang silang dalawa, walang nagsasalita at walang kumikibo.


Umangat siya ng tingin sa binata na tahimik lang kumakain, binitawan niya ang hawak na mga kubyertos at sumandal sa upuan.


"Aniel."


Napahinto ito sa pagkain at sumulyap sa kanya, nakakunot ang noo nitong tumingin kay Amanda.


"K-kung ibibigay ko ba sayo lahat, mawawala na yung galit mo sa akin?" Lalong nalukot ang noo ng binata, napakagat ng labi si Amanda. Nagmumukha na siyang desperada.


"Dapat lang na ibigay mo sa akin ang lahat, even you. You will give yourself to me Amanda, sa akin kana ng pumirma ka."


Tinapunan lang siya nito ng tingin at nag-umpisa na ulit na kumain, napabuntong hininga nalang si Amanda. Nawalan na siya ng ganang kumain.


"I'm done."


Tumayo siya at naglakad papunta sa living room, ng makaupo siya sa magarang sofa ay nilibot niya ng tingin ang buong lugar. Sa kanya ang lahat ng nakikita niya pero bakit wala naman siyang nararamdaman na pagkasaya?

Fuckgirl SQUAD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon