CHAPTER 2
Tagalog quotes
-----------------------------------------------------------------------------------------------------
- Tandaan mo na puso ang umiibig, hindi mata. Kapag mata, landi ang tawag jan.
- Aminin mo, hindi naman kayo. Pero kapag may kasama siyang iba, naiinis ka.
- Napatawad na kita pero hindi ibig sabihin nun, pagkakatiwalaan kita ulit.
- Sobra ka lang kasi kung mag care, kaya sobrang nasasaktan ka.
- Magkasama nga kayo pero parang wala lang. Walang kilig factor.
- Kapag nagmamahal ka, wag kang sumuko hindi ka kriminal, nagmamahal ka lang.
- Hindi ako sanay na pinipilit ko yung sarili ko sa isang taong hindi naman ako gusto.
- Minsan kahit ano pa ang gawin mo para lang mapasaya ang isang tao, hindi mo pa rin magawa. Bakit? Simple lang, hindi ikaw ang kailangan niya.
- Paano kung gusto pala talaga natin ang isa't isa, pero pareho lang tayong nag-iisip na hanggang friends lang tayong dalawa?
- Hindi porket sexy ka, maganda ka na. Eh siya, chubby nga, bawing bawi naman sa mukha.
- Nakakainlove yung taong gagawin lahat mapangiti ka lang.
- Madaling tumawa pero mahirap maging masaya.
- Maganda ka, malandi siya. Suko na friend. Talo ka.
- Mahirap maging honest. Hindi dahil sa gusto mo lang magtago, kundi dahil baka pag sinabi mo yung bagay na yon, makasakit ka.
- Minsan, yung mga bagay na gusto mong mangyari, hanggang imagination nalang.
- Hindi lahat ng taong nagpapakatanga sa pag-ibig, nagtatagumpay.
- Ang effort, pinaparamdam. Hindi isinusumbat.
- Minsan, kahit alam nating MALI, gagawin pa rin natin. Kasi minsan, sa mga MALING bagay lang tayo sumasaya.
- Ang sorry ay para sa mga bagay na hindi sinasadya, at hindi sa mga bagay na paulit-ulit na ginagawa.
- Pag gusto ka, ayaw mo. Pero pag ikaw may gusto, pinagdadamot sayo ng mundo.
YOU ARE READING
Quotes and everything ❤
HumorALL IN ONE. QUOTES FOR EVERYBODY. ANYTHING THAT EVERYONE WANTS TO READ.