PROLOGUE

1.4K 36 4
                                    

Ang SWERTE ko daw kasi girlfriend ko siya. Ang SWERTE ko daw kasi maganda siya. Ang SWERTE ko daw kasi mayaman siya. Ang SWERTE ko daw kasi sikat siya.
At higit sa lahat, ang SWERTE ko daw kasi artista siya.

Swerte. Swerte. Swerte. Swerte. Swerte. Oo Swerte ako kasi nga GIRLFRIEND ko siya. Bukod sa maganda, mayaman, at sikat, ang GIRLFRIEND ko ay isang ARTISTA.

Siguro akala niyo PERFECT ang lahat kasi nga GIRLFRIEND ko siya. Pero nagkakamali kayo. Sobrang hirap kaya maging girlfriend ang isang artista.


Pupuntahan ko siya sa shooting place nila tapos alalay ang dating ko dun kasi ako ang taga bitbit ng gamit niya. Nandun yung mga damit nya para sa photoshoot and pictorials, isama mo pa yung makeup kit nya na punong-puno ng makeup. May personal assistant siya dati pero nagresign kaya ako nalang ang nagrequest na maging personal assistant niya para kahit dun manlang eh makita at makasama ko siya ng matagal. What a supportive boyfriend I am diba. Ganun ko siya kamahal. Kahit magmuhka pa akong alalay kakayanin ko basta ba siya ang paglilingkuran ko. Minsan naman pag sobrang hectic ng schedule niya halos madaling araw na kung matapos ang shoot nila tapos ihahatid ko siya sa condo niya. Plus the fact na pagod na pagod siya kaya hindi din namin nabibigyan ng time ang isa't-isa.


Akala niyo ba sobrang dali magkaroon ng girlfriend na artista? Nakakaselos kaya! Lalo na pag sa role na siya ang leading lady tapos may leading man siya!


Alam niyo ba kung gaano kasakit sakin na makita ang girlfriend ko na nakikipagtitigan sa ibang lalake? Na makita siya na nakangiti sa ibang lalake? Masakit sakin yun kasi dapat sa akin lang yung mga titig at ngiti na yun! Madamot na kung madamot! Pero girlfriend ko siya eh! At ako ang boyfriend niya!

Tapos yung fact na mas matagal niyang nakakabonding yung mga kasama niya sa shoot keysa sakin. Although nakakabonding ko naman siya pag day-off niya, iba parin kasi yung feeling na halos araw gabi na kabonding ang taong pinakamamahal mo. At yun ang gusto kong maranasan.

Minsan nga nagagawi sa isip ko na mag artista nalang din ako para lagi ko siyang makasama eh. Maraming company ang nag-aalok sakin pero tinatanggihan ko. Hanggang modeling lang kasi ang trip ko. Hindi pa ko handang pumasok sa showbiz. Sa ngayon.

Pero di nga. Mag artista nalang kaya ako?

Sobrang gwapo ko kaya makakapasok agad ako sa mundo ng showbiz. Pwera biro. SOBRANG GWAPO ko talaga. Haha! Pero pag ako talaga naging artista, walang binatbat sa kagwapuhan ko yang mga yan. Lalo na yung Joseph Marco nayun! Grabe makakapit sa bewang ng girlfriend ko sa tuwing shooting nila! Ipakain ko kaya sa kanya yung pulang buhok niya! Muhka syang Trolls -___-

And this is where OUR story begin ..

I'm James Reid. I'm her boyfriend.
And I'm dating Nadine Lustre ..

Dating Nadine LustreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon