Dedicated po kay Ateee Keeem :)) Remember our past convos? Ikaw una kong naalala nung gusto kong i-share ang story na to eh XD Hehe. Alam kong maka-Lord ka rin kaya I want you to know about this :) Enjoy! :DD
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
I've Reached Heaven
"PRAYER is the best way to COMMUNICATE with GOD :)"
-------------
Ako si Emilia. May asawa at mga anak. At ngayon nga ay limang buwan buntis ako.
May trabaho ako. At ang pagbyabyahe sa iba't ibang lugar ay may kinalaman sa trabaho ko.
Ang asawa ko naman ay isang magbubukid. Oo, magbubukid. Pinalalago niya at pinagyayaman ang ilang ektaryang lupain na pagmamay-ari namin.
Isang araw na bagyong-bagyo, pauwi na ako sa aming munting tahanan. Ngunit sadyang napakalupit ng tadhanang sadyang nakaukit sa buhangin.
Nakasakay ako sa isang pampublikong sasakyan.
Hindi ko maiwasang tumingin sa bintana habang ang ulan at hangin mula sa labas ay mga nagkukumawala.
Nakakatakot. Nakakapangilabot. Sanay na naman ako sa pagbyabyahe ngunit bakit nataon pang ang langit ay napakasungit?
Inalis ko ang tingin sa labas ng bintana at itinuon ko ang pansin sa aking lumulobong tiyan.
Napangiti ako't hindi makapaniwala. Malapit ko nang isilang ang batang naririto sa aking sinapupunan. Hindi ako makapaghintay.
"Lumaki ka sanang malusog at masiyahin," bulong ko sa aking sarili habang hinihimas-himas ang kabilugan nito.
Mga ilang minuto'y namataan kong malapit na ako sa amin. Pumara ako at naglakad pauwi.
Puro putikan ang aking madadaanan. Ngunit ayos lang. Nang mamataan ko ang aming munting bahay kubo ay dali-dali ang aking mga hakbang na makarating sa aking patutunguhan. May mga pasalubong akong dala para sa aking mga anak at tiyak na sila'y matutuwa.
Nang makarating ako sa silong ng aming bahay ay agad na sinalubong ako ng mga anak kong kumikinang ang mata sa saya.
"Inaaaaaaaaay!!!" sabi ng mga batang talon ng talon sa katuwaan.
"Inaaay! May pasalubong po ba kayo para sa amin?" tanong agad ng mga paslit.
"Aba! Oo naman!"sabi kong natatawa pa at inaabot sa kanila ang ilang supot na aking dala-dala.
Habang pinagmamasdan ko ang mga nagkakatuwaang bata ay biglang humilab ang aking tyan.
Ang sakit! Sobrang sakit! Pero limang buwan palang naman ang tyan ko ah.
Imposibleng...
BINABASA MO ANG
Life After Death (One-Shot)
SpiritualDo you believe there's LIFE AFTER DEATH? written by Petchi. Mag-enjoy kayo! ^_____^ Asahan nyo pong walang romance to! Hehe! This is serious at TOTOO po itong lahat! :)