---
Calum's POV
"Pupunta ka na sa convenience store?"
Tango lang ang isinagot ko kay Ashton na kasalukuyang nagluluto ng spaghetti.
"Sigurado ka bang nandun sya ngayon?" tanong naman ni Luke.
"Oo naman." confident na sagot ko.
"Good luck Cal." sigaw ni Michael na hindi man lang tinanggal ang tingin sa nilalaro.
"Thanks Mike." palabas na ako ng pinto ng marinig ko ang pahabol nilang tatlo.
"Kaloy ang torpe mo!"
Naka-ngiting umiling na lang ako sa kakulitan nila.
---
Avery's POV
♪" Torn in two
And I know I shouldn't tell you
But I just can't stop thinking of you
Wherever you are
You
Wherever you are
Every night I almost call you
Just to say it always will be you
Wherever you are."♪
"Waaah! Na LSS na talaga ako sa kantang to!"
Di ko na alam kung ilang araw ko ng pinapakinggan ng paulit-ulit ang kantang Wherever You Are ng isang banda na kinalolokohan ng pinsan ko.
"Andi pwede mo bang patugtog sa radio nyo tong favorite kong kanta?" tanong ko sa crew ng convenience store kung nasaan ako ngayon.
"Sorry Ave hindi pwede mahigpit ang manager e."
"Aai, sayang naman." .°•°•(*^*)•°•°.
Tinignan ko ang oras sa phone ko.
3:00 am
Ano kayang pwedeng kong gawin habang naghihintay ng oras, yep isa akong call center agent..... Joke! Isang hamak na nocturnal na teenager lang ako na ginawang tambayan ang convenience store na to habang naghihintay ng oras ng pagtulog ko.
5:00 am ang oras ng pagtulog ko.
Gigising naman ako ng 2:00 pm para pumasok ng school.
Alam ko, weird diba? Sorry may insomnia e.
Kinuha ko na lang ang phone ko at nag browse sa Google,
Tinype ko yung: Wherever you are by
Para malaman ko kung sino yung kumanta hehe ^•^)v
Ayun.
Wherever you are by 5 seconds of summer
Hmmm. Matignan nga mga pictures nila.
Tofu naman ang bagal ng 3G -.-')
Kung kailan naman ako may ise-search dun pa mahina ung signal. Puro loading images lang nakikita ko. >.
Ang totoo nyan naging favorite ko yung kantang yun dahil sa pinsan kong baliw sa mga foreign band. Hiniram nya minsan tong phone ko para magdownload ng mga kanta, nagloloko kasi yung sa kanya, ang alam ko na delete na nya lahat pagkatapos nyang i-bluetooth sa isa nya pang phone na QWERTY pero may natira pa palang isa, yung Wherever you are nga na bigla nalang nagplay minsang naka-earphones ako. To cut the long story short na LSS ako. Ilang araw na ngang walang pahinga tong music player ko sa kaka replay.
BINABASA MO ANG
Meeting Calum Hood (Pinoy Fanfic)
FanfictionWala akong kaalam-alam na sya na pala ang dina-dramahan ko tungkol sa hindi naman nya nage-exist na problemang pampuso. -Avery.