Chapter 88- Misunderstanding?

249 4 0
                                    



Erica's POV

Hoy author, musta? Ilang taon kang di nag POV ahh? Anyare?

Joke lang author hahaha labyu.


Hindi parin ako makagetover sa mga nakaraang araw, hindi parin ako makatulog sa mga nangyayari, ikaw ba naman may magkagusto sayo na isang tarantado este talentadong tao na katulad ni Bernard Santilian, sa dami ng mga babaeng humahabol sa kanya bakit ako pa ang napili ka? Haixt nakakaloka.

Phone Ringing

"Sino naman ito?" pagtingin ko sa screen ay tumatawag si Martin.

"Hello? Martin"

"Hi Ekaii, kamusta ka?" –Martin

"Ayos lang naman"

"Ahhh mabuti naman, hmmm busy ka ba ngayon? Tara labas tayo" –Martin

"Ahhhh...eeeehh? Hindi ko pa alam ehh"

"Huh? Bakit hindi mo alam?" Arrrghhh, anong sasabihin ko? Pero teka teka Ekaii ahh, wala namang masama kung lalabas kayo ni Martin diba? Single naman ako ehh kaya I can do everything I want, strong independent woman kaya ako. Saka wala namang kami ni Bernard ehh, diba nga nireject ko muna siya para makapagfocus siya sa proleague.

"Ahhhmmm sige nga nga, pero huwag sa malayo ahh, saka pwedeng kasama si Nessan?" –Erica

"Huh?" –Martin

"Ohh bakit?" –Erica

"I mean wala, sige puntahan na lang kita mamaya" –Martin

"Sige, bye na" Binaba ko na ang phone ko after, haixt anu ba ito? Bakit ba nauutal ako kanina ahh, pati rin ba kay Martin? Arrrgggh naguguluhan ako na parang ewan ehh.

Mga bandang hapon ay pinapunta ko si Nessan sa bahay name, kasama ni Nessan si Rodney at mukhang hindi mabitawan ni Rodney si Nessan.

"Haba ng hair mo teh, mula dito hanggang sa bahay namin" –Nessan

"Heh"

"Kasi naman, may Bernard ka na may Martin ka pa" –Nessan

"Ehh bakit ikaw?"

"Don't change the topic, kaya ko sinama si Rodney para kayong dalawa lang ni Martin, ayokong maging third wheel noh" –Nessan

"Huhuhu taksil ka Nessan, akala ko ba kaibigan kita, sasabunutan kita ehh" sabay hawak sa buhok niya.

"Heh Ekaii naman ehh" –Nessan

"Don't worry Ekaii, mukhang masaya naman kasama si Martin ehh, saka matagal na rin naman kayong magkakilala diba?" –Rodney

"Oo nga, saka huwag kang mag alala kay Bernard, makakabawi siya next game, kakasimula pa lang kasi niya ehh" –Nessan

Biglang may kumatok sa pintuan ng bahay, siguro si Martin na ito, binuksan ko ang pinto at hindi nga ako nagkamali. "Hi, for you nga pala" wow, may paflowers pa ang kuya mo.

"Thank you" at tinanggap ko yung mga flowers na bigay niya, with "s" kasi 3 pieces siya at iba ibang kulay. Red, white at pink. 3 pieces? Hmmm

"Bongga mo pre ahh, may pabulaklak ka na ahh" –Rodney

"Syempre naman, so let's go?" –Martin

End of Erica's POV


Rebound: GAME OVER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon