Naging masaya naman ang bawat pasok ko sa paaralan, at masaya rin kami nang mga kaibigan ko. Ngayon ay may pajama party kami dito sa bahay kasama ang mga kaklase kong babae, wala nanaman sila mama at papa at tanging yaya ko lang ang nag aasikaso sa amin ngayon.
"Cassy, may pagkain ba sa kusina nyo?" Tanong ng isa kong kaklase
"Ofcourse duh, anong akala mo sa bahay nila cassy kulang-kulang?" Sagot naman ni massie
Ngumiti lang ako at tumango sa kaklase kong nagtanong. Ilang minuto ay bumalik na sya na may dala-dalang bowl ng fries
"Cassy I thought ikaw lang at yaya mo ang nandito ngayon? You did not tell me na may gwapo pala kayong kasama" ngingiti-ngiting sabi nang kaklase ko habang kumakain
Napataas naman ang kilay ko
"Kami lang ni yaya" sagot ko
Bigla namang natahimik ang lahat.
"Baka yun yung boyfriend ng anak ni yaya" ngiting sabi ko, ngumiti rin sila isa-isa
I lied, wala talagang anak ang yaya ko. I just did that para mawala ang takot nila. Bat ang weird na nang bahay ngayon? May multo ba talaga dito? But I just ignored it.
Nakatulog na kami lahat matapos mapagod sa kakatawa at gumawa ng mga kalokohan. Iminulat ko ang aking mata nang hindi ako makatulog at sa di inaasahan ay nakita ko nanaman ang lalaking naka hood. Nasa may bintana sya at nakayuko.
Bumangon naman ako at tinitigan sya ng mabuti, and in the third close nasa harapan ko na sya. I can really smell his breath and shockingly it smelled mint,napakarefreshing. Hindi ko masyadong naaaninagan ang mukha nya. I was about to unhood him when dara called my name.
Sa pangalawang pagkakataon ay bumangon ako mula sa pagkakahiga, I was confused, nakabangon na kasi ako kanina lang eh. Inilibot ko naman ang mga mata ko at hinanap ang lalaki but he is nowhere to be seen.
"What's wrong?" Dara asked and touched my shoulder
I turned my gaze to her and just smiled
"Wala naman, bat moko ginising? Naiihi kaba?" Natatawa kong sabi
Natawa rin sya "hindi naman. Kanina kasi yung kamay mo nakataas kaya ginising kita"
Tumaas bigla ang balahibo ko pero hindi ako nagpahalata sa takot na naramdaman ko.
"I had a dream kasi na pumipitas ako ng mangga, let's sleep na" I said
Humiga na kami ulit, ngunit hindi nako makatulog at sa totoo lang natatakot nakong matulog at ipikit ang aking mga mata.
******
Sabay-sabay kaming pumasok ng mga kaklase kong babae na nag overnight sa bahay, pagkapasok namin sa room ay nandoon na ang prof namin kaya isa-isa na kaming umupo. Habang nakikinig sa discussion ay nakaramdam ako ng antok pero pilit ko itong nilalabanan.
Natapos na ang klase at nagdesisyon akong umuwi muna dahil 1:00pm pa ang susunod naming klase, sina haley massie, esa at livea naman ay nanatili sa room.
Nang naglakad ako papuntang parking lot may narinig akong dalawang babaeng nag uusap, mga kaklase ko. I was going to ignore them when I heard one of them uttered my name. Bumalik ako sa may poste para magtago at makinig.
"What's their main reason of destroying cassy? Mabait naman sya"
"I don't know nga eh, ang fefake naman pala ng apat nyang kaibigan"
"Sinabi mo pa, grabeng selos siguro yung naramdaman nila kaya ginawa nila ang planong yun"
Lumapit ako sa kanila dahil hindi nako makapagpigil na malaman kung ano talagang pinag uusapan nila. Nang makalapit naman ako, nabigla ang dalawa kong kaklase.
BINABASA MO ANG
sweet nightmare
Misterio / SuspensoSa realidad at panaginip, mas pipiliin natin ang realidad. pero paano kung sa panaginip mas mararanasan mo ang inaasam na pagmamahal? mas pipiliin mo pa ba ang realidad?