Beatrix
She raised her dark brow, frowning deeply as she let her brown eyes move over that white art canvas.
That brown eyes. I can clearly see that she loves me from that beautiful brown eyes.
She looked at me intently. Parang kinakabisado ang bawat detalye ng aking mukha.
Hanggang sa bumaba ang tingin nya sa aking katawan. I was wearing nothing while laying on the new white couch. And she froze.
Hindi ko mapigilang matawa sa aking isipan. Kanina pa sya natitigilan at napapapikit bago pinagpapatuloy ang kanyang ginagawa.
Pinipigilan kong kumilos kahit nangangawit na ako. Pinagkakasya ko nalang ang aking sarili na nakatingin sa kanya.
Habang nakatingin ako dito ay hindi ko mapigilan ang aking emosyon. Unti-unting namumuo ang luha sa aking mga mata.
Oo, naiiyak ako. It was tears of joy. Ewan ko, pero minsan sa sobrang pagmamahal ko sa babaeng nakaupo sa aking harapan ay naooverwhelm ako. At usually, ito ang nangyayari.
Pinunasan ko ang aking mga mata at narinig ko naman ang reklamo nya.
"Love!"
Napangiti ako habang pinupunasan ito. "I know. Wait love. I just had to wipe my eyes, pagod na kasi kaya naluluha." Pagsisinungaling ko.
Lumapit naman agad sya sa'kin. "Pagod ka na po love ko?" Malambing nyang tanong. Minsan oa pa naman ito when it comes to me. Ayaw na ayaw nyang napapagod ako.
"I'm fine. Sige na balik ka na dun. Taposin na natin." Nakangiti kong sabi sa kanya at tinulak sya palayo.
Natawa naman ito at tumayo. "Alright, I'm almost done anyway." Umupo na sya sa harap ko at nagpatuloy.
Mabilis ang kanyang kamay. Kung kanina mabilis na ito, ngayon ay mas binilisan nya pa. Nag-aaalala nga talaga sya sa'kin.
After ng ilang oras ay nakita ko na syang ngumiti at tumayo. "It's done, love." Sabi nya habang masayang tinitingnan ang gawa nya. She looked satisfied.
Lumapit sya sa'kin at tinulungan akong umupo. Binigay nya din sa'kin ang robe na sinuot ko naman agad.
"Are you ready to see it?" Excited nyang tanong.
"Of course!" I answered enthusiastically.
Tumayo ito at kinuha ang canvas. Nakatalikod pa din ito sakin kaya di ko pa nakikita ang masterpiece nya.
"Tadaaaaaa!" Sabi nya sabay pinakita sakin ang sketch.
Napanganga ako, hindi dahil maganda ito — although it is so beautiful, no doubt about it — but damn, I was wearing a small piece of cloth there when in reality I wasn't wearing any.
"Madison!!!" Reklamo ko sa kanya habang tawang tawa naman ito. Nakakainis talaga! Nangtitrip na naman ito.
"What??? You didn't like it?" Natatawa pa din nyang tanong at napatingin sa gawa nya. "It's so beautiful, isn't it?" She said, admiration is visible in her eyes.
"Ihhh!! Gusto ko pero bakit pa ako nakahubad habang ginagawa mo yan kung may damit pa din ako dyan!!!?" Maktol ko pa din.
Paano kasi, ang usapan ay she will sketch me while I'm naked. Although I was just wearing nighties sa sketch nya, still, hindi naman yun ang usapan. Naisahan na naman ako ng bayawak na'to!
Di pa din nawawala ang tawa nya habang binababa ang canvas at lumapit sa'kin. Niyakap nya ako mula sa likod ko at pinatong ang kanyang baba sa shoulders ko.
"But babe, your nakedness only belongs to me. Syempre, i-didisplay ko kaya yan dito sa loob ng bahay natin. Ayokong may ibang makakita ng katawan mo." Paglalambing nya.
Unti-unti naman akong napangiti sa sinabi nya.
Bahay natin.
Ihhh! Nakakakilig pakinggan.
Yes, this is our own house. We're finally living together after 2 years of long distance relationship. Hindi kasi pwedeng parehas naming iwan ang company ni dad. But we both understand the set-up. Ang importante ay I am finally back here in the Philippines.
Nasa London pa lang ako ay pinaplano na namin ito. She will be designing our dream house and I'm the one who's assigned for the landscaping. Akala ko pag-uwi pa namin ito masisimulan, but this huge lizard right here surprised me. And she made me so happy. Ang ganda kasi talaga ng bahay na'to and I am really, really proud of her.
Naupo kami sa bago naming couch habang kandong nya ako. She hugged me so tightly, akala mo naman aalis ako.
"But why do I have to be naked? Sana nagsuot nalang ako ng nighties kung ganun din naman." Parang nagtatampong sabi ko.
Napatingin ako dito at nakangisi pa din ito. Pinaningkitan ko sya kasi nakakaasar na yung ngisi nya.
"Syempre, kailangan ko ng inspiration." Parang wala lang na sagot nito.
Napamaang naman ako sa sinabi nya. Kahit kailan talaga itong si Madison napaka-halay! Walang pagbabago.
At bago pa ako makapag-react ay hinalikan nya na ako. Her kiss is sweet like honey, yet rough with passion. Damn, I missed her so much. She's the only one I want to be with, for the rest of my life. Her skin underneath my fingertips always made me feel like home.
"Love, you smell so good." She said between our kisses. It more sounded like a moan to me.
Shit. Alam ko na kung saan 'to patutungo.
~*~
Author's Note:
And I am so back!!!
Hi everyone!!! A lot of you have been sending me messages to write a sequel so tadaaaa!!! Here it is!!!
Behold, I'm going to ruin their relationship. Nyahaha gusto nyo yun? Gusto ko yun! Charot!
Anyways, enjoy!
~ Cray 🌹
BINABASA MO ANG
Chasing Forever (GxG)
Lãng mạnTwo lives drifted apart but given the chance to get back together. A second chance to make things right. A chance to continue their beautiful love story that only comes once in a lifetime. But how would you know if a person deserves a second chance...