Flat Chested XD

492 19 5
                                    

"Tss! Flat chested."

"AAAAAAAARGGGHHH! NAKAKAINIS TAALAGAAA!!!"

Napasabunot ako sa sarili ko ng maalala ko nanaman ang sinabi ng bwisit na Delfin na yun!

Lagi na lang akong tinatawag na flat chested.

Well, ok alam ko wala talaga akong hinaharap, pero kailangan bang paulit ulit na ipamukha sa akin yon?

Hindi ko ba nakikita at maaalala yun tuwing maliligo at magbibihis ako?? Tuwing titingin ako sa salamin? Tuwing makakakita ako ng billboard ng mga models na gifted?

KAASAR!!!!

"HOY! Makalbo ka na jan girl! Hindi siya worth it."

"Konti na lang kasi Sarah eh. Konti na lang mapapatay ko na siya!"

"Ay, kala ko naman konti na lang maiinlab ka na sa kanya."

"Asa naman no! Sino namang normal na taong nasa tamang pag-iisip ang magkakagusto dun?"

"Wait, let me think. Uhmm, lahat ng babae sa campus?"

"I repeat, nasa tamang pag-iisip. Eh mga baliw lang nagkakagusto dun!"

"Hahaha! Bitter ka 'te?"

"Sarah tigilan mo muna ko ha? Baka ikaw masabunutan ko eh."

"Ok. Hahaha. Sige na, una na ako umuwi. Tapusin mo na 'yan. Magko-close na din itong library, 6:00 na eh. Bye  sissy, ingat ka, see you tomorrow."

"Bye."

Haaay.

Ano na nga ba kasi itong ginagawa ko?

Ah! Itong homework namin sa science.

Bakit ako nadistract kanina?

Kasi ang ireresearch namin ay tungkol sa cardiovascular system.

At siyempre tulad ng ibang science book, merong model na babae dito sa book para ma-illustrate yung cardiovascular system.

Kaya ayan, nung nakita ko ang you-know-what niya, bigla nanamang nagpop out sa utak ko ang mga sinabi ni Ryan Delfin!

"Buti pa mga illustrations at drawing sa book no, hindi flat chested."

ANAK NG TOKWA AT BUTETE NAMAN OH!!!

"Pwede wag na lang manggulo? Nananahimik na ako dito oh."

"Sinasabi ko lang naman observations ko eh."

"Pwes wag mo sa akin sabihin, dun ka sa mga kaibigan mo. CHUPI NA!"

"Tss. Flat chested nga naman oh."

Flat Chested XDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon