Chapter 7: Seriously?
Nakaalis na ang mga pulis at ngayon naman ay nakatayo na sa harapan ko si Damian. Binabawi ko na ang naisip ko kaninang hindi siya baduy today. BADUY PA RIN TALAGA SIYA!
What the hell? Naka-black shoes siya. Totally not suited sa damit niyang mukhang zoo.
Napakamot ako ng ulo ko dahil sakanya.
“B-bakit? May problema ba saakin?” Tanong niya saakin. Hindi pa rin talaga siya makatingin saakin ng diretso. Tss.
“Saan mo ba binibili ang mga damit mo? Ang baduy mo talaga pumorma. Like omg talaga. Lahat yata ng naging kaibigan ko mula noong lumipat ako ay pulos magandang manumit. Tapos nitong pagbalik ko, anong nangyari na saiyo? Naiwanan lang?” Oh gees!
“Jeling! Kung anu-ano ang sinasabi mo kay Carding. Bakit hindi mo siya pasalamatan dahil sasamahan niya tayo?” Nakapamaywang pa si lola ko ngayon.
“Lola naman. Ang sabi ko JL ang itawag mo saakin. Isa pa, ano siya? Si Super Carding? Hindi naman niya talaga tayo kailangan samahan, e. Saka bakit naman ako magpapasalamat?” I made a face pa bago ko sila tinalikuran at nagtungo sa kusina. “Kainis. I’m her grandchild! Not him! Kahit kailan talaga ay paborito niya iyang Damian na iyan.”
“Relax lang po Ms. JL. Ice cream po, gusto niyo?” Alok ni Hazel saakin.
“Dalhin mo na lang iyan sakanila. Alam ko naman na para kay Damian ‘yang ice cream.” Kako nalang. Totoo naman kasi. Nagpabili kanina si lola ng ice cream kay Hazel nang malaman niyang dito matutulog si Damian. Samantalang noong dumating ako walang ice cream!
Uminom nalang ako ng malamig na tubig bago umakyat sa kwarto ko. Kung asikasuhin niya si Damian aakalain talaga ng mga tao na siya ang apo at hindi ako. Parang hindi kami ninakawan kung umasta si lola.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ko nang maaalala ko na sa kabilang kwarto lang ang tutulugan ni Damian. This is insane.
Busy pa naman sila sa baba kaya nagpasya akong pasukin ang kwarto niya. Out of curiosity lang naman. Binuksan ko ang cabinet at totoo nga ang sinabi niya kanina. May mga gamit nga siya. Medyo makulay pa nga ang wardrobe niya. Kakaiba talaga.
Maniniwala na yata ako kay Erick na exotic nga si Damian. Mahirap na makahanap ng isang katulad niyang masakit sa mata.
Isinara ko ang cabinet at pinagmasdan ko ang kabuuan ng silid na ito hanggang sa napansin ko ang drum stick. Hanggang ngayon kaya ay iyan pa rin ang inaatupag niya?
“Je-Jeli---“
“Tsk! Don’t even dare!” I said, glaring.
“Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya habang naglalakad siya hanggang sa lamesa at inilapag doon ang mga gamit niya.
“Bawal na bang pumasok sa isa sa mga kwarto sa bahay namin?” Nakataas pa ang kilay ko nang tanungin ko siya.
BINABASA MO ANG
Not So Boy Next Door (COMPLETE)
ChickLitIf you think you've heard my story before trust me-- you haven't. -Jade Louise Cruz