Di na Babalik

446 11 2
                                    

Sa bawat pag patak ng luha

puso ko ay humihina.

Alam ko na ang pag bitaw

ay ang nararapat.

Kahit ikaw ang una kong minahal

kailangan kong maging matapang at ikaw'y papakawalan.

Ngunit paano?!

Isang araw tatahan din ako

 at ang nararamdaman sayo ay maglalaho.

Tapos ko ng pagbigyan ang sakit ng nakaraan, 

ngayon kaligayahan ko naman.

Alam kong walang nagkulang sating dalawa,

hindi lng talaga tayo ang itinadhana.

Hindi ko man alam ngayon kung pano ka kakalimutan,

pero dadating ang sandali na 

hindi na ikaw ang hinahanap.

Hindi na ko kakapit sa pag asang magkakabalikan 

dahil ito'y malabo.

Sa huling sandali na tayoy magsama 

yayakapin ka ng sobrang higpit 

dahil hindi na ako babalik.

Di na BabalikWhere stories live. Discover now