•Chapter Eight•

120 6 1
                                    

All eyes on her....again.

Aish~ akala ko ba---

"Hi Miss Finn." Bati ng isang nurse na nakasalubong niya.

"Err---H-Hi?"

"Good morning Miss Finn.."

"Uh.. h-he..he Good morning din.."

"Oy Nurse Finn! Magandang umaga!" Another one waved.

????????

(Ano'ng kalokohan naman 'to? Sabaw na sabaw pako jusko.. ugh~)

Parang tanga lang na sumakay ng elevator si Finn kakaisip kun ano'ng meron at bakit halos lahat ng nakakasalubong niya ay binabati siya.  Mabuti nalang at siya lang ang laman niyon dahil kung hindi, baka isipin ng mga makakasabay niya na baliw na sya.

(Dahil ba... dahil ba kay Spencer?..)

Busy siya sa kakakalikot ng bag niya nang huminto ang elevator sa ika apat na palapag at pumasok naman ang ilan sa mga taga Radiology Dept.

"Alam niyo ba ang nangyari kagabe sa engagement ni Doc Steve at Doc Elaine?" Simula nung bakla.

"Duty kami ee. Bakit ba?" A girl asked.

"Remember yung Nurse na ex ni Doc? It turned out na asawa pala ng nag iisang Spencer Evans!"

"What?!" Sabay sabay na sigaw ng apat.

"My Spencer Evans?! Asawa ng isa sa mga nurse natin?! Nagbibiro ka ba?!"

(My pala haa? Isupalpal ko sa'yo marriage license nam---hhhheeeey! Ano'ng pinagsasasabi mo! *Batok sa sarili* mahiya ka nga! Alam ng lahat na hindi nagseseryoso ang isang 'yon lalo na at sa'ken pa.)

"Hindi ako nagbibiro, gaga! Hindi ako magpapakalat ng chismis na hindi totoo ano! Lalo na't kasama dyan si Mr. Spencer, malagot pa'ko!"


(Well, tama ka dyan... pero bakit nagkakalat ka?)


"Eh pa'no nga nangyari?!"

"Ewan ko! Basta bigla nalang dumating si Mr. Evans at pinagbantaan ang lahat na pag may nangbully pa raw sa asawa niya ay sya na ang makakalaban. Parang sweet diba?"

"Sweet?! No way! There must be some anomaly! Never nagkaroon ng ugnayan si Spencer ko sa ibang babae!  I thought nga gay siya ee. But that's better kesa naman sa may asawa!"


(Sabi ko nga kaseee dba? Pero bakit parang nakaka insulto siya ng konti? hmm )


"Kung nurse dito, makikita natin 'yon. Should we search and spy on her?"

"Gora ako dyan! Kapal ng mukha niya. Akin lang ang Spencer 'ko no!"

(Mas makapal naman ang mukha mo. Ews.)

CONTRACTUAL MARRIAGE (Savage marriage)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon