Marry Me.
"Oh my! Cheri, that's absurd! No way! Hell no." sabi ko sa kanya matapos niyang iexplain kung anong klaseng game ang lalaruin namin. Iniisip ko pa lang tumataas na balahibo ko.
"Sira, hindi naman mahahalata kapag wala kang suot in case matalo ka." At talagang sure siyang matatalo ako ah. My god, seryoso bang magkadugo kami neto? ni minsan hindi ko naisipan laruin yun.
"Nope. Pass ako dyan kapatid. Sasayaw na lang ako!"
"Ok, sabi mo eh. Nga pala, tanda mo ba 'yung shoes na gift kay X-tina sa Burlesque?"
"Yup. Christian Louboutin yun. Dream shoes ko!"
"Well. Ako na may ari ngayon nun."
"Ha? Ano?!!!!! Paki ulit nga sinabi mo?" tama ba narinig ko? buti na lang hindi pa ako umiinom kasi talagang mabubugahan ko na tong si Cheri. "Seryoso ka?" tumango uli ito at proud na proud sa sarili. Siya ang lucky winner sa raffle na sinalihan niya sa hongkong. Last week kasi nasa hongkong siya. Siya lang naman kasi ang nagplano ng kasal ng isang sikat na artist dun. Grabe, bigtime na si Cheri. Oh! Oo nga pala, kung hindi niyo naitatanong.. wedding planner si Cheri. Kasali lang naman siya sa top 10 best wedding planner sa asia. At ako naman ang supplier ng mga bulaklak kasi may flower shop ako tapos katabi ko 'yung office niya. Well, let's just say business partners kami. Teka, mabalik sa sapatos. "Cheri!!!!! arbor na lang!!!!" nung una tatawa tawa ito at bigla na lang nagseryoso. Tinaasan pa ako ng kilay. Lagot. "Sayaw lang ako aah.." paalam ko dito. Ayoko ng tingin niya, parang may masamang balak to eh. Tsk.
Cheri's POV:
Paumanhin sa mga nagbabasa. Makikisingit lang po. Ehem! I'm Cheri, ang napaka magandang kapatid ni Mia at-- wait, kilala niyo na siguro ako kaya hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ang totoo.. para kay Mia talaga 'yung sapatos kasi alam ko talagang pangarap niyang magkaroon nun. At super swerte ko lang talaga kasi ako na ang nagmamay-ari ng Christian Louboutin Burlesque edition heels. Taray di ba? pero hindi ko 'yun sinabi kasi may balak ako.
Sa totoo lang, nawala na 'yung social life ng kapatid ko since nangyari yun. Kaya gusto ko ngayong gabi magsisimula ang new chapter ng buhay niya. Ayoko ng umiiyak siya ng dahil lang kay Geoff. Ask me kung sino ang kalahi ni satanas.. Si Geoff, sino pa ba? Pag may gig nga sila, hindi na ako nakakasama kasi alam kong makikita ko siya. Oo, bitter ako. Dahil sinaktan niya kapatid ko pero pasalamat na lang talaga siya kasi bestfriend siya ni Ethan at dahil kung hindi.. pasasabugin ko pagkalalaki niya. At si Mia, bata pa siya.. madami pang pwedeng magandang mangyari sa buhay niya. Gusto ko siya maging malaya sa nakaraan niya at magsimula na tungo sa pagbabago.. at ngayong gabi 'yun mangyayari. *wink*
Ilang minuto na si Mia sa dancefloor, hindi pa siya bumabalik. Baka nageenjoy o kaya nakakita ng gwapong lalaki. Ayeee. Umorder pa uli ako ng mojito habang inaantay ko ang jowa kong napakahot at lead vocalist ng bandang The Hot Pack. Sikat na sila at may album na silang irerelease this year. Madaming nagkakandarapa kay Ethan pero alam kong sakin siya. Haba ng hair ko no? Inggit kayo? hanap kayo ng jowang mala-Ethan. :P
Speaking of Ethan.. nandito na siya pero bakit ganito itsura neto? formal lang ang peg baby? Napatawa na lang ako.. pero in fairness, bagay din sa kanya porma niya maliban sa ripped jeans at t-shirts na tipikal niyang suot kapag may gig sila.
"Baby.. saan burol ka umattend?" asar ko dito.. natawa naman ito at humalik sakin..
"Bagay ba?"
"Yesss. Sexy.. Mmm.. yummy!" malandi kong sabi. Kung hindi lang matao, naku..
"Good. Hmm.. Baby...?" napatigil ako sa pagkuha ko ng mojito ko ng biglang lumuhod sa harap ko si Ethan.. tumahimik din ang buong bar.. nakatingin sa amin ang lahat. "Baby.. I love you with all my heart. We’ve been with each other for years and my love for you grows more each year. Gusto kita makasama habangbuhay.. magkaroon ng pamilyang rockstar.. Rock en roll nga eh!"
Oh my, totoo bang nangyayari ngayon 'to? Bakit ngayon pa? Teka, nasaan na ba kapatid ko? Oh no. Nasa likod siya ni Ethan.. naiiyak siya.. nakangiti ito pero ramdam kong hindi lang sa dahil masaya siya. Shit! Ethan! bakit ngayon pa?? Ladies night out namin to. Hindi ko alam pero.. wag? oo? anong gagawin ko?
"Cheri.. will you--"
_____________________
back to Mia's POV:
Medyo nahihilo na ako ng makarating ako ng dance floor pero gusto ko lang talaga makatakas kay Cheri. May mali sa mga tingin niya eh, tipong gusto niyang pahubad underwear ko at isabit sa ulo ko.. which is 'yun nga ang game na gusto niyang laruin, maliban lang sa isasabit sa ulo. Nagpalit na ng music, hindi ko alam kung anong kanta pero parang may kakaiba lang. Parang naalala ko si... ah ewan! sabi ni Cheri magpakasaya ako ngayong gabi at kalimutan ang dapat kalimutan. Hmp! Kaya ko 'to! Sumayaw na lang ako.. tawag nga ni Cheri sa sayaw ko 'tuod dance'.. kasi hindi naman totally na sumasayaw ako. Pinakikiramdaman ko kasi 'yung kanta ng biglang tumigil ito. Eh?
Nagsialisan naman ang iba sa dancefloor at pumunta sa.. teka.. anong meron? bakit parang may nangyayari sa table namin? Wait! si Cheri!!! hala hala! nagmamadali akong makabalik dun at sumiksik sa mga etchuserang mga nilalang. Naisip ko baka nagstrip na si Cheri. Oh my! 'Wag naman po sana.. "Excuse me.." siksik pa din ako.. "padaan lang." nang makarating na ako sa table namin.. nakita ko si Ethan.. oh.
"Cheri.. will you marry me?"
Napatingin naman ako kay Cheri at ganon din siya sakin. Umiiling ito sakin.. bakit? ayaw niya ba? Parang may special connection kami ng kapatid ko na kami lang ang nagkakaunawaan. Nakatingin pa din ito sakin. Bakit hindi niya sinasagot si Ethan?
"Cheri?" Hindi pa din siya sumasagot at nakatitig lang sakin. Sa tingin ko pa lang sa kanya alam niyang nagtatanong ako kung bakit.. umiiling pa din siya. Ahh.. alam ko na ibig sabihin niya. Dahil sakin kaya ayaw niyang sumagot? dahil ayaw niya ako masaktan? dahil once nangyari din sakin to.. once..
"Mia?" tawag sakin ni Cheri na para bang ako ang sasagot sa tanong ni Ethan.. Tumingin naman sakin si Ethan at ngumiti. Kilala ko si Ethan.. kung ikukumpara ko siya kay.. sa kanya.. isang tabong paligo lang ikinulang niya kay Ethan. Mabait siya at alam kong hindi niya gagawin kay Cheri kung ano man ang ginawa sakin ng bestfriend niya. Humarap na uli ito kay Cheri at nagthumbs up ako kay Cheri meaning.. ano pa nga ba! Say yes, say yes. Nagthank you ito sakin at sumagot ng matamis na oo.. in english syempre. At bumalik na sa maingay ang bar at nagpalakpakan ang lahat.
Cue music! *Ikakasal ka naaaaaa! Iiwan na akong nagiisa..*

BINABASA MO ANG
Miracle on Table No. 7
RomanceHe and she, two different people with two separate lives. Then you put the two together and get a spectacular surprise. Because one can teach the other one what she doesn't know, while still the other fills a place inside he never knew had room to g...