This Poem was made by my friend....Chelsea Vidallo for her dearest babu. This is for you
Ang pag-ibig daw ay isang salitang mahiwaga,
Na kung sa bibliya ay sadyang matalinhagaa
Para sa mga tao’y labis ang halaga
Kaya dapat pag kaingatan ang bawat kataga..
Iba ang pakiramdam kapag ikaw ay kapiling,
Lahat ng atensiyon sayo nakabaling,
Ikaw kasi ang hilig mang lambing,
Ayan tuloy! Lalo akong nahuhumaling.
Akala ko nung una ganito lng tlga,
Yung pakiramdm kpg kaibigan ay kasma
Hndi ko naisip na nag-iiba na pala
Ang tingin ko sayo oh aking sinta.
Ako ay nagulat, pag gising sa umaga,
Bigla na lang naaksidente at nahulog sa kama
Hindi na tuloy natapos ang panaginip kong maganda,
Lagi n lng ba namang istorbo si mudra.
Hay! Ayan tuloy nasira na ang araw,
Pati sa pagkain hindi na nagtakaw,
Kasi ba nmn c inay maagang nambulahaw
Bute na lang iyong litrato ay aking natanaw.
Habang naglalakad sa tabi ng kalsada,
Nakita nila akong pangiting-ngiti mag-isa
Binilisan ko ang lakad dahil nkkhya sa mga nakakita,
Pra b nmng ewan, at mukha pang tanga.
Pagdating sa eskwela ikaw agad ang nakita,
Umaga ko tuloy ay naging kaiga-igaya
Ngunit lht ng saya ay nabaliwla
Nang ika’y matanaw na my ksamang iba.
Bakit ganon ang aking naramdaman?
Tila nabagsakan ng malaking bato sa katawanan,
Nang ako’y tanungin ng mga kaibigan,
“Ano ang nangyari at napaluha sa daan?”
Hindi ko naintindihan kanilang katanungan
Bagkus nagpatuloy ako hanggang marating ang paroroonan,
Mga gamit ko’y naibagsak na lng sa upuan,
Hindi ko alam kung bakt ako nawla sa katinuan.
Pag-alis ng kausap ay binate mo ako,
Ngunit bakit ganoon ako’y hindi kuntento
Hinarap kita at tiningnan ng deretso
Nagulat ako nang lapitan mo ako sa aking pwesto.
Napangiti ako sa kadahilanang hindi ko alam
Basta’t ang alam ko’y ikw ang may kagagawan
Sa mga sandaling iyon nang ako’y nahimasmasan
Nagulat na lamang sa mga kwentong napakinggan.
Ako’y napaisip dahil parang my nagbago,
Hindi ko mawari kung ano ang totoo
Basta bumibils sa twina ang tibok ng puso ko
Pati ang isip ko ngayo’y litong-lito.
Nang magsimula ang klase ay hndi mapakali
Nang Makita kita na nakasandal sa katabi
Ang pakiramdaman ko n nmn ay hndi mawari
Naloloka na ko sa mga nangyayari.
Pag wla kang ksama ay nais kitang lapitan
Ngunit minsan ako’y nahihiya at bka ako’y iyong layuan
Pero ikw namn ay mabait batay saking pagkakakilanlan,
Kaya’t wla ng hiya hiya’t akin kitang tinabihan.
Kinausap kita tungkol sa khit ano,
My masbe lng kht na papaano,
Tinanong kita kung sino ang iyong gusto,
Pero ayw mo sbhn at iyon ay sikreto.
Lumipas pa ang oras at uwian na naman,
Nakakatamad pa dahil hndi na kta msisilayan
Ako ay nagnilay sa king binigay na katanungan
At nagtataka kung bakit ayw mong bigyan ng kasagutan.
Pero, ako ay nagulat sa binatawan mong salita
“MAHAL??” pandinig ko ba ay tama?
Sabi ni oso pisngi ko daw ay namula
Loko ka ksi, pero ako nmn ay natuwa.
Isang pangyayari ang ikinabigla ko ng sobra
Nang bigla mo kong yakapin sa harap ng madla,
Muntik na ata akong matunaw dahil sa iyong ginwa
Pero, sa loob loob ko, sana’y isa pa.
Tandang tanda ko p yaong mga salita
“Mahal, tayo ng umuwi, tara!
Hihintayin na lang kita sa baba”
Kahit alam kong iyon nmn ay walang kwenta. L
Sa aking pag uwi, si Mahal ay aking kawangki,
Kami ay nag usap at aku’y nagtitili,
Ikaw b nmn masyado kong pinakilig,
Ayun tuloy sa kaiirit ko’y mukha na kong tulig.
Ako’y bigla nyang binatukan,
Kaya’t ako’y bumalik sa katinuan,
Syempre, ako’y hindi mabait para palampasin
Ang knyang pambabatok sa gitna ng gym.
Bago matulog, ako’y napaisip,
Ang hangin nga ba’y nag-iiba na ng hihip?
Nais ko nang mag umaga pero hndi mapaidlip,
Naku! Talaga nmng ako’y inip na inip.