Valentines Day. ❤
---
New day.
New week.
New month.
February na rin!
GOOD NEWS: MALAPIT NA MATAPOS ANG SCHOOL YEAR.
BAD NEWS: DI KO PA DIN NAGING KACLOSE SI CRUSH.
---
Palakad-lakad kami ni Tammy dito sa hallway. Wala daw atang klase ngayon dahil sa Teachers' Meeting.
Balak nga sana namin makipagkaibigan na kanila Patrick at Jason. Nakakahiya eh. Malay mo ano pang iisipin ng iba.
Pumunta nalang kami sa classroom nila Britney at Cassie.
"Gawa niyo dito?" Britney.
"Bumibisita. Boring sa room." Ako.
"Ayie. Nakukunwari si Ella. Gusto mo lang makita si ayun oh." sabi ni Britney sabay nguso kay Patrick.
Oo. Kaklase niya si Patrick at Jason. Swerte nga niya, close sila. Gusto nga ako ipakilala ni Britney sa kanya kaso nahihiya ako.
"Hi Ella!" Tikoy.
"Hello Tikooyy!" Bati ko.
"Musta?" tanong niya.
"Okay lang naman." Ngiti ko.
"Oy, Tikoy, naguusap pa kami ni Ella, kaya shoo-shoo ka muna." pagtaboy ni Britney.
"Kinakausap lang naman ang tao." Tikoy.
"Ako nauna. Sige, shoo-shoo na." Britney.
"Sige na nga!" Tikoy.
"Uy Tammy. Gusto ka daw makilala ni Jason. Dali puntahan natin." sabi niya sabay hila sa amin dalawa.
"Akala ko si Tammy lang. Bakit ako kasama?" tanong ko.
"Basta. Sama ka nalang." Britney.
"Gusto mo lang talaga ako ipakilala kay Patrick!" Ako.
"Sige na. Aaminin ko na. Kay Jason ko nga kayo ipakilala." Britney.
"Sige na. Kay Jason na." Ako -___-
"HOY! JASON! HALIKA NGA!" sigaw ni Britney.
Tumakbo palapit sa amin si Jason.
"Oh bakit?" tanong niya at ngumiti pa kay Tammy.
"Ito nga pala si Tammy, Tammy si Jason. Ito si Ella, Ella si Jason. Magkakilala na kayo ha? Sige, kasi Patrick naman tayo." Britney.
"Ahhh. Ayoko na. Babalik na ako sa room!" Ako.
"Joke lang naman Ella. Tara labas tayo." Britney.
Lumabas na nga kami ni Tammy at Britney. Doon kami sa labas nang biglang pumunta si Cassie sa amin.
"Hello!" Cassie.
"Hello!" Ngiti ko.
"Nga pala Ella." sabi ni Cassie.
"Ano yun?" tanong ko.
"Hi daw sabi ni Patrick." ngumiti siya at umalis.
BINABASA MO ANG
Valentines Day. ❤ [One Shot]
Teen FictionAkala ko hindi mo ako kilala. Akala ko hindi tayo magiging magkaibigan. Paano ba yan? Lahat ng akala ko, ay hindi totoo. Ang totoo ay ang kabaliktaran. Kilala mo ako, pero di mo sinabi. Gusto mo ako maging kaibigan pero ayaw mo sabihin. Sa katapusan...