Prologue

32.8K 682 43
                                    

    “Hindi puwede ’to, Elizza!”

    Mula sa pagkakayuko ay napaangat ang ulo ko para tingnan si papa. Napahikbi ako nang nakita ko ang galit na galit niyang mata habang pinapakalma siya ni mama.

    “Pa, hayaan na natin. Huwag—”

    “Anong hayaan pinagsasabi mo, ha? Binuntis ka ng lalaking ’yon!” Napapikit ako sa biglang pagsigaw niya. “Dapat ka niyang pakasalan!”

    Mabilis akong umiling-iling at lumapit sa kaniya. “H-Huwag na, 'pa. Alam naman nating lahat na hindi ako ang mahal niya rito, na pagkakamali lang ang nagawa namin—”

    “Elizza, tanga ka ba?” 

    Naitikom ko ang bibig ko sa tanong niya. Napayuko na lang ulit ako habang sunod-sunod na tumutulo ang mga luha ko. Sinilip ko si mama pero tahimik lang din siyang umiiyak habang nasa tabi ni papa.

    “Ang lakas ng loob niyang talikuran ako sa mismong pamamahay ko matapos kong marinig na buntis ka at siya ang ama?”

    Napasigaw pa kami ni mama sa gulat nang hampasin niya ang lamesa. Hindi na talaga ako nakapagsalita dahil sa takot. Baka masampal na naman niya ako gaya ng nangyari kanina nang narinig niya kami.

    Kahit kailan ay nakakatakot talaga magalit si papa, nananakit siya. Kahit kaming mga anak niyang babae ay nagagawa niyang saktan pero kahit gano'n ay mahal na mahal pa rin namin siya dahil ginagawa niya ang lahat para sa amin.

    “Ano ba kasing katarantaduhan ang pinaggagawa n’yo at umabot pa kayo sa ganito, ha? Elizza?”

    Mariin kong nakagat ang labi ko at umiling nang maraming beses.

    H-Hindi ko alam.

    Kahit ako ay hindi alam ang buong pangyayari. Nagising na lang ako isang araw na nasa tabi niya. Hindi ko naman ginusto ’to.

    “Magpapakasal kayong dalawa—”

    “Pero, Amando, paano si Azzile?”

    Napatingin ako kay mama. Kunot noong umiiyak siyang nakaharap kay papa. Hindi naman nakasagot si papa at suminghap lang nang malakas.

    “’Tang ina naman.” Napailing siya at pader naman ang sunod na hinampas.

    Bigla na lang siyang naglakad nang mabilis palabas ng bahay. Nagkatinginan kami ni mama at agad na sumunod.

    “’Pa! Saan ka pupunta?” tanong ko at mabibilis ang hakbang na hinabol siya.

    “Sa gagong ’yon!”

    Napanganga ako at mabilis siyang hinawakan sa braso pero tinanggal niya lang ang kamay ko.

    “’Pa, huwag. Huwag na, please. Kaya kong buhayin ’tong anak ko nang wala siya,” umiiyak na namang pigil ko sa kaniya.

    Hindi niya man lang ako tiningnan at binuksan na ang pinto ng sasakyan namin. Nang napagtanto namin ni mama hindi na talaga namin siya mapipigilan, sumakay na rin kami ni mama.

    Humawak siya sa kamay ko nang sobrang higpit at hinila ako para yakapin. Doon ako napahikbi nang sunod-sunod.

    Sa mga oras na ’to, may nasasaktan ako.

    I'm so sorry...

    Gusto ko siya pero hindi ko ginusto ang nangyari.

    Nangunang bumaba si papa pagkarating namin sa bahay nila Waves. Sumunod na rin kami ni mama habang nagdo-doorbell na si papa.

Wife Series #1: The Undesired WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon