Ang hirap talaga na pag ang best friend ang biglang nang iwan sayo. Mahirap talaga na hinde na nga kayo nagkikita nawalan pa kayo ng communication.
"Hoy Avril tulala kana naman diyan!!" sigaw sa akin ni Leslie
"Anu ba iniisip mo? si Mikee ba o si Michaela?" tanong naman sa akin ni Mitch
"Si Michaela syempre miss ko na sya eh"
"weh di nga? di pasok samin palusot mo" sabi naman sa akin ni Leslie
"si Michaela nga iniisip ko miss ko kasi talaga siya di ko na rin kasi alam paano siya icocontact" sagot ko kasi naman hinde na siya nagpaparamdam samin eh
"eh kung hingin mo kaya number niya sa kuya niya?" sabi sa akin ni Mitch nakalimutan ko kasi na naiwan ung kuya niya dito para may kasama ung lola't lola nila
"oo nga tara samahan ninyo ako mamayang break" sagot ko sa kanila
"sige wala naman kaming gagawin mamya eh" sagot nila sa akin
Natapos din ang mahabang discussion ng mga teachers namin at sa wakas break time na!!
"girls!!! Tara" sigaw ko sa kanila
" alam mo naman ba kong saan pupuntahan ang kuya ni Michaela" tanong sa akin ni Mitch
"uhm sa classroom?" tanong ko sa kanila
"alam mo ba anung section kuya niya?" tanong naman sa akin ni leslie
"uhm hindi eh, pano na nyan?" tanong ko sa kanila
"diba varsity kuya ni Michaela?" tanong sa akin ni Mitch
"oo alam ko varsity siya" sagot ko
"edi tara sa covered court nadun ngayon lahat ng varsity players" sabi naman ni Leslie
"Panu mo naman nalaman?" tanong ni mitch sa kanya
"uhm dahil ba sa may Boyfriend kang varsity player?" tanong ko at nginitian siya buti pa siya maganda ang love life eh ako kaya kelan magkakalove life?
"oo? basta tara na baka nandun din si Mikee noh!" sagot sa akin ni Leslie
"edi tara na!!" sigaw ko sa kanila at dirediretsong timakbo papunta sa covered court
"di kaman excited noh?" tanong sa akin ni Mitch nung nahabol nila ako sa tapat ng court
"hehe pasensya naman miss ko na si Michaela at gusto ko makita si Mikee" sagot ko sakinila habang hinahanap ang kuya ni Michaela
"ayun ung kuya ni Michaela oh" sabay turo ni Leslie at nakita nga namin kuya ni Michaela kausap si Mikee
dugdugdugdug....
"oh Ghad mamaya na lang dismissal natin kausapin please" sabi ko kasi ung heartbeat ko ang bilis grabe at di ako makaconcentrate baka ano pang masabi ko dun kaso
.
.
.kinaladkad ako ni leslie at ni Mitch palapit kina Mikee
"Anu bang ginagawa niyo" bulong ko sakanila
"Kuya Adrian!!!!!!" sigaw ni Mitch kay kuya adrian--. siya ung tinutukoy naming kapatid ni Michaela
"oh bakit nandito kayo?" tanong niya samin, at dahil di ako makimiik sila na ang naging spokesperson ko
"Kuya kasi..." sagot ni Mitch kaso inunahan siya ni kuya Adrian ay ako naman halos matunaw na sa kinatatayuan ko
"kasi?" sabi ni kuya Adrian
"Ka..Ka..ka..se" nauutal kong sabi
"Kasi anu" tanong ulit niya samin at nagsmirk pa sya grabe masisiraan ako ng ulo bakit kasi kasama niya si Mikey eh..
"Kuya pwede makuha number ni Michaela?" Sabi ni Leslie
"Ah oh wait lang isusulat ko na lang sa papel" sabi niya samin at pumunta sa may bleachers kung saan nakalagay ung bag niya at sinundan naman siya ni Mikee
"girl may something kaya kay Mikee at Kuya Adrian?" tanong samin ni Leslie na may malokong ngiti
"kung meron sino namn ang bakla? sayang namn nabawasan nanamn ang mga gwapo sa mundo" tanong naman ni MItch at tumatawa na rin
"oy kayong dalawa magtigil nga kayo dyan pag umpugin ko ulo niyo eh" sabi ko sakanila kainis kasi eh pagbintangan bang may relation si Mikee at kuya adrian hmmp....
pero kung meron na paano naman ako T.T huhuhuhu...
"eh bat parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa dyan?" tanong namn sa akin ni Mitch
"di ah kayo kasi anu anu sinasabi nyo eh" sagot ko
"hahahaha nu kaba nagbibiro lang kami noh! wag mo ngang seryosohin!" sabi naman ni leslie
"oh anung tinatawa tawa niyo dyan?" may lalaking nagtatanong sa likod ko
"wala naman kasi tong dalawang kasama ko pinagbibintangang bakla si Mikee at Kuya adrian" dirediretso kong sagot at nung titignan ko na kung sino ung nagtanong si O.o
"Mi..mi..Mi..ke..e" nauutal kong sabi
BINABASA MO ANG
TEXT
Teen FictionSa lahat ng nangyayari sa buhay natin laging nating sinasabihan ang ating mga bestfriend. Pero paano kung mawalan ka nang communication sa iyong bestfriend hahanap ka ba ng paraan? Masaya man o malungkot, kinikilig man o sawi dapat alam yan ng mga b...