— Elizza —
“Sasama ka ba?” tanong ko kay Azzile habang nagpupunas na ako ng buhok ko. Kakaligo ko lang dahil may lakad pa ako.“Yup. Hindi ko puwedeng palagpasin ang Birthday ng kaibigan natin, ’no.” Ngumiti siya nang parehong pareho rin sa ngiti ko.
Tumango na lang ako at umupo sa harap ng salamin. Tiningnan ko siya mula sa salamin at nandoon lang naman siya sa kama ko, nakahiga at hawak ang cellphone.
“Bakit ka pala nandito sa kuwarto ko? May sasabihin ka?”
Napatingin din siya sa ’kin sa salamin. “Pinapasabi nila Mama at Papa na umalis sila at baka bukas pa nang gabi makauwi. Ikaw na raw ang bahala sa mga aso at pusa.” Nagkibit balikat siya. “Ikaw na talaga ang bahala, Elizza, alam mo namang may trabaho ako.”
Tumango ako. “Oo, alam ko.”
Ako rin naman may trabaho, pero day-off ko naman kaya okay lang.
Sa ngayon, pupunta muna kami sa Birthday ni Sasha. Kaibigan namin siya ng kambal ko since highschool pa.
“Hello, love.”
Napatingin na naman ako kay Azzile. Nakatapat na ang phone sa tenga niya, mukhang kausap na ang fiancé niya.
“We're going to Sasha’s party,” paalam niya. “Ah, sa bar kung saan nagtatrabaho si Elizza. Yeah, sure. I love you, too.”
Napaiwas ako ng tingin at pinagpatuloy na lang ang pag-aayos ko. Naglagay lang ako ng light make up habang si Azzile ay lumabas na ng kuwarto ko.
Pumili ako ng isang fitted black dress na hanggang kalahati lang ng legs ko. Itinali ko na lang din nang pa-bun ang buhok ko.
“Elizza?”
Napalingon ako sa pinto nang bumukas na naman ’yon at pumasok si Azzile. Ngumiti ako nang nakitang sexy’ng sexy siya sa suot niyang blue cocktail dress.
“Why?” tanong ko at napatingin sa hawak niyang pabango.
“Sa ’yo na lang ito, marami pa naman ’yan. May binigay lang kasing bagong pabango si Waves sa ’kin and mas gusto kong gamitin ’yon.”
Inabot niya sa ’kin ang pabango. Ngumiti na lang ako at tinanggap ’yon. “Thanks.”
“Alam kong hindi ka masyadong nagpapabango kaya naisip kong ibigay na lang sa ’yo. Try mo ’yan, mabango naman.” Nginitian niya ako habang may isinusuot siyang hikaw sa sarili niya.
Unlike rin sa make-up ko, mas makapal ang kaniya. Ang pula ng mga labi niya. Masasabi ko ngang sa make-up talaga kami nadi-differentiate ng mga tao. Nakikilala kami ng iba sa make-up, pero minsan ay hindi.
“Mabango naman ako kahit walang pabango, ’no.” Pabiro akong umirap na ikinatawa niya nang mahina. “Well, sige. Gagamitin ko ito.”
Inamoy ko ang pabango. Ito ’yung pabangong ginagamit niya lagi dati. Mabango naman talaga kaya nag-spray na ’ko sa sarili ko.
Pagkatapos naming maayos ang mga sarili namin, sabay na kaming lumabas ng bahay at sumakay sa sasakyan ko. Wala siyang sasakyan, mas pinili niyang magtipid dahil hinahatid-sundo naman siya ni Waves sa trabaho niya.
Medyo late na kaming nakarating sa pinakaoras ng party ni Sasha pero hindi pa naman sila nagsisimula.
“Hey, girls!” ang pagsalubong sa ’min ni Sasha.
Binati namin siya at parehong hinalikan sa pisngi. Sinabayan niya kaming lumapit sa iba niya pang bisita. Karamihan sa kanila ay mga lalaki.
Well, knowing Sasha, she was one of the boys.
BINABASA MO ANG
Wife Series #1: The Undesired Wife
RomanceCOMPLETED "I'm not Azzile, I'm Elizza- the undesired wife." Elizza Tania had a crush on Waves Laserna when they first met. Suddenly, she didn't get a chance to be close to him because her twin sister, Azzile, got his attention. Waves fell in lov...